ULTIMO

1.3K 30 1
                                    

Hi Readers. We're here at the END of this Story. Enjoy Reading
 
 
    
   
 
Ultimo

Dulce Mihi Vindicta written by LadyDivichi
 
  
  
 

"Papa, hinihintay na tayo ng mga Tabaranza sa Baba" alok ko kay Papa na nag aayos parin ng Korbata nya.

"Sige anak, matatapos nadin to." sagot nya saakin at nginitian ako
 
  
 
Ilang Araw din ang lumipas at natapos din ang sigalot sa mga buhay namin. Paggaling ni Papa, ni Jaime at Mr.Tabaranza umuwi na kaming lahat dito sa Pinas upang magsimula muli.

Bago kami umalis ng Espanya, naki usap ako kay Papa na dadalawin ko si Emmanuel sa Presinto upang magpaalam. Hindi ko alam kung bat ko ginawa yun sa kabila ng lahat ng ginawa nya saamin. Siguro kahit paano ay may kabaitan parin sa puso ni Emmanuel. Sana magamit nya ang mga araw, buwan at taon na nasa kulungan sya upang magbagong buhay. Naiintindihan ko naman na kaya lang naman sya naging masama dahil sa Nanay nyang Kulang Kulang at Inggetera.

Kaya sana lang talaga. Magbago si Emmanuel.

"Tara na anak" alok saakin ni Papa.

"Tara na po" nginitian ko sya at naglakad na kami pababa sa hagdanan.

Mula sa taas nakita na namin ang mga Tabaranza na naka upo sa magarang upuan kaharap ng bonggang pabilog na Glass Table. Nakangiti sila saamin ni Papa habang pababa sa Hagdan. Natanaw ko din ang malawak na ngiti ni Brent.

Ngayong araw, magkakaroon kami ng Salo salo dahil sa tagumpay laban sa isang Craiolé.

"Amigo" bati ni Mr.Winston kay Papa at nagyakapan sila.

Sinalubong din naman ako ni Brent at hinalikan ang Kamay ko. Andito din ang Girlfriend ni Clent na syang may ari ng Hotel na ginagamit namin ngayon. Hindi naman nakasama saamin si Adrianna dahil super busy nya sa Hospital sa Spain, sayang naman hindi ko makikita ang bangkay nayon.

"You're so Gorgeous" bati ni Brent saakin.

Naramdaman ko naman ang init ng pagmumukha ko dahil sa kilig shemay! Syempre alam ko naman na maganda ako pero iba talaga kapag galing mismo sa lalaking gusto ko.

Ay wait, did i said "I like him?". I think no. So forget it.

  
  
~
 
 
Pagkatapos ng batian namin at purihan nagsimula na silang mag chikahan ng kung ano anong bagay. Narinig ko na nag uusap si Papa at Mr Winston na magcocollaborate sa isang Wine Company sa America sabi naman ni Papa pag iisipan nya pa. Pero alam ko namang Oo ang sagot nya. choosy pa eh.

Sabi din ni Clent aasikasuhin nya na ang mga papeles ng mga titulong hawak nila Emmanuel dati upang maibalik nadin ang mga bagay na nanakaw saamin.

Tahimik lang din na Nakikinig si Michelle Gomez, ang Girlfriend ni Clent na  Spanish, super ganda nya medyo kamukha nya nga si Selena Gomez. Napagkamalan ko tuloy silang Magkapatid haha. Gusto ko sana syang kausapin, at makipagkwentuhan about sa Life pero tinatamad ako.

"Dahlia, labas muna tayo" napatingin ako kay Brent ng bigla syang magsalita.

Tatanggihan ko sana sya kasi sarap na sarap pa ako sa pagkain kaso wala akong choice.

"Tara? Nag uusap usap pa naman sila. Yaan na muna natin" sabi ko. Kaya tumayo na kami pareho at dahan dahang umalis sa pwesto namin.

Gabi na, and i think its already 8PM.Kaya masarap magpahangin sa labas. Makalanghap man lang ng Polusyon dito sa Manila.

"Kailan pala kayo babalik ng Cebu?" Tanong ko kay Brent habang naglalakad lakad kami sa Botanical Garden sa labas ng Hotel.

"Hmm...idk, pero sabi ni Clent kapag naayos na ang mga papeles nyo saka kami babalik, pero sabi nya din baka magbago pa isip nya kasi gusto nya pa kasing makasama ang Girlfriend nya." Paliwanag nya kaya napatango tango ako.

Dulce Mihi vindicta [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon