Suzzieth PoV's
Mabilis tumakbo ang oras at gabi na. Kanina pa umuwi sina harrah tsaka ash
"Baby suzzy?" tanong sakin ni ate yna
"P-po?" sagot ko
"Are you okay? Are you tired na ba? You can rest now, kaninang umaga kapa nagtatrabaho dito" sabi nya sakin
"Okay lang po ate, im not tired pa naman kaya ako muna mag aasikaso dito" sabi ko sa kanya
Hindi talaga ako napagod ngayon kahit higit sampung oras na akong nag aasikaso ng mga pumupunta dito
"S-Suzzieth" agad kong nilingon kong sino yung tumawag sakin
Shamayy! si mariel kasama ang kanyang mama nya at pinsan siguro nya yang lalaki na yan
"Uy mariel, mano po tita" agad akong lumakad papalapit sa kanya
"Condolence iha" sabi sakin ni tita amor
"Condolence suzzy" sabi din ni mariel
"Condolence" sabi nung pinsan ni mariel
"Maraming salamat, upo kayo" sabi ko at binigyan ko sila ng upuan
Tumabi nalang ako kay mariel
"Iha, ito nga pala si kierro panganay na anak ko" pagpapakilala ni tita amor
Ah pakshet kapatid pala! kala ko naman pinsan
"Suzzieth Leigh" sabi ko sabay abot ng kamay ko
"Kierro Kej" pagpapakilala nya din sakin tas nag shake hands kami
"Sya nga pala iha, ito oh" may inabot sakin si tita amor
Isang puti na envelope, diko alam kung ano ang laman kaya kinuha ko
"Yan lang ang maitutulong ko sayo iha! masakit din isipin na wala na yung pinakamabait kung kumari" biglas nya ulit
Tiningnan ko yung envelope. P-pe-r-ra? oo pera ang laman! Five Thousand?? Yan ang laman ng enevelope! ang laki!!!
"Tita di nyo nam-" hindi ko na tuloy yung pagsasalita ko nang putulin nya ito
"Ano ka ba iha! tanggapin mo yan, makakatulong yan sayo" sabi ni tita amor
Wala akong nagawa kundi tinanggap ko na lang
Ilang oras ang lumipas ay tsaka na nagpaalam sina mariel at bukas nalang daw sila babalik
"Baby?" pagtawag sakin ni ate yna
"Yes ate?" sagot ko
"Uuwi dito si tito ramsen at tita jinny bukas! pati na rin sina kirk at kurt" sabi nya sakin
"Ahh sige po, ate pwede ba muna akong matulog?" tanong ko
Its getting late na kasi! tiningnan ko yung orasan, its 1:04 am!!! One what?? madaling araw na pala??
"Sure baby, nakatulog na ako kanina kaya ako na ang magbabantay muna kay ate" sabi nya sakin
Si ate yna ang bunsong kapatid nila mama. Si ate yna din ay half sister ni mama at si tita jinny naman ay pure sister ni mama. Bali sa magkakapatid nila ay si ate yna ang anak ng ibang lalaki tas si tita jinny at mama ay parehong papa
Agad naman akong tumakbo papasok sa kwarto ko para humiga at di ko namalan ay agad akong nakatulog
•KINABUKASAN•
Nagising ako sa hagulgul ng mga tao sa ibaba, hindi ko alam kung sino kaya agad akong bumangon at bumaba para tingnan kung sino
"Yna, diko talaga matanggap na wala na si Zeth" sabi ng may edad na babae tas umiyak ulit
Ito ba si t-tita jinny??? halaa ang ganda! makapag toothbrush nga muna
Agad akong bumalik sa kwarto at inayos muna ang sarili ko at nagtoothbrush
"Baby?" agad akong lumingon sa pintuan at nakita ko si ate yna
"Yes po ate?" sagot ko naman
"Andito na sina ate jinny, halika na't bumaba dahil hinahanap ka nila" sabi nya sakin
"Opo, susunod na po ako aayusin ko lang muna tong higaan ko ate" sagot ko
"Sige baby take your time muna, ahm by the way baby" sabi ni ate
"Po?" sagot ko naman
"Dumito muna daw sila, di ko alam kung kailan sila aalis" sabi nya sakin
"Ayus yan ate" yan lang naisagot ko
"O sha baby, i have to go na bibili pa kasi ako ng mga pagkain, ikaw muna ang bahala kina ate jinny okay? sige na bye" sabi nya
At umalis na sya! kung nagtataka kayo kung bakit ate ang tawag sa kanya ay dahil parang ate ko narin sya, 24 years lang si ate yna kaya ayaw nyang tinatawag ko syang tita HAHAHA
Pagkatapos kong linigpit ang higaan ko ay agad akong bumaba para asikasuhin sina tita jinny
"Is that you suzzy?" agad namang tanong ni tita jinny sakin
"Y-yes po" sagot ko naman
Agad nya akong niyakap, NG MAHIGPIT
"I miss you so much suzzy, di mo na siguro ako na mumukhaan dahil last 11 years tayo nagkita" sambit nya
"I miss you too tita" sabi ko naman
Nagmano ako kina tita tsaka tito pero may napansin akong dalawang lalaki, magkamukha sila
"Sya nga pala suzzy, Boys come here"
To be continued......
————————————
KEEP SAFE AND GOD BLESS BEMISS❤️'Please support me until the end of the story'
YOU ARE READING
Taste Of Blood
Teen FictionSuzzieth is a daughter of a Mafia Boss. She was only 6 years old when they have a car accident, She cant remember anything except her Mother. She try to ask her mother about his father but she cant get an answer from her mother. Anong mangyayari kun...