CRIMSON POV
Sa tingin ko ay walang problema sa itaas, kung bakit ako nagkakaganito.
Bakas ang gulat sa mga mata ng lalaki dahil sa biglaang pagsigaw ko. Nahagip ng mga mata ko ang pagbasa niya sa ibabang labi niya ng makabawi ito sa pagkabigla.
"Miss...may sakit ka ba?"may pagaalinlangan na bahid ang boses niya.
"Huwag mong iniiba ang usapan tao!"sigaw ko habang humahakbang ng mas malapit pa sa kaniya.
Gusto ko na maintimidate siya sakin ngunit hindi ko alam kung natalab ba iyon dahil sa katotohanang mas matangkad siya sa akin.
"Anong.ginawa.mo?!"binigyang diin ko ang bawat salitang binitawan ko.
Ngunit wala akong sagot na nakuha kung hindi ang pagatras niya.
"Paano mo ako nakikita?"tanong ko na lang muli.
Hindi ko alam kung bakit at paano dahil babae ang susunduin ko at hindi isaang lalaki. Kung may taong maaring makakita sakin yun ay ang babaeng nag ngangalang 'Royal Gladiolus' hindi ang lalaking shit na to!
"Bakit hindi?"tanong nito pabalik.
"Pinepilosopo mo ba ako?"itinaas ko ang isang kilay ko at pinagkrus ang mga braso ko.
Bumuntong hininga lang ang lalaki at hindi muling sumagot na talagang nagpapainis sa akin.
"Alam mo kanina ka pa! Dumating ka lang nagkaproblema na ako ng ganito! Tapos ni isang matinong sagot ay wala akong nakuha sa iyo. Talagang pinatutunayan mong isa kang disgusting shit—"
"It's ok, everything will be fine,"putol niya sa akin habang ang kamay niya ay nasa ulo ko.
"Walang barangay dito kaya isasama kita sa bayan para mapacheck up ka. Pasensya ka na kung natakot kita, hindi ko kasi alam na may sakit ka pero huwag kang magalala hindi kita sasaktan. Ayoko lang na iwan kita rito at baka mabastos ka dito lalo na at ganitong may sakit ka."
Nalaglag ang panga ko sa mga pinagsasabi niya.
This shit!
"Sinasabi mo bang baliw ako?"hinampas ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko at hindi sinasadyang nahampas ko ang porselas nito kaya napunta roon ang atensyon ko.
Hindi makapaniwalang napapikit ako at napahilamos sa mukha ko.
"Grim Reaper ka din?"tanong ko.
Napangiwi lang sa akin ang lalaki at kinalikot ang cellphone nito.
Hindi grim reaper ang isang to!
Isa lang shit na tanga!
Magkatulad ng porselas naming mga reaper ang kaniya.
Hinawakan ko ang proselas niya dahilan para matigilan ito sa ginagawa niya sa walang kwentang cellphone niya.
Ibinalot ko sa pulsuhan niya ang kamay ko at pumikit. Kasabay ng pagpikit ko ay ang pagragasa ng lokasyon ng mga kaluluwa, kasama na ang lokasyon ni Royal na malapit lang sa amin.
Natigil lang iyong bigla ng higitin niya ang pulsuhan nito.
Napairap ako.
"Bakit mayroon ka niyan?"sinundan ng mga mata niya ang porselas na itinuturo ko.
Iniangat niya ang kamay niya at pinagkatitigan iyon.
"San to nanggaling? Wala akong ganito."