[ REIS ]
"Oh ang aga mo naman Reis" ani Minhee habang naupo ako sa tabi niya.
"Wala pa ba si Serim?" wala sa sariling saad ko habang nagtanong naman siya bat ko daw hinahanap si Serim.Hindi nalang ako umimik
"Dont tell me iniiwasan mo pa den siya? akala ko ba bati na kayo" natatawang dagdag niya
bati na naman kami kaso--
bat ba ang tanga ko? nakakahiya yung ginawa ko kagabi.
"May nagawa ka na naman ba?" kilala talaga ako ni Minhee habang napatango naman ako.Tinawaan naman ang walang hiya
"Tutulungan mo ba ako o pagtritripan din hA?!" bulyaw ko rito habang nanahimik naman siya
"Oy si Serim oh" sabi ni Minhee habang bumilis naman ang tibok nang puso ko sa kaba nang narinig kong bumukas ang pinto nang classroom.
Napalingon naman ako nang wala sa oras,para akong nabunutan nang tinik nang makitang si Menchie pala yung pumasok at hindi si Serim.
"ARAY!" umalingawngaw sa loob nang classroom ang hiyaw ni Minhee matapos ko siyang masapak sa inis.
"Oh ang aga aga nagaaway na naman kayo" ani Menchie habang sinamaan ko nang tingin si Minhee.
lecheng lalake to
"EH KASI YANG SI MINHEE PINAGTRITRIPAN NA NAMAN AKO!" sigaw ko
"inaano ba kita?!" painosenteng sagot ng loko,lalong na ningkit ang mga mata ko sakanya.
"ANONG INAANO?! TAMA BA YUNG SABIHIN MONG ANDYAN SI SERIM KET HINDI NAMAN SIYA YUNG PUMASOK HA?! ALAM MONG BANG MAMATAY NA ATA AKO SA KABA NUNG SINABI MO YUN KANG MINHEE?!" wala na akong pake kahit marinig nila basta nang-gigil ako kay Minhee.
"bess si serim" pabulong sa sabad ni Menchie
"OH ANO DADAGDAG KA DIN SA SERIM SERIM NA YAN ANO?! LAGI NALANG KAYO SERIM NANG SERIM" galit akong tumayo sa kinauupuan ko hindi ko na tinignan kung sino man ang nakakasalubong ko...
Bubuksan ko na sana ang pinto kaso may kamay na nakaharang
"Excuse me nagmamadali ako--" para akong napako sa kinakatayuan ko ng mapansing si Serim pala ang humaharang sa pintuan.
dinagdagan ko pa ang kahihiyang nagawa ko...ang palpak ko
YOU ARE READING
CHAROT. (on-hold)
Fanfiction✍CHAROT. ▪ Park Serim /epistolary&narration/ ▪ language: Tagalog+English ▪ May 30,2020 ▪🔗HIDEOUT: season 1 ▪@ryuddaengcult🎐 ▪ status: on-hold on going 👈 finished