Nagising akong maaga kasi baka malate ako.
Pagbaba ko nandun na sila Ate Hannah at mama kumakain ng breakfast. Hinanda naman ni yaya yung pinggan na pagkakainan ko.
Napangiti lang ako sa kanila ang saya ng arawna to . Sabay sabay kaming kakain. Yey!
"Hazel anak lika na dito! Kain na dali!" Tawag ni mama.
Habang kumakain kami nagkwe-kwento si ate about dun sa boyfriend nya.
Yon? Mag kaka boyfriend ba yon e parang amazona yun e. Haha. Maganda naman si ate, sexy mataray nga lang.
"Ma, si Ryan uuwi dito next saturday"
"Ate siguraduhin mong pogi yan ha?"
"Aba syempre, magbo boyfriend ba ko ng mukang shokoy?"
Nagtawanan lang kami nila mama.
Naligo na ko at nag ready kasi mamaya baka dumating na yung service ko.
May kalayuan pa man din dito subdivision namin yung school ko.
Papasok pa lang ako ng gate ng school namin may tumawag sakin.
"Hazel, pasensya na kahapon ha?"
Paglingon ko yung lalaking nagbato sakin ng panyo ko.
"Ha? S-sige okay lang"
Nginitian nya lang ako. Wahhh! Ang pogi nya. Landi mo talaga Hazel Grace!
Naglakad na sya oapasok ng school pero naiwan akong nganga dito. As in literal na nganga talaga. Hoho.
Nagsimula nang magklase pero lutang padin ako.
"Yung isa dyan hindi makapag isip kasi kinausap sya ni Jin"
"Nica?!"
"Hahaha! Miss me?"
Nagulat talaga ko, sya yung bestfriend ko nung nagaaral pako sa manila.
"Teka, bat andito ka? Dito kana magaaral? Tyka sinong Jin?" hindi naman siguro ako praning nyan. Hehe
"Teka lang . Isa isa lang aba! Mahina kalaban. Haha" loko to ah. Hehe. "Oo dito na ko magaaral, hindi kita matiis e diba may promise ako sayo? Si Jin pala, yung kausap mo kanina sa gate"
*FLASHBACK*
Lilipat na kami Nica, mamimiss kita bestfriend
Wag ka na malungkot bestfriend magkikita pa tayo. Promise! Tyka wag ka nang malungkot walang magbabago ha? Bestfriends forever tayo!
Sure ka bestfriend ha?
Oo kukulitin ko si dad hindi naman yun tatanggi e
Hazel anak tara aalis na tayo!
Sige na bye bestfriend!
Babay!
*END OF FLASHBACK*
"Tara na lunch time na may ipapakilala ko sayo!" Hindi pako nakakasagot hinila na agad ako. Jusko!
"Teka sino ba yun?"
"Wait and see"
Nakarating kami sa canteen tapos nakita ko yung grupo nung mga bad boys.
"Jin!" tawag ni Nica dun sa isang myembro dun
Whaaaaaaaaat?! Siya?
"HiNica! Long time, no see" sabi nung Jin
Close sila? The fugde!
"Jin Sheng meet my bestfriend, Hazel Grace"
"H-hi!" napakamot pa ng ulo tong lalaking to. " Kamusta ka na Nics?"
"I'm good" sagot ni Nica "Tara kain na tayo nagugutom nako.
Napagdesisyonan namin na humiwalay na muna ng table kila Jin.
"Close pala kayo?"
"Oo naman, schoolmate ko yun sa dati kong school e"
"Ahh" yun nalang nasabi ko. Speechless.
"Huy bat parang ang lalim ng iniisip mo?"
"Uhmm. Hindi kasi ako komportable sa kanya e"
"Why?"
Kinwento ko yung dahilan kung bat naiinis ako sa kanya
"Oh my g! Baliw talaga yun. Sige kakausapin ko nalang sya. Gosh! How dare him!"
Hindi nalang ako umimik sa sinabi ni Nica.
------------------
[A|N: Ayan Danica Gail Escanilla Villanueva! Hahaha. *wink*]
BINABASA MO ANG
My Bad Boyfriend
RomanceSabi nila pag nagmahal ka, wag mong ibinigay lahat. Kasi masasaktan ka lang. Pero pano kapag hindi uso yun sayo?