Umirap muna ako bago bumangon dahil ansakit ng mga paa ko. Tiningnan ko yung oras '9:58 PM'
WAAAAA gabi na pala, nasan sina kirk? pucha naman oh!
Agad akong bumaba para tingnan kung anjan ba sila kirk tsaka kurt
"Tita jinny" pagtawag ko kay tita
"Yes ija" sagot nya sakin
"Nasan po sila kirk?" tanong ko sa kanya
"Ah, may inasikaso dahil bukas ay babalik sila sa Canada" sagot nya
Nawala yung ngiti ko kanina. Babalik pala sila ng canada? eh diba sabi nila na dito daw sila mag-aaral? WAAAA ANSAAKET! JOKI JOKI LANG
"Dont worry ija, by monday siguro ay babalik na sila dito" sabi nya sakin sabay haplos ng aking buhok
"P-po? totoo po ba yung sabi nila tita?" tanong ko ulit kay tita jinny
"Totoo? Ang alin ija?" tanong nya sakin
"Dito na po sila mag-aaral?" tanong ko
"Oo iha totoo yon, pero bat alam? sino nagsabi sayo?" sagot at tanong nya sakin
"Sina kirk po" sagot ko
"Ah, may pag ka talkative talaga yung dalawa" sabi nya at nagtawanan kaming dalawa
"By the way po tita, bakit po sila pumunta ng canada?" tanong ko
"Kukunin nila ang mga documents sa school nila para ilipat dito sa school mo" sabi nya
"Ah, sa wakas may kasama na ako" tuwang tuwa kong sabi
"Hahaha ang kyut mo talaga ija, sa monday na pala kayo papasok dahil sa sabado na natin ililibing si zeth" sabi nya sakin
Hindi ako nakasagot dahil di kona makikita si mama
"Its okay ija, kung gusto mong matulog! sige go matulog ka ulit" sabi sakin ni tita
"Okay lang tita, tutulungan ko nalang po kayo, pero asan po si ate yna?" tanong ko
"Di nya pa pala nasabi sayo" sabi ni tita
"Para saan po?" tanong ko
"Nandon sila sa airport dahil umuwi si tito alan mo" sabi ni tita
"Talagaa po??? mabuti naman kung ganon tita" sabi ko
"Oo nga e, o sha sige na may mga ibang bisita na ang nagdisatingan" sabi ni tita
At yun tinulungan ko na sila tita pagkatapos non ay agad na akong nagpaalam para matulog dahil inantok na ako
"Tita jinny" pagtawag ko sa kanya
Nang nadinig nya ako ay agad nya akong pinuntahan
"Yes ija" sagot ni tita jinny sakin
"Pwede bang matulog na ako kasi inantok na ako e" sabi ko
"Ofcourse ija, sige na matulog kana, malayo pa naman sina tito alan mo pero papauwi na sila" sagot ni tita jinny sakin
"Sige tita jinny, salamat" sabi ko
Hindi ko na sya hinintay pang sumagot dahil inaantok na talaga ako
Pumunta na ako sa kwarto ko, pero bago ako natulog tiningnan ko muna yung facebook ko
May 2 friend request kaya agad kong inopen
"Franz Kurt sent you a friend request, 1 hour ago" pagbasa ko
WHAAAT!!! OMAAYGAAD!!!! Kaya agad ko itong inaaccept at tiningnan yung isang nag add sakin
"Franz Kirk sent you a friend request, 50 minutes ago" pagbasa ko ulit
SILAAANG DALAAWAAA???? WAAAAA!! INGGIT KAYO PLEASEEE
Agad ko din yung inaaccept
Pagkatapos non ay may nag message pero di kona na open yung messages dahil nakatulog na ako.
To be continued......
————————————
SORRY FOR THE LATE UPDATE😊 BUSY NA AKO DAHIL BINIGAY NA ANG MODULE HAHA😂 KAYA WAG NYONG ASAHAN NA ARAW ARAW AKO MAG UPDATE DAHIL ANG DAMI NG ANSWER SHEETS😆 KEEP SAFE AND GOD BLESS BEMISS❤️'Please support me until the end of the story'
YOU ARE READING
Taste Of Blood
Teen FictionSuzzieth is a daughter of a Mafia Boss. She was only 6 years old when they have a car accident, She cant remember anything except her Mother. She try to ask her mother about his father but she cant get an answer from her mother. Anong mangyayari kun...