PROLOGUE

14 2 2
                                    

CRIMSON'S POV

While standing on the rooftop, I'm looking straight ahead. I stretched out my arms and close my eyes to feel the calming breeze of the wind.

Napamulat na lang ako nang biglang may humawak sa bewang ko mula sa likod ngunit hindi ko na iyon nilingon.

"Lala lala lala la lala..." kanta nito ng paulit ulit habang itinotono sa simula ng kanta ng my heart will go on.

"Hoy wala ka sa tono! Ayusin mo ng mas mafeel ko,"sabi ko tsaka muling ipinikit ang mga mata ko.

Natawa siya ng mahina tsaka kinanta ang chorus,"Near, far, wherever you are. I believe that the heart does go on."

"Shit ka Amber tama na ang panget ng boses mo,"sabi ko sabay tanggal ng kamay niya sa bewang ko.

Tatawatawa naman si Amber nang humarap ako sa kaniya.

"Hindi naman kasi ako banshee para kumanta ng maganda eh,"amber smiled, showing her gummy.

"Sa tingin mo ba maganda talaga ang boses ng  isang banshee aber?"itinaas ko ang kaliwang kilay ko.

"Oo kasi diba nakanta sila?"hindi sigurado ang boses ni amber nang itanong niya iyon sa akin

Pumameywang ako,"Amber yung banshee kumakanta kapag malapit ng mamatay ang isang masamang tao.Sa tingin mo ba ay maganda ang boses nun kung ang punto ng pagkanta niya ay manakot?"

"Hala crimson naiinis ka nanaman ba sa akin?"

"Sorry na agad, hindi ko pa kasi naririnig kumanta ang banshee eh,"yumuko ito na para bang batang may nabasag na baso.

"Ikaw ba nakarinig  ka na?"muli siyang tumingin sa akin.

Pinigilan kong ngumiti at ipinanatiling seryoso ang muka ko,"Oo Amber. Napakapanget ng boses nila nakakatakot. Sobrang lalim tapos dumadagungdong. At habang kumakanta siya ay makaririnig ka ng tunog ng tambol na unti unting lumalakas at kasabay nun ay ang unti unting pagsikip ng iyong paghinga—"

"Amber wag mong pakinggan yang si Crimson haha sinungaling ang isang yan,"sabi ni Clay na kakasulpot lang.

"Eh?"nagtatakang sabi ni amber.

"Kay Clay ka huwag maniwala dahil yan ang master ko,"sabi ko sabay hawak sa kamay ni Amber at hila sa kaniya palapit sakin.

Kaya lang ay natigil ang paghila ko ng hilaan ni Clay sa bewang si Amber palayo sa akin.

"Nice,talagang inaming sinungaling,"ngumiti ito.

Inirapan ko siya at tsaka dumila,"You're no fun at all."

Mangaasar pa sana ako kaya lang ay naramdaman ko ang pressure na nagmumula sa bracelet ko.

Nang tingnan ko iyon ay umiilaw na ito ng kulay puti na may halong asul.Hinawakan ko ang maliit na diamond pendant nun at hinila.

Lumitaw ang tambak ng papel sa aking kamay at ang dating maliit na diamond ay naging hourglass na nakakadenang maliit sa porselas ko.

Hindi iyon mabigat, para lamang iyong hangin sa pakiramdam.

Inisa isa kong tingnan ang mga papel sa kamay ko.

Ang dami!

Napakamot ako sa ulo ko.

Gusto ko lang magrelax ngayon!

Ano ba yan!

Tumingin ako kina Clay para magpaalam.

Crimson's DemiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon