"Gyu.... I'm here"
Hindi ko alam pero..... masaya ako....
"Angel..." I miss calling her that. Ako lang pinapayagan niyang tawagin siya sa palayaw na yan.
"Hug?" At kasabay nun ay ang ngiti niya na magpapainlab sa kalalakihan.
Maliban sa akin. Wala naman ng ibang tao sa silid kaya agad akong yumakap sa kaniya. I miss hugging her.
Feeling ko nakahanap ulit ako ng kakampi. Yung taong di ako iiwan.
"Siya ba yung crush mo ha Gyubabe?" Mali pala ako nang asar nanaman ang bwiset.
"PUNY*TA KA TALAGA!" Sabi ko sabay hampas sa braso niya pero very very light lang ulit.
"Aray!!!!! Napakabrutal mo naman!" Sabi niya habang hinihimas ang brasong nasaktan.
"Umuwi na tayo bago pa kita masaktan sa ginagawa mo!" Agad naman siyang sumunod sa akin.
"Pero.....cute siya Gyubabe ha. Agawin ko kaya sayo?" Pagkasabi niya yun ay napatigil ako at nanlalaking matang napatingin sa kaniya.
"Bruha ka! Aba!!! Ako nauna. Hanap ka ng iba!" Namaywang naman ako sa harap niya at siya nama'y malakas na natawa.
"Heto naman si babe di mabiro." At nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Bat ka nga pala pumasok ulit? Wala bang training?" Tanong ko.
"I stopped." "Ha?!!!!." OA na kung tignan pero that's her dream eversince
"Ang bakla mo sa part na yun. Pero I lost inspiration. Hindi na kasi ako masaya sa ginagawa ko. And I wanna hung out with you more. Alam mo namang ikaw lang din ang kakampi ko. Lalo na pag nasa bahay ako." Nakayuko niyang sabi.
"Yeah. We are a tandem no one can break us. So? Sabay na ba tayong papasok lagi?" Agad namang nagliwanag ang mukha niya.
"Sigurado ka ba? Ehh malayo na ang bahay ko sa bahay niyo. No need." Pagtanggi ni Naeun.
"Ako na bahala basta bukas ah sabay na tayo sinduin na kita." Wala naman na siyang magagawa kasi alam kong gusto niya rin naman.
WONWOO
Maaga akong nagpunta sa bahay nila Gyu ngayon kasi nagdala ako ng almusal niya. Peace offering ko na din sana.
Hindi ko kasi matiis ang lalaking yun.
"Kim Mingyu!!!!" Pagtawag ko at kumatok na din ako sa gate nila.
Narinig ko pa nga ang tahol ni Aji.
"Nog!......Tita! Good Morning po!" Nagmano muna ako
"Naku si Mingyu ba hanap mo? Umalis ng maaga eh. Sabi may susunduin daw." Paliwanag naman ni Tita.
"Ganun po ba sige po alis na po ako".
Gag*ng Sunog yun di naghihintay. Mamaya sakin yun.
Habang papunta ako sa school ay iniisip ko na ang mga sermong sasabihin ko kapag nakita ko siya mamaya.
"Close pala sila di ko alam"
"Ang sabi mag ex daw sila"
"Talaga? Sabagay kung titignan mo naman bagay silang dalawa"
"Baka nagkabalikan na sila"
"Sayang crush ko pa naman si Mingyu."
Napakunot ang noo ko si Sunog? Sabagay di naman lingid sa kaalaman ko na marami talsgang may gusto sa Kapreng sunog na yun.
Pero sino yung nalilink sa kaniya? Bat parang interesadong interesado ang mga tao.
"Araaaaay!!!! Bat ang lakas?" Hinihimas ni Mingyu ang braso niya ng maabutan ko.
"Hala! Talaga ba? Sorry di ko naman sadya. Kiss ko dali!!!" Agad namang lumapit at akmang hahalikan ang braso ni Mingyu kaso tinulak niya ang ulo nito.
"Yuck mandiri ka nga!" At malakas na tumawa yung babae si Naeun pala.
Ang bilis naman nilang naging close. Kahapon lang dumating ang babae na ito ah.
"Gyu.." pagtawag ko. Sabay naman silang tumingin.
Gyu ka girl?? Hmmmp
"OH! Wonu bakit?" Kaswal na sabi niya. Bakit parang may nagbago?
"Dinalhan kita ng almusal mo" abot ko sabay punta ko sa upuan sa likuran.
Kita ko namang binuksa niya ang lunchbox niya at agad na kumain. Napangiti ako dahil naappriciate niya ang effort ko.
Pero agad na nawala ang ngiti ko ng subuan niya rin si Naeun ng pagkain!
"Halaaaa kita mo yun? SINUBUAN NIYA SI NAEUN"
"OO! Totoo nga atang sila eh"
At iba't ibang bulungan pa na nakakainis.
"Wala siyang karapatan na kainin ang niluto ko para kay gyu." Hindi ko napansing nasabi ko pala ng malakas yun.
"Nangangamoy selos ang paligid ah" pang aasar ni Kwan.
"May isang baklang gustong manakal" gatong pa ng isang taong walang mata.
"Kapag kayo di pa tumigil. Sa kabilang buhay kayo mapupunta. Masasabi niyo na lang ay ito pala yun!" Asar kong bawi sa kanila.
"Sister di ka naman mabiro halos kasi ihagis mo na yang hawak mong libro kay Naeun. hahahahahahahaha" nag apir pa nga.
"Mare huwag kang mag alala. Numbahwan ka pa rin sa puso ni Nognog. DIBA MINGYU?" Sigaw ni Soonyoung kaya napalingon ito sa kaniya
"Oo bakit?" Pag sangayon nito kahit di niya alam pinaguusapan. Nagthumbs up naman si Soons kaya bumalik ulit sa pagkain si Mingyu.
"Rinig mo yun sis oo daw hihihihihi" kinikilig na bulong ni Kwan.
Sinipa ko na lang siya para makabalik na siya sa upuan niya.
"Wonuuuuuu.... sa uulitin hihihi salamat." Pagpapacute nito sa akin.
"Alam mo namang di kita matitiis." Sabi ko kaya mas lalong lumawak ang mga ngiti nito.
"Sabay tayong mag lunch. Kasama si Naeun. Pwede?" Tanong niya
Hindi. Andwae. Shiro. Ayoko.
"Sige wala naman akong karapatang bawalan ka." Medyo inis kong sagot.
"You have all the rights Won.... Sige hintayin kita mamaya." At bumalik na siya sa kaniyang upuan at nakipag kwentuhan kay Naeun.
Tsk. Papansin.
Dapat lang! Ako naunang kaibigan. Ako dapat ang may karapatan.
Teka..... ako nga ba talaga?
Layag ang Ship natin ngayon ahh 😂😂
BINABASA MO ANG
Shadow
FanfictionBeing your shadow is all I am. I want you to see me too. But I guess this is all I could ever be. your Shadow.