CRIMSON POV
"Hoy, Clay!"tawag ko kay Clay na kararating lang sa rooftop na tambayan naming magkakaibigan.
"O? Wala ka bang magawa at ako pa ata ang pagtitripan mo?"tanong niya habang nakangiting lumalapit sa akin.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig at nilapitan din siya. Nang magkaharap na kami ay ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa balikat niya habang siya naman ay pinanonood ang kilos ko.
"Clay I think I'm in love with you,"seryoso ang titig ko sa mga mata niyang kulay light hazel.
Ilang segundo ang lumipas bago tumaas ang isang makapal na kilay ni Clay. Kasunod nuon ay ang pag angat ng kanang kamay niya at-
"Aray ko naman!"singhal ko ng i-chop niya ang ulo ko gamit ang kamay niya, napabitaw ako sa balikat niya at napaatras.
Ang bigat ng kamay ng shit na to!
"Ang lakas ng trip mo manghampas ah! Sipain kita diyan e!"masama ang titig ng mga mata ko sa lalaking kaharap kong nakangiti.
"Tuwang tuwa ka tanda?"inis na sabi ko.
"Ang lakas kasi ng trip mo Crimson hahaha tsaka pwede ba itigil mo yang pagtawag mo sa akin ng tanda."
"Matanda ka naman na talaga,"pinapanget ko ang mukha ko para magmukha akong lalong nakakaasar.
"127 years old pa lang ako no!"pagdadahilan niya na sablay naman!
"Ay wow parang bata pa yung ganong edad ew! Disgusting!"humawak ako sa tiyan ko at umaktong nasusuka.
Hindi mukhang matanda si Clay. Nasa twenties lang ang itsura nito, pati ang pangangatawan. Dulot lamang talaga iyon ng pagkaimmortal namin.
"Ew daw pero umaming mahal niya ako, ano daw yun?"sabi ni Clay.
Bumuntong hininga ako,"naiinip kasi ako,tapos na cucurious ako kung sasagutin mo ako hahaha!"pagbibiro ko.
Umupo akong muli sa lapag at ganuon din ang ginawa ni Clay. Magkaharap kaming nagtitigan.Walang malisya. Sadyang ganito naman kasi kami.
"Para namang maniniwala ako sa pag-amin mo. Halos araw araw ay nirereklamo mo na nakakadiri yung mga taong wala ng mapagusapan kung hindi puro love,"nakangiting sabi ni Clay.
"Hindi ko talaga kasi maintindihan. Mamatay din naman sila bakit kailangan pang magmahalan-"pakiramdam ko ay masusuka ako sa sinabi ko"-bakit hindi na lang nila gawin ang mga bagay na hindi pa nila nagagawa."
"Gaya ng sabi mo, mamatay din naman sila so bakit hindi,"Clay said.
"Ikaw ba nagmahal ka na?"tanong ko sa kaniya.
Ipinatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko at mas lumapit pa sa akin,"Mahal kita."
Natahimik ang paligid at tanging hangin at hininga lang namin ang maririnig.
"Ayiie!"biglang sulpot ni Amber sa tabi ko.
Halos sabay kaming napangiwi ni Clay at lumayo sa isa't isa kasabay ng pag-akto namin nang nasusuka.
"Ew!"
"Kadiri bwesit!"
"Hahahahahahaha!"tawa ng mahina ni Amber.
"Hindi ba talaga kayo pwedeng magmahalan?"tanong ni Amber.
Sabay kaming umiling ni Clay.