01

3 1 0
                                    


Zyver POV

"So what's your answer to my offer huh?" tanong nya saakin "Well, by the way I am Drev Vrenge" ngumiti sya saakin. Buti at naisip nyang magpakilala tss.

"I-ill accept the offer" for my family

"good then" tinawag nya ang isa sa tauhan nya at inutusang paliguan ang kapatid ko.

"Zy and... What's your name young man?" tanong nya sa katabi ko

"I am Haile..... Haile Schiltz" pagpapakilala ng katabi ko. So his name is Haile huh. Not bad.

Nang tignan ko si Sr. Drev hindi ko alam pero parang nagulat sya nang kaunti pero ngumiti naman sya maya-maya

"It's nice to meet the both of you Zyver and Haile" ngmiti sya saamin

"From now on, zyver will be my daughter while you" tinitigan nya ng maigi si Haile tsaka nagsalita "you'll pretend that we don't meet" huh? pero bakit?

"pero baki-" napatigil ako dahil pinutol nya na ang sasabihin ko " No more questions, sundin nyo lang lahat ng iuutos ko" napatingin ako kay Haile na naka yuko lang

"Ipapadala ko kayo sa Amerika at doon kayo mag-aaral, habang kayo ay nag-aaral ay sasailalim kayo sa training, may lugar kami roon kung saan tinitrain ang mga batang ihahanda namin, pero ipapadala ko kayo roon hindi dahil hinahanda namin kayo sa misyon kundi para sa kaligtasan nyo" saan ihahanda? Hayaan mo na nga hindi naman daw kami ipapadala para doon.

Pero. Ano?! Sa Amerika? Hindi bat napakalayo non? Ibig sabihin malalayong talaga ako sa pamilya ko? Paano ang kapatid ko? Ilang taon palakang sya! Ayokong malimutan nya ang totoong pamilya namin!

"para sa pamilya nyo ito, kayo ang proprotekta sa kanila kaya mag-aaral kayo kung paano lumaban para hindi nalagay sa silanganin ang buhay nila" sabi nya kaya hindi na ako tumutol pa

"pano yan eh wala naman akong pamilya pwede na ba akong umuwi?" sabi ni Haile. Ibig-sabihin ulila na sya?!

"Mag-aaral ka pa ring lumaban, at sasama ka sa kanila oras na ipadala ko kayo sa Amerika" walang emosyong sabi Sr. Drev

"wala naman akong proprotektahan kaya aalis na ako! Palabasin nyo na ako!" sigaw ni Haile

"Hindi pwede, dito ka lang at kahit ano pang sabihin mo hindi magbabago ang desisyon ko, at oras na magbalak kang tumakas....." tinignan nya si Haile ng masama. Nagulat naman ako dahil napunta saakin ang tingin nya.

"Ano?!" sigaw sa kanya ni Haile "I'll kill you and you and that kid" bigla ay parang nabuhusan ako ng malamig na tubig. AKO?! AT ANG KAPATID KO?! PAPATAYIN NYA?! THERE'S NO WAY I'LL LET HIM DO THAT!!

Napatingin ako kay Haile na naka yuko nalang ngayon. Buti at di na sya magsalita pa. Babantayan ko talaga sya dahil ayoko pang mamatay ang kapatid ko at ako! Kahit pa sinabi nya na hindi sya pumapatay alam kong kaya nya yung gawin. Kung hindi man sya gumawa malamang ay ipagawa nya sa tauhan nya!

"pumunta na kayo sa kwarto nyo, at magpahinga naroon na ang kapatid mo" saan nya habang nakatingin sa akin "dahil bukas na bukas ay ipapadala ko na kayo sa Amerika" saad nya tsaka umalis sa harapan namin. bukas?! Agad-agad?

Dumating ang isang lalaki at sinenyasan kaming sumunod sa kanya. Bawat sulok ng nilalakaran namin ay may mga nagbabantay. Tinignan ko ang isa at nakita na may hawak itong baril. Napatingin sya saakin at nagtama ang aming paningin. Nakaramdam ako ng takot kaya nag iwas agad ako ng tingin.

Dinala nya kami sa isang napakalaking kwarto. May dalawang napakalaking kama. At isang tv sa harapan. May kabinet sa gilid at isang lamesa. Sa isang sulok naman ay makikita ang CR. Umalis ang lalaki at naiwan kami rito.

Lumabas ang kapatid ko mula sa CR nang naka-ayos. Lumabas din ang isang babae na naglalaro at nag ayos ata sa aking kapatid. Lumabas na rin ito at napuno ng katahimikan ang kwarto.

Tinignan ko si Haile pero nakatulala lamang sya. Gusto ko sana syang kausapin at tanungin kung ano nang plano nya pero mukang wala naman sya sa sarili nya.

Gusto ko nang lumabas at umuwi sa bahay kasama ang kapatid ko pero bawat sulok ng kung ano man tong kinatatayuan ko ay may mga bantay. Ayokong sumugal lalo't hindibko alam kung ano ang nga susunod na mangyayari.

Hindi man ako sigurado pero isa lang ang alam ko. Kahit may duda at kahit nagdadalawang isip. Kaylangan kong pagkatiwalaan si Sr. Drev. Nangangamba ako kung dapat ko nang paniwalaan ang mga sinasabi nya pero kailangan ko itong gawin. Para sa kaligtasan ng aking kapatid at ng aking sarili.

Dalawang oras na ang nakalipas at pinagmamasdan ko nalang ang kapatid kong Maimbung na natutulog. Hindi ako makatulog dahil manila ako sa mga pangyayari. Sinong mag-aakalang nais mo lamang magpunta sa ilog at maligo ngunit sa isang iglap nalagay ka sa panganib.

"anong plano mo?" rinig kong boses mula sa kabilang kama. "hindi natin alam kung ano ang binabalak ng lalaking iyon" dagdag ni Haile

"hindi ko rin alam, gusto kong umuwi sa amin kasama ang kapatid ko pero napakaraming bantay sa labas. Ayokong ipahamak ang kapatid ko nang dahil lamang sa padalos dalos kong desisyon"
Saad ko.

"wala na nga siguro tayong takas. Kanina habang tulak ka sa kapatid mo hindi mo ata namalayang lumabas ako" saan nya kaya nagulat ako

"tinangka mong tumakas?! Paano kung nahuli ka?! Pano kung patayin ka?! At pati kami patayin rin?! Hindi mo ba-" napahinto ako dahil bigla syang tumawa

"Chill ka lang nanghingi lang naman ako ng kape buti nalang mabait yung kasambahay sa baba at binigyan ako" saad nya at bumuntong hininga. "Hindi ako tatakas dahil ayaw kong mamatay. Pero dahil ayokong mamatay kayo" tinitignan nya ako.

"alam kong pwede nyang tuparin ang sinasabi nya. Dahil kilala ko sya. Matagal ko na syang minamanmanan dahil sya ang huli kong nakita nang mamatay ang aking ama at ina. Binaril ang mga magulang ko. Hindi ko nakita kung sino ang bumaril. Pero pagkatapos kong makitang mga magulang kong nakahandusay, nakita ko sya sa malayo. Nakatitig saakin. Simula noon ay sinusundan ko na sya palagi pero wala akong impormasyon na nakukuha tungkol sa kanya" ibig-sabihin pinagbibintangan nya na si Sr. Feel ang pumatay sa nanay at tatay nya?!

"Hindi ko alam kung may kinalaman ba sya sa pagkamatay ng mga magulang ko pero, alam kong may alam sya. Pero nung makaharap ko sya kanina, parang natakot ako, may ibang pakiramdam ako sa kanya. Kaya nung sabihin nyang papatayin nya kayo kapag nagtangka akong tumakas, natakot ako dahil baka gawin nya nga iyon. Ayokong madamay kayo dahil saakin" saan nya habang nakatingin saakin. Bigla ay parang gusto ko syang yakapin dahil nalaman kong nag aalala sya saamin.

"sa ngayon sumunod malamang tayo sa gusto nya, alam kong hindi madali, dahil may pamilya ka at ayaw mong mawalay sa kanila. Pero kaylangan para sayo, sa kapatid mo, at para sa pamilya mo" saan nya habang nakatingin pa rin saakin.

"lagi lang akong nakasuporta at nasa likod mo. Magtutulungan tayo..... Tutulungan ko kayo" hindi ko na napigilan na pumunta at yumakap sa kanya. Nakita kong nagulat pa sya. Nag alinlangan syang yakapin ako pabalik pero yinakap nya rin ako.

Bigla ay nawala ang takot sa puso at isip ko dahil alam kong. May kasama akong lumaban.









You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dark PastWhere stories live. Discover now