THREE

0 0 0
                                    

MAGIC SARAP

"Pabili nga po ng isang noodles na beef at magic sarap."

-

"Pabili nga po ng magic sarap."

-

"Pabili nga po ng isang noodles chicken at magic sarap." Sambit ng isang Ale sa harap ng tindahan namin. Araw-araw siyang bumibili ng noodles at magic sarap sa tindahan namin. Ang alam ko ay masama ito sa kalusugan kasi instant, kaya bakit araw araw niya binibili ang mga ito?

Ini-abot ko sa kaniya ang mga binibili niya at nag-hintay ng bayad. Tinignan ko lang ang Ale, kumukuha siya ng pera mula sa bulsa niya kaya hindi niya napansing tinitigan ko siya. Marumi ang kaniyang buong katawan, magulo ang buhok, marungis ang mukha, at punit punit ang mga damit. Mukha siyang pulubi.

Pinigilan ko ang paghinga ko nang maamoy ang kaniyang amoy dahil ini-abot niya ang bayad. Ang baho naman ni Ate.

"Ineng, bukas ko na lang ibibigay kulang na limang piso, ayos lang ba? Saka, pwedeng maka-hiram muna ng kaserola, sandok, mga mangkok at mga kutsara."

"Oh, Aling Mena, nandiyan ka na pala, ito oh, gusto mo sa'yo na iyan." Biglang pag-singit ng aking Ina.

Binigyan ko ng nagtatakang tingin si Ina pero hindi niya ako pinansin at lumabas pa para i-abot ang mga gamit kay Aling Mena.

Sinambit niya na 'sandali lang' bago makipag-usap kay Aling Mena. Bakit niya ipapamigay mga gamit namin?

Ganiyan na lang ba ginagawa niya sa kakarampot na binibigay kong sahos sa kaniya, sa aming pamilya?

Grabe naman itong si Ina, aba.

Kaka-uwi ko lang galing Manila dahil day off pero ganito makikita ko? Araw araw ba nangyayari ito?

"Salamat." Dahil sa pag-iisip ko ay iyun na lamang ang narinig ko bago umalis ang Ale.

Sinalubong ko si Ina at hinarang pero ngumiti lamang ito sa akin at lumusot na para pumunta sa kwarto niya.

Dahil wala naman nang bumibili, umakyat ako para kausapin si Ina. "Bakit naman po pinahiram niyo iyun at hinayaang kulang ang bayad niya? Hindi naman po patas iyun, Ina."

Malungkot na ngumiti si Ina. "Anak, i-sarado mo na ang tindahan at pumunta ka sa pangatlong eskinita mula rito." Tanging sagot ni Ina at tumayo para itulak ako palabas.

Anong klaseng sagot iyun? Bugtong ba iyun?

Pero kahit nag-da-dalawang isip ako ay sinunod ko ang sinabi ng aking Ina. Sinuot ko muna ang aking panlamig dahil sobrang lamig ngayon at tumungo na sa pangatlong eskinita.

Nakita ko ang Ale doon, pati na rin ang limang maliliit na bata. Nakapa-libot sila sa tumpok ng kahoy na may apoy habang masayang nagke-kwentuhan.

Lahat sila ay marumi at kagaya ng Ale, ma-dungis at sira ang mga damit.

Muntikan na akong makita pero buti na lang ay na-itago ko na ang aking sarili. Ngayon, tanging boses na lamang nila ang naririnig ko.

"Jose, humingi ka ng tubig sa nagtitinda ng tubig." Saad ng Ale, alam ko ang boses niya agad.

"Opo, Nay." Tumakbo ito sa harapan ko pero hindi naman ako napansin. Maya maya pa ay bumalik na ito nang may tubig na nasa kaserola.

"Sige, akin na iyung noodles at magic sarap. Lalagyan ko na lang ng maraming tubig at hahaluan ng magic sarap para malasa pa rin itong noodles, ah? Ayos ba iyun, mga anak?"

"Ayos na ayos, Nanay!" Sabay sabay na sagot ng kaniyang mga anak.

Anak niya pala ang maruruming bata na iyun.

"Hati hati na lang kayo, ah? Busog pa ang nanay. Tignan niyo kumukulo ang aking tiyan kasi ang daming laman na pagkain."

Tuluyang tumulo ang aking mga luha sa mga narinig ko. Ganun pala ang ginagawa niya, at iyun ang dahilan kung bakit lagi siyang bumibili ng magic sarap at noodles. Ginagawa na lamang niya na damihan ang tubig at lagyan ng magic sarap upang lumasa.

Hindi ako makapaniwala, at nilamon na ako ng guilt ko. Lagi ko lang tinatapon ang mga pagkain kapag ayoko nito. Mapili ako sa pagkain. Sakim ako sa pera at gusto ko ay amin lang ito.

"Ale!" Hindi ko na napigilan ang aking bibig. "Halika po!"

Kahit gulat ito ay lumapit pa rin ito sa akin, "Oh, ikaw pala iyung nag-abono sa kulang ko sa nanay mo. Salamat ah!" Ngiti nito, at kumulo ulit ang tiyan.

Ini-abot ko ang huling isang daan sa bulsa ko, "Kumain po kayo, kumukulo na ang tiyan niyo. Bakit po pala nagsisinungaling kayo sa mga anak niyo?"

Tumulo ang luha niya, "Kaya ko pa naman 'e. Ayun lang ang nakuha ko sa paglalaba kanina, nagalit kasi ang amo ko dahil nawala ang aso niya."

Dumami ang luha kong bumabagsak sa lupa, "'E bakit po kayo laging noodles?"

"Ayun lang ang kinakaya ko, kapag walang labada, nag-lilimos o nagtitinda ako ng basahan. Pasensya na at hindi kita mayayayang kumain ah? Salamat na rin sa isang daan na ito, pasensya na kung tinanggap ko, kailangan kasi ng mga anak ko ito 'e."

"Walang anuman po." At niyakap ang Ale bago umalis.

At simula noon, pagbalik ko ng Maynila, lagi ko silang pinapabigyan ng isang daan na dumadaan kay Ina. Sobrang saya ng aking Ina noong sinabi ko sa kaniya ang pasiya ko.

Dinadagdagan ko rin ang tulong tuwing malaki ang sinasahod ko.

Kaya kayo, matuto kayong magpasalamat sa mga ginhawa ninyo. Appreciate ninyo na may bahay, pagkain, at maayos na buhay. Kahit hindi kayo mayaman, pero nabubuhay kayo ng inyong mga magulang ay maging mapagpasalamat kayo.

HE IS BIGGER THAN ANY OBSTACLES IN YOUR LIFE!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Build Your Place In HeavenWhere stories live. Discover now