I'm here

3 1 0
                                    

"MINGYU BUMABA KA NA DIYAN AT NAGHIHINTAY NA SI WONWOO SAYO!" Sigaw ng napakabait kong kuya.

"PAKISABI MAUNA NA SIYA KAHIT SA KABILANG BUHAY PA" di ko na nga pinapansin tawag at text niya.

Pero dahil marupok(pok) ako ay dali dali akong bumaba at nagpunta sa may gate at nandun nga siya nakatayo kaya inirapan ko siya at naglakad na ako deretso papasok sa sasakyan niya.

Diba marupok nga kahit galit ako mahal ko pa rin siya. Magpapabebe lang ng konti.

"Nog galit ka ba kasi di kita nasamahan kahapon?" Akala niya siguro nakakatawa yang pagtawag niya ng nog sakin...

"Sorry si Seok kasi..."

"Alam mo Wonu kung magsisimula ka nanaman sa kakakwento kay Seoks wag na lang."

Nanahimik naman siya akala niya siguro galit talaga ako. Konti lang naman hinihintay ko lang naman siyang maglambing eh😒

Wala bang chocolate o flower dyan? Teddy bear? WALA?! K!

Nang makarating na kami sa school "Late akong makakauwi. Wag ka ng maghintay." Tsaka ako bumaba sa sasakyan kahit may sinabi pa siya.

Kaasar di man lang ako sinuyo.

Padabog kong inilapag yung bag ko sa upuan ko at humalukipkip

"GYU HYU..... Ayy.... anyare sayo hyung parang pinagbagsakan ka ng sampong Wonwoo sa mukha?" Pang aasar ni Seungkwan na kung nasa mood lang ako naflying kick ko na ito.

"Walang may paki" sabi ko na lang para umalis siya kaso nakalimutan kong si Seungkwan pala ay isat kalahating bobo na di makaintindi ng actions ayy patuloy na nangungulit.

Napatingin ako kay Vernon na kakapasok lang sa room mukhang naintindihan niya ako kay hinila na niya papunta sa upuan nila si kwan

Pumasok siya kasabay ni Seokmin mukhang may pinagkekwentuhan sila kaya sobrang saya nila. Tsk kairita lang.

Hinihintay ko siyang umupo sa tabi ko kahit naman kasi galit ako sa kaniya ayaw ko pa ring malayo siya lalong lalo na at kaklase namin ang karibal ko.

Kaso ang lalaking yun dumeretso sa likod kung saan nakaupo si Seokmin at tinabihan niya ito. Nagkasalubong naman ang tingin namin ni Seokmin dahil nag aayos ng bag si Wonwoo.

Inirapan ko nga. Mangaagaw eh.

Nog tabihan ko muna si Seoks ngayon wala na kasi yung seatmate niyang si Jooheon. Promise bukas tayo na ang magtatabi.

Bago pa man ako makapagreply ay pumasok na si Ma'am namin.

"Good Morning class. FYI si Jooheon ay umalis na papuntang China dahil dun na sila titira." Samot saring komento naman ang namayani sa klase.

"Pero... may kapalit siya... pasok ka na iha." Babae..... Napataas ang kilay ko at di na lang tumingin sa bagong dating. May mga napasinghap naman at nagpalakpakan ang mga lalaki mga manyak talaga kaya napatingin ako.

Saktong nagkasalubong naman ang tingin namin. Agad nanlaki ang mga mata namin. "NAEUN?" pabulong na sigaw ko

"Hi. Mukhang kilala niyo naman na ako pero magpapakilala pa rin ako. Ako nga pala si Lee Naeun at kinagagalak ko kayong makilala." Nagbow siya kasabay ng palakpakan ng mga kababaihan.

Tsk sino ba naman ang di makakakilala sa Lee Naeun. Ang pantasya ng buong Caratdeul Uni. (Kunwari ito na lang name ng school ) bakit nandito ang sikat na pianist?

"Since walang seatmate si Seok... oh meron na pala..." luminga naman agad si Ma'am at napatigil sa akin ang tingin niya.

"Kay Kim Mingyu ka na lang maki upo."

"Ma'am!!! Ako pero nakaupo diyan" singit naman ni Wonu napatingin tuloy kaming lahat sa kaniya. Nahiya naman siya bigla dahil nasa kanya na ang attention ng lahat.

"No Ma'am okay lang po na maging seat mate ko si Naeun." Kaya nagalakad na palapit sakin si Naeun.

"Hi...Gyubabe." pang aasar niya.

"Mamaya mo na ako guluhin baka masipa kita ng wala sa oras." Gigil kong sabi.

"Okaaay... bab...awww" pinitik ko naman siya ng ver very light sa noo.

Di parin siya nagbabago. Siya pa rin ang kababata kong siraulong feeling jowa ko. Magkakilala na kami noon pa bago ko nakilala sina Wonu kaso di na kami nagkakasama ni Naeun dahil busy ito lagi sa training. At wala na halos oras para sa akin. Maka walang oras akala mo naman talaga jowa ko HAHAHAHAHAHA YUCK.









Nag aayos na kami ng gamit namin ng biglang lumapit si Wonu sa table ko.
"Tara na Gyu."

"Mauna ka na may pupuntahan pa ako." Kahit wala naman talaga ayy nagkunwari akong meron. Asar pa rin ako.

"Samahan na lang kita. Saan ba yun?" Pamimilit niya pa.

Sasagot na sana ako. "Wonu sorry pwede bang pasama ako." Singit naman ni Seoks. Napakahinhin magsalita pakitang tao lang naman. Tsk.

"O. Samahan mo na siya kaya kong umuwi mag isa. Di katulad ng isa diyan akala mo mawawala." Pagpaparinig ko.

Napayuko naman si Seokmin. Huh! Alam ko harsh pero kasi alam naman na niya na ako nauna kay Wonu pero mukhang gusto na rin niya ang atensyong binibigay sa kaniya ni Wonu.

"Mingyu. Di mo kailangang tarayan si Seokmin." Pagalit na saad ni Wonu. "Tara na Seoks. Saan ba yun?"

"Ah... hindi na pala kaya ko naman na."

"Hindi sasamahan kita. Tara na." Sabi niya at kinuha ang bag ni Seokmin.

Ha! Good for you two. Magsama kayo!

"Siya pa rin talaga mauuna kahit anong mangyari." Lulugo lugo akong naglakad palabas ng room kaso napatigil ako ng may humawak sa pulsuhan ko.









"Gyu.... I'm here".


3 words.


But those 3 words made me feel that my Angel is back. My guardian Angel is here again.



Not Wonu.





But Naeun.

ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon