[ YEONJUN ]
agad kong kinuha 'yung softdrinks na binili namin kanina ni yeji para inumin habang nanonood na kami ng movie ngayon sa cine pero pagkahigop ko sa straw ay wala na palang laman.
" ba't ubos na agad? " tanong ko kay yeji pabulong kaya nagulat sya at kinuha ang lalagyanan.
" ikaw kaya umubos nyan, kanina ka pa umiinom. ano bang nangyayari sayo? " tanong sakin ni yeji na mukhang nagaalala.
mukha ngang ako ang nakaubos ng softdrinks namin, hindi ko kasi alam ang gagawin ko kaya umiinom nalang ako ng umiinom at hindi na nagfofocus sa palabas.
paano ba naman kasi 'yung dalawang magjowa sa harapan namin, walang kahiya-hiyang naghahalikan. sinigawan na nga sila ng ibang tao na dumarecho nalang daw sila sa motel pero wala silang pakialam at tuloy parin ang paghahalikan.
napansin ko naman na nakatingin parin si yeji at hinawakan nito ang noo ko kaya napaatras ako, " hoy, pawis na pawis ka. " nagaalalang sabi ni yeji.
" ha? uh, wala 'to haha. " kinakabahan na sagot ko kaya tumango nalang si yeji at kumain ng popcorn.
tinitigan ko lang sya habang ngumunguya, doon ko nalang napansin na matagal na pala akong nakatingin sa labi ni yeji kaya patago kong nasampal ang sarili ko.
bigla nalang bumukas ang ilaw at doon ko lang narealize na tapos na pala ang palabas. napahinga ako ng malalim at tila nabunutan ng tinik, akala ko ay hindi ko na mapipigilan pa ang sarili ko kanina.
" ang boring naman ng movie na yun, sayang lang pinambili ng ticket. " naiinis na sabi ni yeji kaya tumango nalang ako at sumangayon sa sinabi nya kahit hindi naman ako nagfocus sa movie kanina.
napahinto ako sa paglalakad nang tumigil din si yeji, nakatingin ito sa isang bilihan ng damit at nginitian ako bago sya pumasok doon. hinayaan ko lang sya na tumingin-tingin ng mga damit na gusto nya, ako ang magbabayad.
habang ako ay pilit pinapakalma ang sarili. hindi ko pa nasusubukan ang halikan si yeji at hindi pa siguro ito ang tamang oras para gawin 'yun kaya pinipigilan ko ang sarili ko hangga't makakaya.
" okay ba? " napalingon akop nang marinig ko ang boses ni yeji, natigilan ako nang makita sya na suot ang damit na kanina nya pa tinitignan. mahabang dress ito na lampas tuhod nya na.
doon ko lang napansin na nakangiti na pala ako habang nakatingin kay yeji kaya tumango nalang ako at nagiwas ng tingin, " okay 'yan. " tipid na sabi ko.
" ang ganda ko, no? " mahangin na sabi ni yeji pero hindi ko sya sinagot at tinaasan lang sya ng kilay.
ang ganda mo, yeji. sobra.
nagulat ako nang bumulong si yeji, " kaya ba sinabi mong okay 'tong suot ko dahil mahaba hindi tulad ng pang-sexy kong damit? " napalayo ako dahil sa sinabi nya.
" ang feeling mo naman, " pagde-deny ko. " kaya ko sinabing okay 'yan ay dahil sa sobrang haba, mukha ka nang manang. "
nakita ko na naman ang pagnguso nya dahil sa sinabi ko. tumawa nalang ako, tumawa ako hindi dahil sa sinabi ko, tumawa ako dahil napakaganda ni yeji lalo na ngayon sa suot nya.
YOU ARE READING
BOYFRIEND. yeonji
FanfictionCOMPLETED ! - in which they are in a relationship but he does not act as a sweet boyfriend like others. 20200913 ━ 20201025 written in fil-eng. one ; yeonji by huegothic.