Chapter 20

109 9 0
                                    

Nagising ako sa ingay sa mga tao na nagsihagul-gulanan sa baba

Kaya agad akong bumangon at pumunta sa baba at agad kong nakita sina tita jinny, ate yna at tito alan

"Wag kanang umiyak" sabi ni tito alan ni tita jinny sabay himas sa likod ni tita

"Hindi ko lang talaga mapigilan" sagot ni tita jinny

Ngayon pala ang libing ni mama! Ahh! naiyak na naman ako

Agad akong bumalik sa kwarto at naligo pagkatapos ay bumaba agad ako

"O andito na pala si suzzieth" sabi ni ate yna

"Suzzy" pagtawag sakin ni tito alan

Agad akong tumakbo papunta kay tito at niyakap ito ng mahigpit

Si tito alan ay malapit na kaibigan ni papa at mama noon kaya ipinangako nya kay papa na kahit ano man ang mangyari ay hinding hindi nya ako papabayaan

"Namiss kita" sabi ni tito sakin habang yakap ako kaya mas hinigpitan ko yung yakap

Kumawala ako sa yakap ni tito at tiningnan si mama sa casket

"Ma, bantayan mo ako ha? bantayan nyo ako ni papa! pakisabi na rin kay papa ba miss ko na sya at miss na din kita ma" sabi ko at agad akong naluha

"Dont cry na please" may bumulong sa tenga ko at yumakap sakin

Kaya agad akong lumingon kung sino at laking gulat ko na si kirk

Diba sabi ni tita na pupunta sila ng canada ngayon? bat andito sya? nasaan ba si kurt?

"Please?" sabi ulit sakin ni kirk

Kaya agad ko syang niyakap pabalik at yun humahagolhol ako sa iyak

"Hush" bulong sakin ni kirk

Agad akong kumawala sa kanyang yakap at umupo ng maayos

"Akala ko pupunta kayo ng canada?" tanong ko sa kanya

"Sabi ni daddy ay sya nalang daw kasi mas kailangan mo kami" sabi nya sabay turo nya kay kurt

Lumakad si kurt papunta samin

"Wag kanang umiyak" sabi ni kurt sakin

Ilang oras ang lumipas, tapos na ang misa at pumunta na kami sa sementeryo

Marami ang umiyak at kabilang na ako doon

Iyak lang ako ng iyak! Hindi ko kaya kung wala si mama pero wala e! huli na ang lahat!

Patuloy parin ako sa pag iyak hanggang umuwi na kami

"Suzzy" tawag sakin ni tito alan

"Yes po tito" sagot ko

"Are you okay? Are you feel better?" sunod sunod nyang tanong sakin

"Yes po" sabi ko sabay ngiti

"I know youre tired na! Go to your room and take some rest okay? Kami na ang bahala dito" sabi nya sakin habang hinihimas ang mga buhok ko

Agad ko itong sinunod at pumunta sa aking kwarto

Nang nakarating na ako ay aga akong humiga at umiyak

Kinuha ko yung mga album sa ilalim ng cabinet at binuksan

Nandito lahat ang memories namin ni mama simula pagkabata hanggang lumaki ako

Walang hinto ang mga luha ko habang isa isang kong binuksan ang mga album

BAKIT PA BA KASI ITO NANGYARI? ANO BA TALAGA ANG NANGYARI? BUENAVISTA?

Ayan ba talaga ang pumatay sayo mama? bakit? bakit ka nila pinatay? wala ka namang ginawa diba? bakit?

"Ipinapangako ko! GAGAWIN KO ANG LAHAT PARA MABIGYAN NG HUSTISYA ANG PAGKAMATAY MO MAMA  AT KAHIT BUHAY KO MAY KAPALIT"

To be continued.........
————————————
SORRY FOR THE LATE UPDATE BEMISS🙏 GOD BLESS AND KEEP SAFE BEMISS❤️

Taste Of BloodWhere stories live. Discover now