Nats' PoV
Paglabas ko ng banyo walang Gab na naghihintay. Hay. Bakit ko kasi ginawa yun? Of all people dapat siya yung isa sa mga taong pinahalagahan ko pero hindi ko nagawa.
Huminga ako ng malalim bago bumalik sa kama. Tanggapin ko na lang siguro naging desisyon niya.
I laid down in bed pero hindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin yung mga pagkakamali ko simula nung mawala si Je. Andami kong nasaktan, lalong lalo na si Gab.
Hindi ko namalayan may pumatak na palang luha sa mata ko. Pinunasan ko din agad yon. Wala akong karapatang umiyak dahil ako ang may kasalanan.
"Nako salamat talaga iho ha? Sobrang laking tulong mo talaga samen"
"Wala po yun"
Shocked as I was napabangon ako sa narinig kong boses only to confirm
"G-gab..."
The moment he looked at me, he smiled. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa ngiti niya. Pero hindi ako makapagsalita ng maayos.
"Anak ha? Sunod tayo sa doktor wag nang pasaway dalawang buwan na lang"
"O-opo ma"
"Ako na po bahala dyan tita" kinuha ni Gab yung mga gamit na dala ni mama at nilagay sa sofa dito sa kwarto.
"Kumain na po kayo?" Tanong niya kay mama
"Hindi pa nga ehh, kayo ba?"
"Ahh sige po bibili na lang ako sa labas"
"Nako di na! Ako na! Dito ka na lang ha?"
"Po? Sure ka tita?"
Tumingin saken si mama as if signaling me to do something
"Kausapin mo!" She mouthed
"Oh siya siya dyan muna kayong dalawa ha? Balik din ako agad"
"M-ma teka!"
"Bibili na lang kita dessert!" Sigaw ni mama paglabas ng kwarto. I just looked down, ano pang sasabihin ko ehh hindi na nga ako makapagsalita kanina pa?! Mamaaaaa
"How are you feeling?"
"A-ahh ano okay naman"
"Tumawag saken mama mo saying she was outside kaya lumabas ako para sunduin siya"
"Akala ko..."
"Akala mo?"
"Akala ko umalis ka na..."
"Do you want me to?"
"No! I-I mean... c-choice mo naman yun di ba? Di naman kita masisisi kung mapagod ka na"
Nagulat na lang ako nang tapikin niya yung ulo ko.
"Stop thinking too much. Magpahinga ka na"
"Galit ka pa ba?"
"Not really. Napagod, oo pero nagalit? Di ko naman kayang magalit sayo"
"Gab..."
"I'm choosing to stay not just because I promised Jerome to take care of you, I will stay because I love you"
"Lahat ng sinabi mo kanina, sapat na yun saken. You don't have to love me back. Just let me be around you. Let's start anew okay?"
"O-okay"
BINABASA MO ANG
Stealing You
FanfictionI... love her, but she's my best friend's wife. Fcked up right? Am I selfish if I want her still? Should I ignore the bro code? Or just fight for her to be mine?