8

7 0 0
                                    

Callen's POV

Monday, August 24, 2019

Nakarating kami nang maayos sa bahay nila Lucas. Naging tahimik lang kami buong oras ng biyahe at di nagkikibuan. Medyo nakakapagod din ang araw ko ngayon dahil sa mga activities na pinagawa sa amin, pati na mga librong pinapabasa sa amin. Ang lab activity din namin kanina ay medyo nakalilito at kulang ang isang oras para gawin yun kaya ipagpapatuloy pa namin ito sa susunod na araw.

Pinark niya muna ang kotse niya sa kanilang garahe, saka kami bumaba at dumiretso sa kani-kaniyang mga kwarto.

Inilapag ko lahat ng dalang gamit ko, ang bag, ilang libro at tackle box ko ngayon sa isang maliit na lamesa sa tabi ng kama ko at inilagay sa basket ng mga labahan ang uniporme ko. Naligo na rin ako upang maibsan ang init na nararamdaman ko dulot ng mainit na panahon at mawala ang lagkit na pakiramdam sa katawan ko ngayon. Pagkatapos ay dumiretso ako sa baba para uminom ng tubig at nadatnan ko naman si Lucas na umiinom din.

Nilapag niya muna ang baso niya sa lamesa bago umupo. "May..." pagsisimula niya habang nakahawak sa likod ng upuan. "May gusto akong sabihin," aniya at hinila ang hinawakang upuan at saka umupo.

Sa simpleng kilos niyang ito'y kinabahan na ako. May nalaman na naman kaya siya?

"Ano 'yon?" sagot ko sabay inom ng tubig. Pinaubos niya muna sa akin ang iniinom ko bago nagsalitang muli.

"Ano nang magiging plano natin? Isang araw na simula nung mawala ang mga pamilya natin. Hanggang ngayon wala pa rin tayong alam kung nasaan talaga sila. Isa pa, hindi pa tayo nakapagreport sa mga pulis diba?" mababakas sa pananalita ni Lucas ang kaba at lungkot. Tama siya. Magdadalawang-araw na simula nung nawala sila bukas. At hindi pa nga kami nakakapagreport sa mga pulis. Gagawin ko naman sana ito kaso nakalimutan ko rin o pinagsawalang-bahala na dahil na rin sa taglay naming kakaibang kakayahan. Naisip kong baka mas makabubuting kami na lang ang makaalam nito, o di kaya kung susuplong kami'y baka di nila kami paniwalaan. Pero alam kong mas nakabubuti kung irereport namin ang insidenteng ito.

"Mabuti pa siguro kung ireport na nating nawawala sila. Lagpas 24 hours na diba?" sagot ko sa kaniya na sinagot niya naman ng isang tango. Napabuntong-hininga ako't napatulala na lang. Pinaghawak ko naman ang dalawang kamay ko't ipinatong ang ulo rito.

"Pagkatapos?" tanong niyang muli. Anong ibig sabihin niyang 'pagkatapos?'

"Pagkatapos ano?" ani ko.

"Pagkatapos nating ireport, ano nang plano?" 

"Wala," diretso kong sagot. Para sa akin, wala talaga dapat kaming plano ngayon. Wala kaming gagawin.

"Anong wala?" medyo umiba ang tono ng pananalita ni Lucas. Alam kong ikinainis niya ang sagot ko. Pero totoo namang wala dahil wala kaming alam. Sa panahong ito, wala pa kaming 'armas'. Ayaw ko namang susugod kami sa isang laban na hindi namin pinaghandaan. Kailangan muna naming maghintay pa hanggang sa kami na mismo ang maging handa, hanggang sa ang 'armas' na mismo ang lalapit sa amin.

"Wala kasi wala tayong alam," sagot ko. "Mas mabuti pa siguro kung wala muna tayong plano dahil hindi rin naman natin alam kung nasaan sila o sino ang kalaban." Huminahon naman siya sa naging sagot ko.

"Anong ibig mong sabihin? Wala na lang tayong gagawin? Hindi man lang natin sila hahanapin?" malungkot na aniya. Napabuntong-hininga siya't yumuko. Nababakas talaga sa kaniya ang kalungkutan. Pinagmasdan ko naman siya't nag-ayos ng pagkakaupo, at humarap sa kaniya.

"Kung tayo talaga ang puntirya ng mga 'yun, ano sa tingin mo ang maging susunod nilang hakbang?" tanong ko sa kaniya na siyang ikinataas ng ulo niyang nakayuko kanina. Sakto namang nagtama ang paningin namin dalawa at tiningnan ko lang siya sa mga mata. Nais kong maiparating sa kaniya ang naisip ko. Pilit kong kinakausap ang mga mata niya na tila nagagawa ko nga iyong kausapin. Matapos ang matagal na pagtitig ko ay kumurap siya.

MalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon