ONE

0 0 0
                                    

BUILD YOUR PLACE IN HEAVEN

Habang naglalakad galing sa school, may nakita akong mag-ina na nakaupo sa gilid ng burger shop. Marumi at tila ay pulubi sila.

I was rooted here and my body don't wanna move.

Lalapit na sana ako nang may isa pang matanda na lumapit sa dalawa. He holds two burger on each of his hand.

He looks like a beggar too, and it seems he bought burgers for himself but I was wrong. Nagulat ako nang ibigay niya ang burgers sa dalawang pulubi ng may ngiti sa labi niya. Natuwa ang mga pulubi at agad na kumain.

I watched Lolo from there, he's wearing a satisfied expression. Like he's so happy to help.

I decided to approach him. Nagulat siya sa akin pero ngumiti rin agad. "Oh, ano iyun, KZ?" Tanong niya na ikinagulat ko. Paano niya ako nakilala? "Name tag." Saad niya na nagpa-alala sa akin na may name tag nga pala ako.

Out of curiosity, I finally asked. "Lolo, 'di ka po ba gutom? Ang payat niyo po. Bakit niyo po ibinigay 'yung burgers kaysa kainin ang mga ito?"

I pity him. Bakit siya nasa lansangan? Wala ba siyang anak? O sadyang pinabayaan na siya?

Ngumiti siya nang masaya, "Naku, ineng. Palipas na ang panahon ko, pwede na akong mamatay, pero 'yung mag-ina, may naghihintay pa sa kanila. Paano kung hindi ko sila binigyan at namatay na sila dahil sa gutom? Hindi ko kakayanin na dahil sa karamutan ko ay mawala sila sa magandang buhay na ito," Saad ni Lolo na nag-paiyak sa akin. "Saka alam mo ba?" Pagputol niya.

Naglabas siya ng maliit na libro mula sa bulsa niya at ipinakita sa akin ang bibliya. "May nabasa ako rito, hija. Imbes na itago at sarilihin ko ang kayamanan ko rito sa lupa, ibinibigay ko na lamang ito sa Panginoon sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga kapatid ko dito sa lupa," putol niya ulit at tumingala sa langit. "I am building my place in heaven using my offerings to God."

I gulped. Lolo has a point. Nasisira ang kayamanan dito sa mundo, kaya dapat gamitin na lang ito sa pagtulong sa iba at pagbibigay sa Panginoon. So, makakapag-tayo tayo ng lugar natin sa langit.

"Gaya nga ng sinabi sa Kasulatan, nabubulok at kinakain ng anay at kalawang ang mga ginto rito." Dagdag pa ni Lolo.

Curiosity inside me got out. "'E 'yung anak niyo po? Bakit po kayo pinabayaan?"

"She graduated and became a successful doctor, she insisted to help me especially when my wife died but I refused. I don't want her to get stuck of her responsibilities for me. Besides, I'm near to dying and meeting her mother," He said that made my cries grew louder.

"Bakit naman po ganun?"

"I've finished my task as her father, she's successful now. Ang pinag-aral ko siya ay offering ko rin sa Panginoon. Now, I'm withering, promise me one thing."

I nodded as I learned so many lessons from him, especially the lesson of building our places in heaven instead here. "Yes, Lolo. I'll help others no matter what."

"At ingatan mo rin ang nanay mo ah, sabihin mo mahal na mahal ko kayo, apo ko."

HAVE FAITH IN GOD!

Build Your Place In HeavenWhere stories live. Discover now