[ YEJI ]
naglakad ako papunta kila lia at chaeryeong nang makita ko sila na kumakaway sa akin, halatang kanina pa sila naghihintay dahil hindi naman sila nakangiti sa akin.
pinatay ko ang cellphone ko kasi ayoko nang makatanggap pa ng chat galing kay daniel, para saan pa? e bastos naman ang kausap ko.
let's sleep together daw, ano ako uto-uto? tangina nya pala e.
" grabe, wala ka na bang mas ibabagal? " sarkastikong tanong ni chaeryeong pero inirapan ko lang sya saka naglakad papasok ng isang bar.
mga alas-sais na ngayon, bar daw kasi 'to ng pinsan ni lia at sinabing magimbita ng dalawang kaibigan, libre daw ang drinks. hindi na ako tumanggi kasi hello, libre daw!
tinignan ko ang buong paligid at marami-rami ding tao since bago lang ang bar na 'to, sayang nga lang kasi hindi kasama si ryujin at yuna dahil silang dalawa ang walang hilig sa mga ganitong bagay saming magkakaibigan, yung tipong matutulog nalang sila sa bahay kaysa gumala.
pinaupo kami ni lia sa isang upuan na pang-grupo at hinintay sya dahil kakausapin nya pa daw at bobolahin ang pinsan, gawaing plastik lang para mas lalong makalibre.
" hoy, yeji! totoo ba talaga yung sinabi mo sa gc na hinihintay mong magchat sayo si daniel, ha aber? " umusog palapit sa akin ang chismosang chaeryeong pero inirapan ko sya bago ako sumagot.
" oo pero wala akong gusto sakanya, " paliwanag ko. sinabi ko din ang buong pangyayari kaya naman para syang nabunutan ng tinik.
" so, hinihintay mo ang chat nya kasi may sinabi sya tungkol kay yeonjun na hindi mo naman nagets? " tumango ako sakanya kaya napatango-tango na din sya na parang mas naintindihan nya ang paliwanag ko.
mayamaya ay na-bored sya kaya naman naglaro nalang sya sa cellphone nya habang ako naman ay tahimik na nakaupo habang hinihintay parin si lia na bumalik.
pero may nakakagagong nakita ang mga mata ko.
YOU ARE READING
BOYFRIEND. yeonji
FanfictionCOMPLETED ! - in which they are in a relationship but he does not act as a sweet boyfriend like others. 20200913 ━ 20201025 written in fil-eng. one ; yeonji by huegothic.