Chapter Five

14 1 2
                                    


Chapter 5: Asaran


"Umayos ka nga," naiinis na saad ko. Paano ba naman kase, nakahiga siya. Paano ko malilinisan sugat niya? 

Nag-angat siya ng tingin sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Sino ka para utusan ako?" 

Mm---! Konti na lang talaga at mababaltukan ko na ang isang 'to. Napakaarte! 

"Ako na 'tong  nagmamalasakit, ayaw pa?" Inirapan ko siya. "Tatayo ka o lulunurin kita gamit ang unan?" 

Natigilan siya dahil sa sinabi ko. Nagbuntong-hininga si Wolf at sumandal na sa headboard ng kama niya. Madali naman palang kausap, e! 

"Good dog," nakangising bulong ko. 

"What?" Sinamaan niya ako ng tingin. 

"Wala, ang sabi ko...umayos ka!" 

"Tsk, can you please minimize your voice? You irritate me." Reklamo niya. 

"Bahala ka. Teka, nasaan ba first aid kit mo?" Tanong ko. Tanging bookshelves lang kase nakikita ko, sofa at ang malaki niyang kama at ang kurtina. Sa tingin ko, tinatakpan no'n ang bintana niya. Siguro malawak 'yon? Hindi ko pa kase natitignan, at wala rin naman akong balak. 

"Sa ilalim ng kama," tipid na sagot niya. 

Yumuko ako para silipin doon ang first aid kit. At naroon nga! Dali-dali ko iyong kinuha at ipinatong sa higaan niya. 

Inilabas ko kaagad ang bulak, tapos sng alcohol na naroon. Pati na rin ang gasa.

Naglagay ako ng alcohol sa bulak, bago ko pa man maidampi iyon ay pinigilan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko. 

"What do you think you're doing?" 

Agad 'kong inalis ang tingin sa kamay niya at tinignan siya. "Gagamutin ka, ano pa ba? 'Di ba sabi mo, ako naman ang may kasalanan kung bakit ka nasugatan." Naiinis ako, bakit ba eengot-engot 'tong si Wolf? Akala ko ba matalino siya? Hay nako! 

"That's right. Are you gonna put that thing in my wound?" Tinignan niya 'yung bulak na may alcohol. Nang pagmasdan ko siya ay nakita ko ang paglunok niya. 

Takot ba siya? 

Ngayon pa lang ay pinipigilan ko ng huwag matawa. Baka sakmalin ako, e. 

Nakagat ko ang ibabang labi, "ano ba sa tingin mo? Malamang! Kaya nga gagamutin kita, e." 

Sumama ang tingin niya doon, pabato niyang binitawan ang braso ko. Nagcrossed arm si Wolf at nag-iwas ng tingin. "I don't like it." 

Pffft! Sabi na nga ba't takot siya, e! Ano ba 'yan, bading?! 

"Bakit, takot ka?" Sa loob-loob ko ay napapangisi na ako. 

Sino ba naman ang mag-aakala na sa likod ng seryoso niyang mukha e takot pala siya sa alcohol? Hahaha! 

"Who says?" tinignan niya ako at sinamaan ng tingin. "Shut up,"

"O, e bakit nga? Takot ka, 'no? Bading ka ba?" 

Matapos 'kong sabihin iyon ay nagulat ako ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Muntik na akong maout of balance sa inuupuan ko dahil sa ginawa niya. 

"I'm not." 

Pakiramdam ko, biglang nag-init ang paligid dahil sa lapit ng mukha niya sa akin. 

Bago pa man ako makapagsalita ay agad na siyang lumayo. Muli siyang sumandal sa headboard ng kama. 

"O...e, b-bakit t-takot k-ka?" 

Bakit ba ako nauutal! 

"Lahat ng lalaki, k-kaya 'to..." dagdag ko pa. 

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba ng lingunin niya ako. "Fine, put it here then." Iniangat niya ang braso. "Do whatever you want." 

"Sigurado k-ka?" Tinatanong ko siya, baka kase kapag nailagay ko na e bigla akong masapak. You know, lahat ng mga takot sa alcohol kapag naidadampi sa sugat nila e bigla-biglang nangangarate. Baka mapihado pa ako kapag ginawa sa akin ni Wolf iyon. 

"Tanga ka ba?" Iyon na naman ang naiinis na tono ng pananalita niya. Bwisit na bwisit na siguro siya dahil sa paulit-ulit na pagtatanong ko. 

"Hindi." Agad na sagot ko. "Fine! Ilalagay ko na sa sugat mo 'to, ha. 'Wag mo 'kong karate-hin!" 

Kinunutan niya lang ako ng noo dahil sa huling sinabi ko. 

Agad 'kong idinampi ang bulak sa sugat niya. Habang nililinis ko ay, hindi ko maiwasang tignan siya. Naroon na naman ang walang reaksyon niyang itsura. Akala ko ba, takot siya? Hindi naman pala. Nag-iinarte lang. 

Matapos ang ilang minutong paglilinis ay agad ko ng nilagyan ng benda ang sugat niya. 

"Ayan, okay na." Tinignan ko siya. Wala siyang reaksyon habang nakatingin sa kung saan. "Wala bang thank you?" nang-iinis na tanong ko. 

Tinignan niya ako, "why would i?" 

Bastos talaga. 

Hindi na ako umimik, inirapan ko na lang siya at agad na nilinis ang mga gamit na nagamit ko sa pag-gamot sa sugat niya. Muli 'kong ibinalik sa ilalim ang first aid kit. 

"Oo nga pala, kailan na ba ako makakauwi? Marami na akong namimiss na lesson." Sabi ko sa kaniya. "Baka bumagsak ako." 

Nakita ko ang pagngisi niya, "Edi balik ka." 

Medyo naguluhan ako sa sinabi niya. "Saan babalik? Sa amin?" 

"Hindi. Sa year mo."  

Ah, gano'n? 

"Isusumbong kita kapag nangyari iyon. Hah!" Sininghalan ko siya. 

"Why would i be involve?" 

"Dahil ikaw ang kumidnap sa akin!" 

"You're not a kid anymore." 

"Oh, edi teenagenap!" 

"Seriously?" nakakunot ang noo niya ng lingunin ako. "Saan mo nakukuha 'yang mga corny mong biro?" 

Nag make face lang ako sa sinabi niya. "Balak mo ba akong ampunin kaya ayaw mo akong pabalikin, ha?" 

"Ampunin my ass," inis na sabi niya.  

"Akala mo naman maputi ang pwet!" 

Gusto ko ng humagalpak ng tawa dahil biglang namula ang mukha niya. Dahil ba iyon sa inis or galit sa sinabi ko? 

"Can you please shut up? You talk nonsense." 

"At ikaw may sense?" pagbabalik na tanong ko. "Balak mo ba akong ampunin bilang gawing yaya, or kapatid mo? Tsk, i can't accept that. Ayokong maging yaya, at mas lalong ayokong maging kapatid mo ano!" 

"At ako, gusto?" 

Badtrip na talaga siya sa akin. 

"You'll go home soon, can't you understand that? So stop talking in front of me. We're not that close." 

"Arte, akala mo naman babae." 

"What?" 

"Wala, ang sabi ko magpahinga kana. Mamumuti 'yang buhok mo kapag nag pa high blood ka ng sobra." Bumuntong-hininga ako bago tumayo mula sa upuan. 

Hindi na nagsalita si Wolf. Agad itong nahiga at nagtalukbong ng kumot. 

"Arte, akala mo naman gagahasain. Duh..." bulong ko. 


●•●

TO BE CONTINUED! 

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT, THANKSCUTE!🥳❣ 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I LOVE YOU, WOLF (ON-GOING)Where stories live. Discover now