I'm Home

26 1 1
                                    

Nakakainis talaga yun lalaking yun.

Hindi marunong rumespeto ng babae >.

Nakauwi na ko pero hindi parin mawala sa isip ko yung ginawa nun. Ano kayang pangalan nun? Haist! Bat ko iniisip yun.

Nakahiga lang ako sa higaan ng kwarto ko.

*beep*

One message received

From: Bestie
Hazel! Punta ko sa inyo!

Hindi ko na lang nireplayan si Stef,  panigurado alam na naman nun sagot ko. SILENCE MEANS YES.

Iniisip ko pa rin yung lalaki kanina sa school.

Hindi ko naman akalain na ganun gagawin nya.

Karaniwan kasi sa mga napapanuod kong telenovela o koreanovela, iaabot sa babae yung panyo.

"Aray!" bigla nalang akong binato ni Stef ng unan.  Bumalik ako sa realidad. Andito na pala sya sa kwarto. "Ansakit naman nun!"

"Lutang ka na naman kasi e"

"Oh bat ka nga pala andito?"

"Yung lalaki kaninang nagbato sayo, sabi nya sorry daw"

"H-ha?" kinilig naman ako bigla. Landi mo Hazel.

"Bingi ka?"

Umiling nalang ako.

"Tara baba tayo nagugutom ako" 

"Sige. Nagluto pa naman si yaya ng merienda"

Habang kumakain kami hindi parin mawala sa isip ko yung sinabi ni Stephanie.

Yung lalaking nagbato sayo kanina, sabi nya sorry daw

Nakauwi na si Stef saktong dumating sila mama. Nagulat naman ako nung bumaba sya ng sasakyan.

"Ate Hannah?"

"Hazel!"

Niyakap ko bigla si Ate. Miss ko na din yung andito sya lagi sa bahay. Lagi kasi sya nandun sa States inaasikaso yung business namin.

"Kelan kapa dumating? Dimo man lang ako in- update" nag sad face ako effective naman kasi pinisil nya yung pisngi ko

Namiss ko talaga si Ate. Yung mas isip bata pa sakin.

"Gusto kasi kita i-surprise Haze"

Pinasok naman namin sa loob yung maleta ni ate.

"Naku! Na-mes kita Hannah day!" bati ni yaya

"Yaya sumeseksi ka ha!"

Naku nagbolahan ang dalawa. Haha ang bad ko.

Pagkatapos namin mag dinner nakahiga nako sa kama ko nakatingin sa kisame. Nakatulog nalang ako sa pagod ngayong araw. Ang daming nangyari.

------------------------------

[A|N:  Sorry kung jonget. Hihihi. Baliw na si author :p]

My Bad BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon