AUTHOR'S NOTE: PAKIBASA NAMAN PO NITO, PLEASE... Unang-una, gusto ko pong sabihin agad na hindi magiging araw-araw ang update ko sa Road Trip. Bukod po sa busy ako, maraming pinagkakaabalahan, may iba pang on going stories, eh, pinag-iisipan ko po talaga ang kwentong ito. Sinasabi ko po agad na TRILOGY rin ang ROAD TRIP tulad ng School Trip :)
Sunod na paalala ko po ay alam ko na iisipin niyo na ginaya ko na naman ito sa Wrong Turn o kung ano pa mang ibang movie o story/ novel na alam niyo. Pero, please lang... KAKAUMPISA PA LANG NG STORY KO, 'WAG NIYO NAMANG HUSGAHAN AGAD. Hindi pa nga luto ang adobo, tinitikman niyo agad. Kuha po?
Iyon lang naman po. At kailangan ko po talaga ng comments. HAHA! Pasensiya na po kung nag-demand ang Soju. :P
Sana po ay suportahan niya itong Road Trip katulad ng sa School Trip. God bless us always!
-----***-----
1ST STOP- Engine Starts
"ENGINE starts and we're ready to go!" masayang sigaw ni Danica.
Naghiyawan ang tatlong babae na sakay ng kulay pulang kotse na iyon nang marinig nila ang pag-angil ng makina ng kotse. Tuwang-tuwa ang tatlo dahil sa wakas ay naayos na ng lalaki na nakita nila sa daan ang sira ng kanilang sasakyan.
Dumungaw si Danica sa bintana upang pasalamatan ang lalaki na puro grasa na ang kamay. Sa wari niya'y kaedad lang niya ito. Mga twenty years old din siguro. "Kuya, salamat po, ha! Magkano po ba ang bayad?" Ngumiti pa siya dito. Tinawag niya na lang ito na 'kuya' dahil sa hindi naman ito nagpakilala sa kanila.
Ayaw pa nga sanang humingi ng tulong dito ng kasama niyang sina Angeline at Rhea. Sabi ng dalawa ay weird at nakakatakot ang lalaki dahil sa palagi itong nakayuko at hindi nakikipagtitigan sa kanila.
Bigla na lang kasing tumigil sa gitna ng medyo masukal na daan na iyon ang kotse niya at saktong dumaan ang naturang lalaki. Sang-ayon naman siya kina Angeline at Rhea na nakakatakot ang aura ng lalaki ngunit wala naman silang pagpipilian. Liblib ang lugar kung saan sila nasiraan. Isa pa'y medyo gumagabi na. Papunta kasi sila sa bahay ng lola niya na nasa Santa Barbara at hindi inaasahan na naligaw sila.
Walang nakuhang tugon si Danica mula sa lalaki. Tumalikod na ito at naglakad palayo sa kanila.
Kumibit balikat na lang si Danica at ibinalik ang ulo sa loob ng kotse.
"Ang weird niya talaga!" Nakatirik ang mga mata na turan ni Angeline.
"Well, atleast, he helped us, 'di ba?" sabi niya. "Ang mabuti pa ay umalis na tayo sa lugar na ito at gagabihin na talaga tayo."
"Right, Danica. Ang creepy kasi sa place na ito, eh!" Niyakap pa ni Rhea ang sarili.
Naiiling na pinaandar na ni Danica ang kotse ngunit hindi pa sila nakakalayo nang bigla silang makarinig ng napakalakas na pagkalampag sa bubong ng kotse. Sa sobrang lakas niyon ay malakas silang napasigaw. Sabay niyon ay ang pagkamatay na naman ng makina ng sasakyan.
"What's that? A-anong nangyari?" tanong ni Angeline sa kanya.
Umiling siya. "I don't know. At mukhang nasira na naman itong kotse!" Hinampas pa niya ng kamay ang manibela. "Lalabas lang ako to check kung ano 'yong nalaglag sa itaas."
"Do you think it's safe na lumabas ka, Danica?" ani Rhea. "Look, ang dilim na. Baka kung ano pa iyon, eh. Mamaya... aswang 'yon!"
Tinawanan lang niya si Rhea. Matatakutin talaga ito.
"Don't worry, i'll be fine..." aniya at bumaba na siya ng sasakyan.
Pagkababa niya upang tingnan kung ano ang dahilan ng pagkalampag na iyon ay natigilan siya sa nakita sa bubong ng kotse. Sa ibabaw niyon ay nakatayo iyong lalaki na tumulong sa kanila. Medyo natakot siya dahil sa may hawak pa itong palakol.
BINABASA MO ANG
Road Trip
HorrorSasama ka ba sa ROAD TRIP kung sa bawat pagliko mo ay kamatayan? Walang PRENO ang katatakutan dito!