Jin's POV
Nung nakita ko dati si Hazel sa dati pa naming school, pakiramdam ko may gusto nako sa kanya.
Hinayaan ko lang kasi bata oa kami.
Pero ngayon, sisiguraduhin ko na yung totoo kong nararamdaman.
I think I like her
Nung nalaman kong dito sya nagaaral, pinilit ko agad si Dad na lumipat na dito.
Syempre unico hijo ako kaya pinagbigyan nila ko ni mom
Nung time na nakita ko sya sa canteen, hindi ko maiwasang timitig sa kanya, ang napakaganda kasi talaga nya. Hindi lang pansinin kasi hindi sya mahilig mag ayos, SIMPLE LANG SYA.
At nung naglakad na sya palayo napansin kong nahulog yung panyo nya.
Nung iaabot ko na sakanya kinatyawan na naman ako ng mga tropa ko kaya wala na kong magawa, binato ko nalang sa kanya.
Alam kong magagalit sya pero wala lang talaga akong magawa.
Buti nalang dumating tong si Nica, saviour ko talaga sya, kahit nung mga bata palang kami, bestfriend ko na sya.
Bigla namang dumating sa kwarto ko si Ate Jane
"Jin! What are you waiting for? Kanina ka pa hinihintay nila mom sa baba. Kakain na daw! Tsk!" nakapamewang pa sya sa pinto ko "Kala ko tulog ka. Nagi- imagine ka lang pala dyan"
"Okay, okay. I'm comi--" Hindi pa ko tapos magsalita, binalibag na nya yung pinto.
Napaisip lang ako, kapatid ko ba talaga sya? Natawa na lang ako, ang amazona ng kapatid ko.
"Baliw na ata ako" bulong ko sa sarili ko
Kumain na ako at bumalik na sa kwarto ko
Matutulog na sana ako pero bigla na lang pumasok sa isip ko si Hazel.
Damn, I really really like her
Sa kanya ko nalang uli naramdaman yung ganitong feeling.
Umupo muna ko sa gilid ng kama ko tapos nag halungkat ng drawer sa tabi ng kama ko. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko, o dahil wala rin akong magawa ngayon.
Nakita ko yung isang box, na dahilan siguro kung 'bat ko naisipang maghalungakat.
ISANG BOX LANG NAMAN NA BINIGAY NG EX KO NA EWAN KO KUNG MAHAL KO PADIN HANGGANG NGAYON
Simula kasi nung nagbreak kami ng girlfriend ko, nawala na respeto ko sa ibang babae, dala na rin siguro ng pag ka broken hearted.
Mahal na mahal ko sya pero hindi man lang nya ko naipaglaban.
Kiana...
Flashback
Bata palang kami gustong gusto ko na si Kiana.
Bestfriend ko sya. kaya ko lang naisipang gawin bestfriend sya para mapalapit ako sa kanya pero di nya alam, gusto ko na sya.
Nung 14th birthday nya niligawan ko na sya at boto naman si tita para sa kin.
Tumagal kami ng 2 years pero simula nung dumating yung dad nya galing Canada, pinipilit nya kaming paghiwalayin.
Lumuhod nako't lahat lahat pero wala parin, ni wala ngang nagawa si tita. Si Kiana naman parang okay lang sa kanyang maghiwalay kami.
Two weeks bago umuwi dad ni Kiana parang nagiging cold na sya sakin, gabi gabi ako hindi makatulog ng maayos kakaisip lang sa kanya.
Ilang months na rin akong halos mabaliw kakaiyak at walang kinakausap kundi sarili ko.
Nagalala na si mom kaya naisipan nilang lumipat nalang kami para makalimot ako.
At yon na nga yung dahilan kung bat nandito ako sa buhay ko na to..
Naaawa na rin si Ate Jane at Mom sa kalagayan ko, si dad naman parang wala lang, puro work kasi..
Hindi ko namalayan nakatulog nako sa baba ng kama hawak hawak yung box.
Calling..
UNKNOWN NUMBER
09** *** ****Nagising ako sa ring ng phone ko, ano bang klaseng tao at alas tres ng madaling araw tumatawag. Susme!
"Hello? Sino ba t--" hindi pa ko tapos magsalita ng bigla kong naring yung boses sa kabilang linya.
"Hi Jiiin!!" HUH?! Totoo bang sya yung nagsasalita? >>>>O.O<<<< Hindi ako makasagot hindi mag sink in sa utak ko tong mga nangyayare "Hey?!"
"Uhhm, y-yeah? What?" yung lang lumabas sa bibig ko hindi ako makapagisip.
"Oh, kamusta kana?"
Ang hirap talaga sumagot kapag kinamusta ka ng taong minsang sinabihan ng I love you.
"I-im good, teka bat ka napatawag?"
"Uhm, wala kasi akong number ni Jane e. Penge nga ako"
Yun lang pala akala ko kung ano. Jane lang tawag nya kay ate kasi close sila, super close.
"Ah sige. Forward ko nalang sayo"
"Sige babyeeeee!"
Sinave ko na yung number nya sa phone ko. Napangiti lang ako basta nung nakita ko sa tabi ko yung box.
Yung box na dahilan kung hanggang ngayon hindi pa ako nakakamove- on.(wala akong maisip na name, and dating kami pa ayan tawag ko sa kanya :)
To: Kiam
Eto yung number ni ate 09** *** **** Bat mo nga pala hinihingi?From: Kia
May concert si Avril. Alam mo naman yun adik dun diba? :) Sige na goodnight!To: Kia
Ah. Kaya pala. Sige goodnight din.Hindi na sya nagreply pagkatapos nun. Siguro nga matagal na. Buti pa sya, samatalang ako, eto baliw na baliw parin sa kanya.
-------------------------------------
Okay ngayon nalang uli nakapag update. super busy haha :*
BINABASA MO ANG
My Bad Boyfriend
RomanceSabi nila pag nagmahal ka, wag mong ibinigay lahat. Kasi masasaktan ka lang. Pero pano kapag hindi uso yun sayo?