4

23 0 0
                                    

Callen's POV

Sunday, August 23, 2019

"Wooh!" sabay kaming napabuntong-hininga ni Lucas pagkatapos makapasok sa bahay nila't masarado ang pintuan. Medyo binilisan namin ang pagtakbo dahil lumalakas talaga yung hangin kanina. Hindi normal. Yung tipong madadala ka talaga nito kapag nakatayo ko lang. At ngayon, ligtas naman kaming nakarating sa bahay nila.

Pinagmasdan ko ang buong bahay nila. Malaki ito kumpara sa amin, minimal lang din ang style na nagustuhan ko. Pagpasok mo ng bahay nila ay bubungad agad sayo ang malaki nilang sala. May malaking TV sa gitna at tatlong malalaking sofa na pinagigitnaan ang isang maliit na table na may porcelain glass. Nakasabit rin sa taas ang makinang nilang chandelier. Kulay puti at krema halos ang makikita dito, actually yung buong bahay talaga nila ang kulay puti at krema kaya medyo maaliwalas siya kung titingnan.

"Umupo ka muna. Ito tubig oh, para mapalitan ang tubig na nawala sa'yo dahil dun sa pagtakbo natin," aniya sabay abot ng baso at pitsel na puno ng tubig. "Grabe rin ang pawis mo, eto towel oh, punasan mo sarili mo," ani Lucas sa akin sabay abot ng towel. Umupo ako sa sofa at tinanggap ko naman ang baso at pitsel, binuhusan ko ng tubig ang baso at saka uminom. Grabe ang sarap sa pakiramdam, mukhang kulang pa nga ang isang baso sa akin. Inabot ko rin ang towel niya at pinunasan ko nga ang sarili ko sabay sabi ng, "Salamat."

Nginitian niya lang ako bilang sagot sa pagpapasalamat ko. Umupo na rin siya sa tabi ko.

"Saan ka ba nag-aaral? Papasok ka ba bukas?" tanong niyang muli. Speaking of pag-aaral, gusto ko pa ring pumasok bukas. Mahirap nang lumiban sa klase 'pag college na. Isa pa mahirap din 'tong course na pinasok ko.

"Ah, sa Pacific Grove University ako nag-aaral. Gusto ko pa ring pumasok bukas kahit ganito yung nangyari ngayon. Wala naman 'din akong magagawa sa sitwasyon natin dahil wala akong alam at sa ngayon, wala pa akong magagawa. At least kung mag-aaral ako, may matututunan pa ako. Makakalimutan ko pa saglit na nag-iisa na lang ako," sabi ko sa kaniya. Go with the flow na muna ako nito. Hindi naman sa wala akong pakialam sa nangyari, eh sa wala akong magagawa eh. Kailangan kong pumasok dahil may pangarap din ako. Pwede ko rin namang pagsabayin ang paghahanap sa pamilya ko at pag-aaral. Mas maigi kung ganito ang magiging set-up ko.

"Sakto! Dun din ako nag-aaral. Sabay na lang tayo bukas? At isa pa, hindi ka naman nag-iisa, nandito naman na ako," sagot niya sa akin. Napangiti na lang din ako sa sinabi niya. Buti na lang talaga at nakilala ko siya, dahil kung hindi, malamang mag-isa pa rin ako dun sa park at baka 'dun ko na mapagdesisyunang matulog. Isa pa, parehas naman kami ng pinagdaanan kaya makakarelate kami sa isa't isa, at matutulungan din namin ang isa't isa.

Niyaya niya akong kumain muna at tumungo nga kami sa kanilang dining room. Katulad nung sa amin, sira-sira din yung ibang mga gamit nila dito. Pero buti na lang at hindi masyadong napuruhan itong kanilang lamesa at upuan kaya nagamit pa namin ito.

Kumuha siya ng pagkain sa ref at naghain. Sinalinan niya rin ang mga baso namin ng tubig at umupo. Sabay naming pinagsaluhan ang pagkain na nasa harap namin ngayon. Mukhang mapaparami ang kain ko ngayon dahil gutom na gutom na ako. Sakto rin naman na masarap yung ulam, calamares na paborito ko.

"Paborito mo pala 'yan?" tanong niya. Kahit alam kong nakakapagbasa siya ng isipan ng ibang tao eh nagugulat pa rin ako.

"Oo, hindi ako nagsasawa rito," sagot ko habang patuloy sa pagpapapak ng pagkain. Sino kaya'ng nagluto nito? Ang sarap sarap eh. Hulaan ko, nababasa niya na naman 'tong iniisip ko.

MalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon