6

15 0 0
                                    

Callen's POV

Monday, August 24, 2019

Makalipas ang ilang minutong pagbiyahe ay nakarating din kami sa PGU. Pinark muna ni Lucas ang kotse niya sa nakalaang parking space para sa kaniya. Pagkatapos ay bumaba na kami at nagpaalam sa isa't isa. Magkaiba ang course namin kaya magkaiba rin ang pupuntahan namin ngayon.

Ngayon ay naglalakad ako papunta sa A building ng school. Dun kasi ang room ng first period class ko tuwing MWF. Wala masyadong estudyante ang nakatambay ngayon dito sa labas dahil medyo mainit at malamang ang iba ay nagkaklase pa.

Maya-maya lang ay tumunog na ang school bell bilang hudyat na tapos na ang naunang sched ng class at magsisimula na ang 9:30 class. Bale tumutunog ito 5 minutes bago matapos ang isang oras para magkaroon ng sapat na time ang mga estudyante sa paglalakad lalo na sa may malalayong rooms pagkatapos ng isang period nila.

Nakarating na ako sa second floor at dumiretso sa room ko. Uupo na sana ako sa usual spot ko for two weeks na which is sa second row, malapit sa bintana kasi mahangin dito, kaso may lalaking nauna na. Mag te-three weeks pa lang simula nung nagstart ang academic year at hindi ko pa rin kabisado ang pangalan ng mga kaklase ko kaya hindi ko rin kilala kung sino 'tong nauna sa usual na pwesto ko na nakatingin lamang sa labas ng bintana.

Imbes na makiusap sa kaniya, napagdesisyunan kong umupo na lang sa tabi niya, tutal malapit pa rin naman 'to sa bintana.

Pagkaupong-pagkaupo ko ay bigla niya akong nilingon at medyo nagulat. Medyo nagulat din naman ako dahil hindi ko pa siya nakikita nung mga nakaraang linggo. Baka ngayon lang siya pumasok?

"Ngayon lang ata kita napansin. Bago ka lang ba dito? Late ka bang nag-enrol? O ngayon ka lang talaga pumasok?" sunod-sunod na tanong ko. Hindi agad siya sumagot. Mukhang mahiyain ata tong isang 'to.

"Ah, yes. I'm just new here. Our family's actually new here in the city and we just transferred last week," sagot niya sa akin. Akala ko naman hindi niya na ako papansinin dahil hindi agad siya sumagot. Napatulala niya naman ako sa pag-english niya. Half ba 'to? Anong lahi nito? O sadyang mayaman lang siya at nakapag-aral sa international school noon? Or pwedeng both?

Napatango na lang ako sa sagot niya at tinanong na rin ang pangalan niya, "So, what's your name? And why did you choose this course and this university?" naks. Napa straight English ako dun ah.

"I'm Blaze Salvacion. Actually parents ko ang may gusto ng course na 'to. They wanted me to become a doctor, but I really want to be an artist. I can't do anything about it so I decided to be a good son for them now and follow what they want. Soon, I'll still try to pursue what I really want 'pag natapos ko na 'tong course na 'to. And I chose this university kasi my parents chose it na, and just like what I've said, I can't do anything about it," mahabang sagot niya habang nakatingin sa harapan niya, sa may white board. Nakakapagtagalog din naman pala siya, akala ko tuloy englishero na talaga. Nakakalungkot naman. Mahirap kasi talaga pag hindi mo gusto yung inaaral mo, mawawalan ka pa ng gana. Isa pa, masasayang ang oras mo pag hindi mo talaga gusto ang isang bagay pero pilit pinapagusto sa'yo.

Lumingon naman siya sa akin at nagtanong, "How about you? What's your name? and why did you choose this course?" tanong niya habang ginagaya ang tono ng pananalita ko kanina. Pagkatapos ay ngumiti siya nang medyo pilit.

"Ako naman si Callen Skye Laxamana, but you can call me Cal. I chose this course kasi ito ang gusto ko. Unlike you, I really wanted to be a doctor. And fortunately, supportive family ko sa mga gusto ko in life," sagot ko at biglang nalungkot. Supportive nga sila papa pero wala naman sila ngayon. Bigla ring nalungkot si Blaze sa sinabi ko dahil nga unlike him, supportive family ko.

MalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon