Prologue

22 3 1
                                    


This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This is my first story in Wattpad, I hope y'all would support me until the end of this story.

I am working hard for past updates so I can write another book for all the readers. This is completely a product of my entire imagination. Please vote and comment. Thanks.

Hindi ko inasahan na sa iyong pagdating, ang pusong 'di na nagawang tumibok ay tumibok muli.

"Tug..dug...tug..dug.. "

Puso'y naging masigla ulit, saya ay nakamit. Ngunit sa'n pa ba ito hahantong kundi sa susunod na sakit, sakit na 'di mo naasahang makakamtam mo ulit.

Ilang taon din bago ito nakahanap ng mamahalin ulit. Sa isang iglap, 'di mo inaasahang dumating na muli. Isang taong bibihag sayong kaluluwa, makakapagpabalik sa iyong tawa, pupunasan ang mga luha, at papawiin ang mga pighati't kaba.

Ngunit bakit ngayon ka pa dumating?
Bakit sa panahong ito pa tayo nagkita?
Bakit hindi na lang noon, oh sa susunod pa na henerasyon?
Bakit kailangang ngayon?

'Di ako nakapaghanda!
Masiyado kang aligaga.
Sa pagdating mo'y tuwa nga ba ang dala? o isa na namang bangungot sa buhay kong mapayapa.

Ako nga pala si Khiana Jane, just call me, 'khi' for short.

Isa akong matalinong tao, may prinsipyo, may pananalig sa Diyos, at siyempre, may pangarap sa buhay, ngunit iisa lang ang kahinaan ko, ang magmahal ng totoo at madurog ng buo.

Maraming pagkakataon na, na ako'y nasaktan at muling ibabangon ang sarili at paglipas ng panahon ay sasaktan ulit.

Maging basehan sana itong istoryang ito, sa buhay niyo. Hindi maganda ang ma attach ka sa isang bagay o tao, dahil kung darating ang panahon na magtatapos lahat, dudurugin ka nito.

Dinurog na para bang bato, didikdikin, at pupulbusin, hanggang sa wala ng matirang tatag sa sarili mo. Wasak na wasak, parang dinaanan ng bagyo, ang puso'y sa'n na naman kukuha ng lakas sa pagbangon ulit nito.

"Anak", sabi ni mama.
"Bakit po inay?" sambit ko naman.
"Bumili ka nga ng asin do'n sa tindahan, may lulutuin lang ako", utos niya.
"Opo, inay", pagsunod ko.

Sa aking paglalakad ay nakikita ko kung gaano na nagbago ang aming lugar, mula noong hindi pa nagkakalapit ang mga bahay, ay siya namang ipinag dikit dikit ngayon. Sa aking labin-siyam na pamamalagi sa Punta Verde, may mga masasaya at malulungkot na pangyayaring huhulma sa lugar na ito.

Sa hindi inaasahan nakarating na ako sa tindahan.

"Ate, pabili po ng asin", sabi ko.
"Aba'y khi, nabalitaan mo ba kung totoong nandito na si Jerome sa bayan ng Punta Verde?" bigla bigla nagtiim ang bagang ko.
"Hoh? Akala ko ba ay nag-aaral pa 'yun sa states?", Gulat kong sabi.
"Aba'y bali-balita na baka binalikan ka daw dito", dagdag pa niya, na ikinalaki ng mata ko.
"Hindi naman hoh, siguro baka may girlfriend na din po 'yun." Pag-iiba ko sa usapan.
"Ito po ang bayad, ate, alis na po ako".

Binilisan ko ang aking lakad at tumutulo ang pawis sa aking ulo. Bakit siya bumalik dito?
Ano na naman bang sadya niya?

Nakarating ako sa bahay na tulala at pawis na pawis.

"Inay, nandito na po ang asin na ipinabili niyo", tawag ko kay inay.
Nilagay ko sa lamesa ang asin at mabilisang pumunta sa aking kwarto. Walang pasok ngayon at kakatapos lang ng school year, baka kaya siya umuwi.

Bumabalik ang poot at galit ko sa aking puso. Siya na naman ba? Magmumulto na naman ba ang nakaraan. Hindi ko to inaasahan.

Sa bigat ng aking ulo kakaisip ay napagpasyahan kong pumunta sa baywalk. Baka kakalmahin nito ang bugso ng aking damdamin.

"Nay, punta muna akong baywalk", pagpapaalam ko.

"Anak, okay kalang ba? Nabalitaan ko kay Aling Nena, na nandito daw 'yung ex-boyfriend mo.", bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Naku! Nay! matagal na po 'yun at naka move-on na 'yun.", pagpapanatag ko sa loob niya.

"Okay lang po ako Inay, punta muna ako Inay. ", dali-daling nagtawag ako ng tricycle at pumunta ng baywalk.

Sa hapong iyon ay napakaganda ng langit, parang tinatawag na ako nito. Sa kulay ng araw ay papalubog na ito. Nakaupo ako ngayon sa isang bench, sa tapat mismo ng dagat. Hinahampas ng malalakas na hangin aking buhok at unti-unti naiisip ko kung bakit pa ako nabuhay sa mundong ito? Joke, naiisip kong bakit pa siya bumalik? Unti-unting tumulo ang aking luha. Bakit ayaw mo kong tantanan? Isa ka lang multo na dapat ng ibinaon sa limot, pero bakit patuloy mo paring ginugulo buhay ko.

"Miss, okay kalang? Panyo oh, punasan mo luha mo.", lumingon ako at nakita ko siya, pamilyar na lalaki, matipuno at maangas ang dating. Ilang minuto kong tinitigan ang kanyang mukha.

"Ahh, miss, magtitigan nalang ba tayo dito?", banat nito.

"Ahh, sorry po, okay lang po ako.", dali-dali akong tumayo at naglakad sa baywalk. Kainis bakit ako naiyak?

Lord, I must be insane.

"Miss sa'n ba ang sa inyo? Gabi na, baka mapano ka sa daan!", lumingon ako at nandoon parin siya sa bench, dali-dali niyang kinuha ang motor niya at ipinarada sa harap ko.

"Sorry, I don't trust strangers.", malumanay kong tugon.

"Mas lalo na ako, ang sakin lang naman ay delikado sa lugar na to, t'wing gabi.", sambit nito.

"Sorry, mag ta-tricycle nalang po ako", Saad ko.

"Bahala ka nga sa buhay mo, nagmamagandang loob na nga ako, eh.", bigla nitong pinaharurot ang motor niya sa harap ko.

"Walang modo." Nasambit ko na lang.

Bigla bigla tumunog ang cellphone ko at may tumatawag na unregistered number.

"Hello, sino to?" Sabi ko sa kabilang linya.
"Hai, khiana, miss me?", Unti-unti nanghihina ang tuhod ko at naihulog ko ang phone ko.

Where Destiny LeadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon