Chapter 5

5K 132 17
                                    

Lara's POV

Hindi po pwedeng mangyari, buntis ako? No!

"Ano bang nangyari sayo?"tanong ni Macky sakin.

"Macky,"saad ko habang umiiyak sa  balikat nito.

"Sinong may gawa nyan ha?"galit nitong saad.

"Hindi na importante yun, ang kailangan kong gawin ay ipalaglag tung batang to!"

"Lara, huwag mong gawin yan sa bata kawawa naman"

"Ito lang ang paraan,"saad ko

"Kahit na hindi mo expect na may bata dyan hindi nya deserve na ipalaglag lang. Naintindihan mo ba ako?"saad nito..

He's right, pero wala pa akong trabaho para tustusan ang pangangailangan ng batang ito.

"Pano yung mga needs ng bata? Pano?"

"Tutulungin kita, don't worry"saad ni Macky kaya napayakap ako sakanya.

I'm so thankful na may kaibigan akong tulad niya. Kahit na naghihirap din sya tutulong pa din sya.

"Ouh sya, halika na hahanap pa tayo ng apartment mo"

******************

"Magkano po ulit yung renta?"tanong ko sa babaeng nagbabantay rito

"Uhm, bali 1500 po per month may tubig,kuryente, banyo,at aircon na po mam. Naka promo po ngayon kaya napa ka swerte niyo po. Di aircon napo ang apartment niyo."saad ng babae sa masayang tono.

"Kukunin ko na"saad ko tsaka ibinigay niya na ang susi sa kwarto ko.

"Lara, paalam na maaga pa kasi ako sa trabaho bukas. Mag ingat kayo ni baby ha"saad nito at niyakap ako bago ito umalis.

Pumasok na ako at nilock na ang pinto. Maliit lang ito pero okay na rin, maayos ang apartment na to ah. Nagtataka lang ako bat ang mura? May aircon na tsaka ang ganda na kahit maliit lang.

Napatuon ang atensyon ko sa isang bintana, wow, ang ganda ng view dito. Nakikita ang whole city. Parang overview sya.

Niligpit ko mga gamit ko at nagpahinga na.

*************
6:00 a.m.

Kailangan ko ng maghabap ng trabaho, asan ba ako makakahanap?

Lumabas na ako ng apartment tsaka nagsimulang maghanap ng mga may hiring.

"Excuse me? May hiring po ba kayo?"

"Sorry, wala na po mam"

"Okay po, salamat"

Lumapit ako sa ibang pang store at nagtanong muli.

"May hiring kayo sir?"

"Wala na eh? Puno na kasi"

"Okay po"

Nakakapagod na kaya, maliit nalang pera natitira sakin yung bigay sakin ni Gerald. Bakit ba kasi ngayon pa akong nag resign?

May nakita akong isang coffee shop at pumasok muna ako para mag kape kasi nagutom na ako.

Umorder na ako at kumain na, habang kumakain ako parang may tumitingin sakin sa malayo. Napatalikod ako pero wala naman akong nakita.

Pumunta ako sa counter at nagtanong kong manghiring pa ba sila.

"Meron po, kulang na kulang kami ng tao mabuti at napadaan ka"saad nito.

"Thank you so much po, kailan po ako magsisimula?"

"Pwede po ngayon mam"saad nito at kinuha ang isang uniform pang waitress.

My Seductive BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon