Isang kanta aking napakinggan
Nagbalik saakin ang nakaraan
Nakaraang gusto ko ng limutin
Nakaraang di na muli mauulit
Naalala ko gaano tayo kasayang dalawa
Masaya na parang walang problema
Kontento na sa kung ano man ang meron tayo
Kontento na sa kung ano man tayo
Maayos ang lahat saatin
Hanggang sa nasaktan kita
Hindi ko alam na masasaktan kita
Hindi ko nakitang magagawa ko yun sayo
Lahat ng saya, lahat ng pinagsamahan natin
Sinayang ko, para bang nagtapon ako ng basura
Ni hindi man lang ako nag-isip ng mabuti basta binigkas
Binigkas ang mga salitang tatapos sa lahat, Salitang tatapos saatin
Ang saya ay napalitan ng lungkot at sakit
Ang dating tayo ay biglang naging kayo at kami
Ang dating hindi mapaghiwalay ay kusa ng naghihiwalay
Lungkot, Sakit at pagsisisi aking nadama
Lalo na ng makita kong
Makita kong masaya kana sakanya
Sakanya na hindi mo pansin noon
Sakanya na wala kang mabigay na atensyon noon
Ang dating ako, ay siya na ngayon
Ang dating tayo ay kayo na ngayon
Ang ating mga dating gawi
Ay napalitan na ng mga bagong gawi
Mga ngiti mo noon na para saakin
Para sakanya na ngayon
Mga tawa at kwento mong nakakatawa
Ay sya ng napapatawa ngayon
Mahal masaya akong makita ka
Makita kang masaya
Kahit pa sya ang dahilan at hindi ako
Ipagpatuloy mo lang ang lahat
Masaya akong nakatanaw sainyong dalawa
Masaya akong makita kayong masaya at kontento sa isa't-isa
Mga ngiting alam mong totoo
Pagmamahalan nyong naguumapaw
Mahal, Mahal, Mahal
Mahal pa rin pala kita
Hindi namalayang pumapatak na ang aking luha
Habang nakatingin sainyong dalawa na masaya sa isa't-isa
BINABASA MO ANG
Saudade
PoetryIto ang aking koleksyon ng mga tula na aking sinulat noon. Mga tula na naglalarawan saaking damdamin.