Kabanata Dos

0 0 0
                                        

" Hoy Zcsxeia gumising kana riyan at ayan  na si ma'am ano ba" she groan agghh sarap pa matulog e

"Gigising na madame Laika" inis na sabi nya sa kaibigan.

"Ayan kaya ayaw kong natutulog ka sa school e kasi ako na yung gigising para di ka mapagalitan ako pa may kasalanan kasi nabitin ka sa tulog leche ka talaga" hehe totoong naiinis sya pag ginigising sinimangutan nya nalang ito at nag handa na ng gamit para sa art class nila. Agad siyang napaligon sa magkabilang gilid nya tapos sa likod

"Sino hinahanap mo?" Agad syang napalingon sa harap ng makita ang isa nya pang kaibigan

"Sj, kala ko d ka papasok e mamimiss kasi kita" paglalambing nya rito
"Mamimiss mo o maiinis kasi d mo makikilala ang irereto ko ngayon?" Nagtawanan lang ang kaibigan nya sya naman napairap tapos sumabay na sa pag tawa sa dalawa

" Magdaldalan nalang ba kayo dyan girls kasi patapos na yung mga kaklase nyo sa pinapagawa ko" istriktang sabi ng kanilang guro, pinapadrawing kasi sila nito kasi may poster making rin nagaganapin sa susunod na linggo

"Sorry,miss" paumanhin nilang tatlo nagpatuloy nalang sila sa ginagawa at doon binigay lahat ng atensyon hindi naman yon mahirap sakanya dahil kahit papaano  ay marunong naman syang gumuhit.

Discuss!

Discuss!
Discuss!

Discuss!

Ting! ting!

Tunog iyon ng bell na nagpapahiwatig na lunch na nila.

"May bibilhin  kayo? May baon kasi ako" sabi nya

"Oo bibili lang ako ng tubig naiwan ko pala akin" Sj

"Osige samahaman kana namin, dalian mo at madami ng tao sa canteen" Laika

Nasa pampublikong paaralan sila nag-aaral at natural lang sakanila ang makipagsiksikan lalo na sa canteen kasi kakaunti lang ang tindera at d agad sila maeentertain nito kaya kung gusto mo maentertain agad paunahan.

"Oh ano na Sj yung reto mo"  agad na sabi nya nang makabalik sila galing canteen

"Leche talaga to oh d panga nakakakain yung tao. Tskk pakainin mo muna ako mukha kang reto e" inis na banggit ni Sj

Di nasya nagsalita at hinayaan nalang munang kumain ito ng lunch.

"Oh ano na?" Sabi nya matapos kumain at uminom ng tubig

"Atat lang Zcxseia ?" Laika

"Oo kasi wala na syang mairarason ngayon" irap nyan sabi sabay turo kay Sj

"Ahh wait gagawin ko muna yung homework nat--"

"Sj naman! Kaya nga homework kasi sa bahay yan ginagawa hindi sa paaralan. Ano ba naman yarn" naiinis na talaga sya

"Eto naman di mabiro!" Sabay tapik nito sa balikat nya at nagtawanan ang dalawa nyang kaibigan.

"Kasi naman e ano ano pa pinagsasa--"
"Oh eto na eto atat masyado e baka masaktan kalang" sabi ni Sj na sya naman ang pinutulan ng salita " kaso may problema Zcsxeia e"

"Ano?" Sabay nilang tanong ni Laika

"Go kaba sa LDR?"

"Aba oo naman" agad nyang sagot dito

"Ano kaba Sj di mo ba kilala si Zcsxeia e wala payang nagiging nobyo na taga rito sa lugar naten" sabi ni Laika

Totoo ang saad nito lahat ng naging boyfriend nya sa Facebook lang sa kadahilanagng siya lamang ang nakakaalam 

"Oo nga pala, bakit nga ba Zcsxeia?" Mapanuring tanon nito sakanya

"Ha! Basta daming satsat bigay agad pangalan tss" pag iiba nya sa usapan. Mananatiling lihim para sakanya lang ang sikretong iyon

"Heto na po ibibigay na mahal na reyna, nagtatanong lang naman po" pag-aarte nito

"Sinabi ko bang magtanong ka? Kawal kalang Reyna ako, wala kang karapatan" pagsasabay nya sa arte nito

"Leche ka at isa akong magandang kawal pagnagkataon. Search mo Kent Alexus Seno" that name makes her heart beats rapidly.

falling for strangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon