HFM 36 Part 2

1.4K 81 6
                                    

Serene Lianne Luna Heaven

Simula ng araw na ginamot ko si Lili ay hindi ko na ito pinuntahan pero nakatanaw ako sa malayo.

Makikita ko pa din siya pero hindi niya ako makikita. Minsan malakas ang pakiramdam nito kaya mabilis ako umaalis kapag alam ko na nakikita na niya ako.

Sa tuwing nakikita ko siya sumisikip ang dibdib ko dahil sa lungkot at pagkasabik na mahawakan siya ulit.

"Bakit hindi kana magpakita sa kanya?"nilingon ko si Antonette at kasalukuyan kami nagsasanay ngayon.

"Hindi ko pa kaya"malungkot na sagot ko dito at ngumiti ito sa akin pero alam ko na nalulungkot din ito.

"Simula ng magising siya hindi mo na din siya binisita,  apat na buwan ang lumipas kaya maaari mo na siya puntahan. Wala kang kasalanan sa nangyari sa kanya"umiling lang ako dito dahil alam ko na may kasalanan pa rin ako. Dahil naramdaman ko na may kakaiba ng araw na yun pero hindi ko man lang pinansin.

Araw, buwan at taon ang lumipas lagi ko na lang ito sinusubaybayan sa malayo.

Kahit gustuhin ko ilayo si Lili sa anak ni Reign Holar ay hindi ko magawa dahil hindi ako nito kilala.

"Reina wag mo nga ako sundan at wag mo ako pilitin. Dahil hindi nga kita gusto"

Napangiti ako sa sinabi ni Lili at nakita ko naman ang makulit na si Reina Holar.

"Isa pa 12 years old palang tayo kaya wag ka magmadali dyan. Isa pa alam ko may nakatakda para sa akin at tatapatin kita hindi ikaw yun. Kaya wag kana sana umasa pa dahil ayaw kong mas masaktan ka pa dahil kaibigan kita"

Mabilis na nagtago ako ng mapansin ko na tila tumitingin ito sa gawi ko habang nag sasalita.

"Basta hindi pa rin ako susuko"sagot naman ni Reina at mabilis na tumakbo.

"Sino ka?"nanlamig ako bigla ng marinig ko ang boses ni Lili at alam ko na malapit lang siya sa pwesto ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko at natatakot na may halong pananabik sa kanya ang nararamdaman ko.

"Mahal na prinsesa"lumuwag ang dibdib ko ng marinig ko na may tumawag sa kanya.

"Irna bakit mo ako tinatawag?"rinig kong sagot nito at alam ko na nakalayo na siya.

"Nanganak na po ang mahal na reyna"napangiti ako sa narinig ko. Dahil sa hiniling ni Antonette ng magbirthday ito ay binasbasan ko sila na magkaroon ulit ng anak.

Inayo ko ang maskara ko at ang kapa na suot ko. Lumabas ako sa pinagtataguan ko na siyang ikinagulat ko.

"Sino ka? Alam ko na lalabas ka kaya pinauna ko si Irna"nakangiting sabi nito sa akin at gusto ko maiyak ng makita ko ito sa malapitan.

Lumaki na talaga siya ang mahal ko, ang Lili ko. Makikita din ng gandang taglay nito na namana niya kay Francheska.

Mas tumingkad ang kulay pula na buhok nito at ang mga mata niya na kasing kulay ng langit.

"Binibini Lianne"napatangin ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang dama ni Antonette.

"Pinapatawag po kayo ng Reyna"tinanguhan ko ito at hinarap ko si Lili napansin ko na tila tinitignan ako nito.

Sinundan ko na ang dama at pasimple ako lumingon kay Lili at halos hindi mawala ang pagkakatitig nito sa akin na ikinangiti ko.

Nagulat ito ng ngitian ko siya at mas lalo lumaki ang pagkakangiti ko ng mamula ito.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon