The Start

7 1 0
                                    

So nagbabalik ako mga madi dahil nainspire ako na magsulat ulit dahil nakanuod ako ng drama at naisip ko na bakit hindi ko gawan ulit ang meanie? Hahahaha shAare Koo lAnggg🎶🎶 (wish ko lang tune po yan hahahahaha). So let's girit.








MINGYU's

Being your shadow is all I am.

I want you to see me too.

But I guess this is all I could ever be.

your Shadow.

"Masyadong madrama itong part na ito. Di ba Gyu?" Tanong ni Wonu.

Nandito kami ngayon sa tree house ng bahay nila dahil pinapasulat kami ng peom about clandestine love. Tapos ko ng gawin yung sakin.

Mahalin mo ba naman ng palihim ang bestfriend mo na parang kapatid ang turing sayo di ka kaya humugot ng humugot sa bawat stanza.

"Ayos na yan Shadow naman title maganda." Parang tinamaan kasi ako sa huling lines niya.

"Sure ka ah. Kundi wala ka ng libreng ramen sakin." Pambabanta pa nito.

"Hoy! Aba sinuportahan na nga kita eh tyaka maganda nga sabi ko bakit dinadamay mo yung ramen?" Nakakainis talaga itong si Wonu minsan ang sarap sipain pero di ko rin magagawa dahil mahal ko yun eh.

"Joke lang naman yun ehhhh.... Alam ko namang support ka sakin lagi eh. Pakiss nga." Aamba na sana siya palapit sakin pero Inambahan ko na ito ng suntok.

Ayokong magmukhang kamatis sa pula kapag hinalikan niya ako. Pero alam ko namang namumula na ako dahil yung utak ko gumawa na ng senaryo Pusang kinalbo talaga oh!

"Subukan mong lumapit talagang matutul--- este masasapak kita!" Sabi ko na lang

"Oo na hindi na namumula ka na sa inis alam kong dapat ng tumigil baka mapuruhan ang face ko at di na ako mapansin ni Seoks. Hihihihihi" Kinikilig na siya niyan.

Minsan napapaisip na lang ako kung bakit sa kabayo siya nagkagusto samantalang nandito ako ang diyosa ng Anyang.🙄

"Ano bang nagustuhan mo dun eh mukha namang kabayo yun. Ano ka animal lover?" Pang aasar ko ulit.

Nanlisik naman ang mgat mata niya at nagpout pa. Aba! Bat ang cute?!!!!

"Kumpara naman sayong kapre ka! Tyaka wag mo ngang inaasar ng ganun si BebeSeok ko. Gusto ko siya dahil mabait siya at masiyahin di katulad mo na halos nakaaway na lahat ng estudyante sa school." Blah blah blah may mga sinabi pa siya pero di na ako nakinig tutal puro papuri lang yun kay kabayo.

"Ako gusto kita ng walang dahilan. Pero bat ako parang balewala lang sayo."

"At ano nanamang binubulong mo diyan ha Gyu? Kelan ka pa naging mangkukulam?!" Siya naman ang nang asar ngayon.

"Dinadasalan kitang kupal ka! Wala akong sinasabi! Nanahimik ang tao eh. Uuwi na ako hinahanap na ako ni Teahyung Hyung." Kahit hindi pa naman dahil sigurado ako nasa layasan pa yun. Sana all nakakalabas ng hindi napapagalitan.

"Hatid na kita Gyuuuu.." No choice dahil tamad din akong maglakad kahit na sa kabilang street lang ako. Yung 10 mins. kong lakad magiging 4 mins. na lang. Saya saya ng ganun.

Nang makarating na kami sa bahay pinaalala nanaman ni Wonu na susunduin niya ako at may lakad kami. Akala ko pa naman makakapagpahinga na ako dahil sabado bukas walang gagawin dapat.

Na sobra ko namang pinagsisihan dahil powtek na yan kasama pala namin sa lakad na ito si Seokmin at Dino. Nauna silang nag aya papuntang karaoke kaso mas "gusto" daw ni Seok ang magpunta sa arcade.

"Hyung bat di ka naglalaro?" Papansin din itong si Dino eh.

Tumingin ako sa kaniya kahit tamad na tamad akong makipagusap dahil imbyerna ang lola niyo. "Mukha bang gusto ko rito?" Sagot ko

"Halaaa sorry naman agad Hyung mukhang badtrip ka ah?" At talagang umisa pang tanong ang kupal.

"Masaya ako kaya humayo ka na at magsaya diyan dito lang ako." Pagpapalayas ko sa kaniya.

Talagang dito lang ako dahil kita dito ang isang Kabayo at isang Fox na naglalandian sa Just dance. Magaling din naman ako diyan ah bat di ako ang inaya?

"GYUUU!!!!!! TARA DITO" malakas na sigaw ni Wonu kaya napalingon pa yung iba sa kaniya. Napatigil din si Seok sa pagsayaw at ngumiti sa akin.

Mahirap kaagaw ang taong wala namang ibang ginawa kundi kabutihan lang. Umiling lang ako at ngumiti sa kanila kahiya naman kasi kung sasama pa ako paniguradong may masasabi yang si Wonu mamaya. Nakita ko rin ang pagkindat niya sakin.

Kahit na ang ibig sabihin lang nun ay nagpapasalamat siyang di ako nakisali sa kanilang dalawa ay di mapigilan ng puso ko ang matuwa sa simpleng action na yun.

"Sana ganiyan ka rin kasaya kapag kasama ako Wonu. Kailangan ko munang ihanda ang tenga ko at puso ko sa mga kwento mo mamaya."







___________________
I'm back with another story. Adaptation ko ito sa isang novel na nabasa ko kaso may mga iniba ako di ko na rin maalala yung title matagal na kasi. So yun skl.🤣

ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon