Chapter 14

1K 32 31
                                    

The twins

Lara's POV

Hindi ko alam kung nasan itinago ni Stanley ang mga anak namin. But I'm pretty sure nasa panganib ang kamval ko. Hindi ko hahayaang may mangyayari sa kanilang masama.

"huwag ka ng mag isip pa ng kahit ano, ang importante ligtas ka at alam kung mahahanap natin ang anak natin" sambit ni Gerald sakin kahit papano ay nawawala ang pagaaalala ko sa mga anak ko. Napayakap ito sakin at ganon din ako.

"na hanap niyo na?"

"hindi pa sir" rinig ko sa kausap no Gerald sa phone. Napasimangot na lamang ako, buong mag hapon kaming nasa labas ng bahay upang hanap in pero wala talaga. Hindi na siguro namin mahahanap pa ang mga anak namin.

Napapikit na lamang ako at nanikip ag aking dibdib. Hindi na ako masyadong nakakahinga dahil sa pag aalala sa mga anak ko.

"huwag ka ng mag alala mahahanap natin sila." tumango lamang ako at sumandal sa kanyang mga balikat.

Ilang oras ang lumipas ay may napatawag sakin. Sinagot ko ito at rinig ko ang boses ni Stanley.

"nasan ka?"

"guess where I am Lara?" sambit nito habang napapatawa. Napaka demonyo talaga ng taong ito.

"ibalik mo na ang mga anak ko" sigaw ko sakanya sa telepono. Napatawa lamang nito at rinig ko ang mga boses ng mga babaeng humihingi ng tulong.

"tulong!"

"help! Someone save us please" rinig ko, nasasaktan ako sa naririnig ko dahil alam kung ang kambal ko iyon.

"anong ginagawa mo sa anak ko?"

"pumunta kayong dalawa dito at makikita niyo" binaba niya na ang tawag at maya maya pa ay nag send ito ng address.

Malayo ang lugar na ito at impossibleng may makahanap sa amin kung may mangyayari mang masama.

"ano ang gagawin natin Gerald?" napatingin lang ito ng seryoso at kinuha ang phone sa kanyang bulsa.

"hello?" napatingin lamang ako sakanya at ngumiti lamang ito. Hindi ko lubos marinig ang pinag usapan nila.

Nasa isang abandonadong warehouse na kami. Masyadong madilim sa lugar na ito. Hindi ko lubos makita ang daan.

"pasok!" biglang sambit ng isang malaking lalaki na bumungad samin. Agad na kaming napapasok at bumungad samin ang isang matandang babae.

"ija, dumating ka din" biglang sambit nito na ikinagulat ko. "hinihintay mo ako manang?" takang tanong ko sa kanya.

Magsasalita na sana ito ng biglang sumulpot si Stanley sa harapan namin. Napangisi pa ito, masyadong demonyo ang taong ito.

"hi honey," bati nito sakin, I rolled my eyes and look away. Hindi kayang tingnan ang mukha nito. Naiirita ako sa pagmumukha niya at hindi ko alam kung bakit siya nakasama ko.

"nasan ang kambal ko?" diretso kung tanong. Napangisi ito at tumalikod sakin at nagsimulang naglakad.

Biglang may nahulog na kurtina at nakita ko ang dalawang babae sa itaas na ngayon ay nakabitay. Napatingin ako ng masama kay Stanley. Kumukulo na ang dugo ko ngunit bigla akong napaluha ng nakita ko ang mga anak ko sa oras ng kanilang kamatayan.

"I tigil mo na ito Stanley." sigaw ni Gerald sakanya. Napangiti lamang si Gerald sakin at tinapik ang balikat ko.

Napatingin samin si Stanley at tinutok ang baril na hawak niya kay Gerald. Nanlaki ang mga mata ko ng biglang may baril na pumutok at biglang bumagsak si Stanley. Napapikit na lamang ako at biglang niyakap ako ni Gerald at inilayo sa lugar.

"dito ka lang, ililigtas ko ang anak natin" tumango lang ako at pinakalma ang sarili ko.

Ilang oras pa ay biglang dumating na ang mga pulis. Agad na binaba na ang dalawa kong anak. Agad akong napatakbo sa kanila at niyakap silang dalawa. Napatakbo rin si Gerald at napayakap narin.

"mga anak ko" sambit ko at napatulo na mga luha ko.

"sino ka?" gulat na lamang ako ng marinig ko iyon sarili kong mga anak.

"siya ang Ina niyo" biglang sambit ng matandang babae na kanina namin nalasalubong.

"manang? Bakit hindi nila ako kilala?"

"tinago ka kasi si Stanley sa sarili mong anak. Hindi man lang kayo nagkita ni isang beses. Pinapahirapan ang mga anak mo dito. Nagsilbi ako Kay Stanley upang maalagaan narin ang mga batang ito" pagkwekwento ni manang.

"so? You're our mommy? And you must be our daddy?" Tumango lang kaming dalawa ni Gerald at napayakap sa kanila.

"mommy, daddy" sambit nilang dalawa at napangisi kami ni Gerald sa kanilang dalawa. Ang laki na ng mga anak ko pero ni minsan ay hindi ko man lang sila nalagaan ng maayos.

"let's spend our time together okay?" Tumango lamang sila parehas at agad na kaming napauwi ng bahay.

Masaya ang araw na ito para sakin, mabubuo na ulit ang pamilya ko. Hindi na ulit kami magkakahiwalay ni Gerald kahit kailan pa.

Maaga akong nagising upang mag handa ng agahan naming apat. Agad akong nagluto ng makakain bago paman sila magising.

Handa na ang lahat ng pagkain sa mesa, agad na akong nagtungo sa mga silid nila at ginising silang tatlo.

Napababa na kami at agad na silang nasipag upo at nagsimula na kumain. Naka ngisi akong tingnan sila, gulat ako ng biglang hinawakan ni Gerald ang kamay ko at napangiti din sakin.

"okay na ang lahat, huwag ka ng mag alala" tumango lamang ako at nagsimula na ring kumain.

Napatingin ako sa mga anak ko, masaya akong nakikita sila. Hindi ko nais maintindihan ang aking nararamdaman sa mga oras na ito. Ako'y nagagalak at natutuwa na makita na kompleto ang pamilya namin.

" mom?" sambit ng Isa sa kanila. Napangisi naman ako at napatingin sa kanya.

"Bakit anak?"

"ano po ba real name namin mom?"

"knisha and kurtney" that's your real name. "

" so whose kurtney mom? "

" you're big sister" kurtney is such a serious type of girl. And I think nakuha niya iyon sa dad niya. Habang si knisha naman it's pronounced as Nay/sha. Siya ang tipo ng babae na kasin kulit kagaya ko noong ako'y dalaga pa.

"tapos na ako, mauna na ako" agad kaming nagulat sa inasal ni Kurtney. Hindi ko lubos maintindihan ang ugali niya pero kailangan kong intidihin dahil anak ko siya.

"kakausapin ko lang siya mom, don't worry" agad na sumunod si knisha sa ate niya. Tumango lang ako at nawala na ang gana kong kumain.

"hey, it's okay. Naninibago lang siguro ang anak natin"

"oo nga, kailangan pa nila ng time"

Napabuntong hininga na lamang ako at iniligpit na ang aming mga pinagkainan.


To be continued......


Hey wassup mga veve ko, sorry naging paasa na naman mama niyo. Ewan ko ba, ba't ba ang hilig kong magpaasa. Chur lang, naging busy lang sa modules ko heheh sorry na.

Ito na ang pinakakahintay niyong update ko. Sana magustuhan niyo, kindly vote and comment kung ano ang masasabi niya sa update ko. Thanks.

Love you mga veve ko. ❤️😁



My Seductive BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon