-----
Paanong nagawa ako lokohin at pag taksilan ng nag iisang lalaking minahal ko at ng mga tinuring kong malalapit na kaibigan ko?Bakit?
"Lady Ariella Shawn Seria pinapatawan ka ng kaparusahang kamatayan sa salang pag tangka sa buhay ng isang dugong bughaw na si Crown Prince Louis Feire Castiello"
Nasa harap ako ng isang malaking bulwagan dito mismo sa loob ng palasyo.
Masamang tinignan ko ang lalaking minahal ko, Nakangisi ito sa akin habang nakikita na nahihirapan at nakaluhod ako sa harap ng lahat na nandito.
Hindi ko ininda ang sakit ng mga sugat at pasa na gawa sa akin habang nakakulong ako selda.
Kita ko na tila natutuwa ito habang nakakapit sa tabi niya ang isang babae.
Ang matalik kong kaibigan na pinagkatiwalaan ko at ng pamilya ko. Bumalik sa akin alaala ang ginawa nila sa pag parusa sa mga magulang ko.
Hindi ko na inintindi ang mga sinasabi pa ng mga nandito sa loob ng bulwagan.
Paano ko ipagtanggol ang sarili ko kung nagawa na nilang nakawan at gawan ng isang sala ang pamilya namin na naging tapat sa pamilya ng Hari at Reyna.
"Dahil sa mga nakalap na ebidensya ng ating konseho napatunayan na may sala si Lady Ariela. Kaya hinahatulan siya na pugutan ngayon sa harapan ng mga mamamayan ng Castiello Empire para maging silbing leksyon sa mga nagtataka at gustong sirain ang ating pamamahala"
Napayuko na lamang ako dahil alam kong wala, tapos na ang lahat wala na din silbi kung lalaban pa ako o ipipilit na wala akong kasalanan at ang pamilya ko.
Binitbit na ako ng mga kawal at kinakaladkad ako. Unting unting ako nawalan ng malay.
"Gumising ka isang taksil"nagising ako sa pag buhos ng isang malamig na tubig.
Pag dilat ko ay mga nagsisigawang mga mamamayan at kita ko sa mga mata nila ang galit.
"Pugutan ang salot at taksil na babae na yan"
"Huwag na patagalin pa at patayin na"
"Nagpanggap pa na mabubuting pamilya ang Seria Dukedom yun pala palabas lang para maging taksil at ibenta ang ating kaharian"
Gusto ko sumigaw para patigilin sila, dahil alam ko na hindi totoo ang mga bintang nila.
Kasalanan ko ito, kung hindi ko lang pinilit ang sarili ko na maging kabiyak ang Crown Prince at kung hindi ko na lang sana pinilit na ipakasal ako sa kanya.
Kung inalam ko ang totoong mga tao na nakapaligid sa amin baka sakaling napigilan pa ito.
Dumating na ang Hari at Reyna kasama ang lalaking kinasusuklaman ko na at ang nakakapit na babaeng ahas at manlilinlang.
Ang nag iisang tinuring kong kapatid at kaibigan ang isang hamak na anak lang ng isang Baron.
Unting unti lumapit sa akin ang babae ng ito, na ngayon ay isa ng Fiancee ng Crown Prince.
"Hernia Sonia Hiller"galit na sambit ko sa pangalan niya.
Lumapit ito sa akin at ramdam ko ang hininga nito sa tenga ko. Alam kong may sasabihin ito.
"Kawawang Ariella huwag kang mag alala aalagaan ko at mamahalin ko ang minamahal mong lalaki. Kung hindi mo lang pinilit ang sarili mo sa kanya, baka sakaling hindi nangyari ito sayo at sa pamilya mo"
Napapikit ako sa galit at hindi ko alam kung ano mararamdaman ko sa binulong nito sa akin.
Lumayo ito sa akin at bumalik sa lalaking walang kwenta. Napangiti ako ng mapait ng marinig ko ang huling binulong nito sa akin.
"Mahal kita Ariella"yan ang narinig ko sa huling sinabi nito at napatawa ako dahil doon.
Nakita ko na naguguluhan at nalilito ang mga tao habang tinitignan ako. Ngumisi ako kay Hernia at nakita ko na walang emosyon na itong nakatingin sa akin.
"Simulan na ang pag parusa"
Hindi ko na pinansin at pumikit na lang ako ng pero bago ako pumikit. Nakita ko na palihim na nag punas ng luha si Hernia.
"Kung maaari lang ibalik ang lahat sa dati, I will do everything to change my fate. Sana sana pagbigyan ako sa hiling ko"
Nakaramdam ako ng init at napangiti dahil ramdam ko ang isang mainit na yakap, nararamdaman ko ang yakap ng isang ina.
Walang sabi na napadilat ako at napansin ko na may kakaiba.
Naguguluhan ako dahil bakit nasa harapan ko si Mama at nasa tabi nito si Papa.
Isa pa bakit ang bata nilang tignan at pakiramdam ko na lumiit din ako. Ang alam ko pupugutan na ako ng ulo pero ano to.
Magsasalita na sana ako ng marinig ko na tila ang boses ko ay naging iyak ng isang sanggol.
"Waaaaahhh"
"Oh my, my baby Ariella so cute"rinig kong sabi ni Papa at habang si Mama naman ay inaalo ako.
What happen? No, this is a dream. I'm being delusional, Patay na ako at alam ko sa sarili ko patay na sila.
Bakit pakiramdam ko totoo ang lahat ng ito? Ramdam ko ang tibok ng puso ko.
"My baby Ariella, tahan na huwag kana umiyak"napangiti ako dahil mukhang nanaginip ako.
Pero may iba pa rin talaga ako nararamdaman. Hanggang sa nagising ako at isa pa rin akong sanggol.
Para bang bumalik ako sa nakaraan at isang sanggol pero may mga alaala pa rin na nasa akin?
Ilabas ko na napatunayan na hindi panaginip ito, napangiti ako dahil mukhang dininig ang panalangin ko.
I will do everything in my power para hindi mangyari ang nakaraan. Sisiguruduhin ko na hindi ako iibig sa prinsipe at hinding hindi ako iibig kahit na kanino man.
Proprotektahan ko na ang pamilya ko at sisiguraduhin ko na hindi sila mamamatay at magiging masaya lang kami.
Thank you, kung sino man ang nag bigay ng pangalawang pagkakataon na ito sa akin.
-----
A/N:
Teaser lang po ito hahaha. I'm not sure kung isusulat ko itong story.
"Ariella"yan yung story title.
Gusto ko lang po ng suggestion regarding dito and kung sakali man na itutuloy ko ito kapag nagustuhan niyo po hehe.
Thank youuuu!
Ps. Fantasy pa rin po ito hehehe
BINABASA MO ANG
Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]
FantasíaHeiress Series #2 Story of Aishelle Yesha Autumn Blanc Arcavia and the Goddess of Creation Serene Lianne Luna Heaven. Date Started: May 15,2020 Date Finished: October 17,2020