Prolouge

28 3 0
                                    


Zyver POV

"tara sa ilog Zy" wika ng pinsan kong si Christian.

"sama ka Zy?" wika naman ng pinsan ko ring si ashley

"sige sama ako" papunta kami ngayon sa tabing ilog para maligo. Hindi naman Madumi ang ilog namin dahil pinapangalagaan namin yon.

Alas dos na ng madaling araw kaya madilim ang paligid. Wala si inay at itay kaya nakakalabas pa ko ng gantong oras. Dahil kung nandito sila malamang ay nasa bahay na ko ngayon at nakatitig lamang sa kawalan.

"ate! Shama ako sa inyo!" wika ng kapatid kong si Xyrus. Apat na taon palang ang kapatid ko kaya bulol pa sya.

"gabing-gabi na xy, hindi ka pwedeng sumama't baka mapahamak ka pa" siguradong malalagot ako kapag nalaman nila mama na isinama ko sya ng dis oras ng gabi.

"Shige na ate, pramish good boy ako" napaisip tuloy ako. Kapag iniwan ko ang kapatid ko ng mag-isa baka mapahamak din sya. At saka hindi naman malalaman nila inay na pinalabas ko sya ng madaling araw.

"sige na nga, pero hindi ka maliligo!" sinama ko sya samin papuntang ilog.
Malamig ang simoy ng hangin. Pero napakasarap non.

Lumusong ako sa tubig na napakalamig rin. Sumisid ako hanggang sa maramdaman na nawawalan na ako ng hininga kaya agad agad akong umahon.

Tumambad saakin ang pinsan kong sila Christian at Ashley na naliligo na rin sa ilog.  Habang ang kapatid ko naman ay nakangiting nanonood saamin.

Hindi ko na kaya ang lamig kaya napagpasyahan ko nang umahon. Umahon ako mula sa ilog at kinuha ang tuwalyang dala ko nang makarinig ako ng isang putok.

Nagkatinginan kami ng mga pinsan ko kaya pumunta kami sa direksyon kung saan nanggaling ang putok ng baril. Tumambad saamin ang isang grupo ng mga lalaki. Nakatago kami ngayon sa isang sasakyan.

Kung bibilangan mga nasa labingpitong mga lalaki ito. Lahat sila nakasuot ng itim na jacket. Nakakatakot ang presensya nila. lalo akong natakot ng makitang naglabas ng baril ang isa sa kanila at binaril ang babaeng nasa harapan nila.

Tumingin ako kay Ashley, at halata ang gulat sa mata nito. Muli kong ibinalik ang tingin sa mga lalaki.

Itinapon nila ang walang buhay na babae sa ilog. Ngunit hindi pa sila nakuntento at binaril pa nila ang nakalutang na katawan ng babae sa ilog.

"ate arong meron bakit ang ingay-ingay" Sambit ng kapatid ko ngunit bahagya itong mapalakas dahilan para mapatingin sa gawi namin ang mga lalaki.


Lagot na.




"takbo!" sigaw ko at kaya tumakbo narin ang nga pinsan ko. Naguguluhan man ang kapatid ko ay tumakbo nalang din sya.

Pinaputukan kami ng mga lalaki kaya nakahawak ako sa tenga ko. At sandaling napapikit. Ngunit pag dilat ko hindi ko na nakita ang kapatid ko.

Tsaka ko napagtanto na ako ang nangunguna sa pagtakbo namin. Samantalang ang kapatid ko naman ay nasa hulihan. Tumigil ang naririnig kong pagputok dahil hinahabol nalang nila kami.

Hindi ako nagdalawang isip na bumalik para balikan ko ang kapatid ko. Pinauna ko na ang mga pinsan ko at pumunta sa kapatid ko. Hingal na ginga na ito kaya bumagal ang pagtakbo nito.

Lumingon ako sa likod ko at hindi na nakita ang mga pinsan ko. Siguradong nakapagtago na sila.

Diyos ko tulungan nyo po kami

Binuhat ko ang kapatid ko at tumakbo. Nagtago kami sa gilid dahil malapit nalamang sila.

"Asan na yung nga batang yon?!" Sambit ng isa sa kanila

Dark PastWhere stories live. Discover now