Dali-dali kong pinulot ang phone ko, laking gulat ko ng makitang nag crack ang screen nito at hindi na ma on.
Pa'no ako makakauwi nito? Gabi na at madilim sa lugar na ito. Sana sumama nalang ako d'on sa lalaking 'yun.
Nagsimula akong maglakad para makahanap ng tricycle ngunit sampung minuto ang lumipas ay wala pa akong nahanap. Pa'no to? Walang tao sa lugar at madilim kaya sobra sobra ang kabog sa aking dibdib. Walang hiyang, Jerome, na iyon, pinahamak pa ako.
Prrrttt. Prttt..
Laking gulat ko nang may bumusina sa harap ko. Isang mercedez benz, tumigil ito sa harap ko, at alam ko na kung sino ang lalabas."Hi!", isang ngiti ang iginawad niya sa akin.
"Long time no see, miss me?" tanong niya ngunit hindi ako sumagot. Tinalikuran ko nalang siya at nagsimulang maglakad.
"Hoy! Nag-uusap pa tayo!", Sigaw nito pero 'di ko na siya nilingon. Kapal talaga ng apog ng taong 'yun. Narinig kong pinaandar ng driver niya ang sasakyan at huminto na naman sa harap ko. Dali-dali niyang dinaklot ang kamay ko at pinaharap sa kanya."Matuto kang makinig, kapag nag-uusap pa tayo." Sambit nito ngunit tinitigan ko lamang siya.
"Hatid na kita sa inyo, delikado dito.", Pang iinvita nito.
"No." Dali-dali kong inagaw ang kamay ko at naglakad na ng may motor na papalapit sa akin."'Wag mong hawakan, girlfriend ko!" Sigaw niya kay Jerome. Nakita ko kung gaano nanlumo ang mukha niya at parang naiiyak.
Dali-daling kinuha ako ng lalaki at pinasakay sa motor niya."Sabi ko sa'yo, delikado ka dito ehh". Sabi nito. "Kumapit ka ng maigi baka mahulog ka.", Pinaharurot niya ang motor niya at naiwan si Jerome sa baywalk.
"Sa'n ba ang sa inyo? Ihahatid na kita.", Tanong nito.
"Sa Poblacion, ihatid mo ko sa Poblacion.", sambit ko.
"Masusunod", 'yun na lang ang huli niyang sinabi at tinahak na ang daan patungo sa Poblacion. Lumipas ang trenta minutos at nakarating na kami sa Poblacion.
"Dito mo na ako ibaba", sambit ko at tumigil naman siya.
"I don't know how to say this pero nakita ko na parang nag-aaway kayo ng lalaki kanina kaya sinabi Kong girlfriend Kita at...", Hindi ko na siya pinatapos at nagsalita na. "Salamat", 'yun lang ang sinambit ko at tinahak na ang daan patungo sa bahay namin.Alam kong rude 'yun pero I don't want to invest any interest on that man. Mas lalo na sa ngayon, ayokong masaktan na naman ulit. Ayokong maulit ang mga pangyayaring sobrang wasak na wasak ako. Ayoko ng umiyak na parang wala ng bukas. In short, ayoko nang masaktan.
Nakarating ako sa bahay at nandoon na si tatay.
"Sa'n ka galing nak?" Tanong niya.
"Sa baywalk po, Tay, kumusta po sa farm?" tanong ko naman."Okay lang, hehehhe, nakaka kuta parin naman. Tsaka si Mang Berting, nag aangkat na naman ng saging sa Farm natin kaya nakakaluwag tayo ngayon", masayang paliwananag ni itay.
"Mabuti naman po, tay, naghapunan na po ba kayo ni inay at Michelle?". tanong ko.
"Ay, naku! 'yung kapatid mo, lagi na lang nag ce-cellphone sa kwarto niya." sambit nito."Tatawagin ko na po!", Tinahak ko ang daan patungo sa kwarto niya at kumatok.
"Michelle, kain na daw." Tatalikod na sana ako kaso biglang bumukas ang pinto.
"Ate, I have a news, Jerome posted this on Facebook saying He will kill the man you love." Gulat kong tiningnan ang cellphone niya.Jerome Dela Fuentes:
Kung sino ka mang boyfriend ni Kyrille, papatayin kita."Ate, you have to tell me, who's your boyfriend ba?" usisa nito.
"Wala akong boyfriend, tsaka wag mo na lang pansinin 'yang si Jerome. Let him do what he wants, let's eat.", tinahak namin ang daan papunta sa dining at kumain kami ng sabay.
BINABASA MO ANG
Where Destiny Leads
General FictionSiya si Khiana Jane Coronadal, kutang-kuta na sa sakit dulot ng mga naudlot na pag-iibigan. Tunghayan natin kung saan siya dadalhin ng kanyang tadhana, sa tamang tao ba o sa susunod na taong dudurog na naman sa puso niya.