Umaga, Tanghali, Gabi
Kitang nakikita, nasisilayan
Maaraw o , malamig man ang panahon
Araw, Buwan o Taon man ang lumipas nandyan ka pa rin
Nakikita pa rin kita
Dahil para kang ulap sa kalangitan
Na laging nandyan, hindi nawawala
Para kang ulap na kay gandang pagmasdan
Ulap na magaan para ikaw maagan lang kasama
Hindi matatakot na ilabas ang totoong ako
Dahil mas gusto mo sa totoo sayo
Para kang ulap na kay gandang pagmasdan
Pagmasdan lalo na kapag nalulumbay
Sa mga sandaling nawawalan ng tiwala sa sarili
Ikaw ang unang titignan upang magkaroon ng lakas
Ng lakas upang lumaban muli
Ulap, Ulap, Ulap
Ikaw ang panimula ng aking araw
At ikaw din ang panapos ng aking araw
Ngunit gaya ng araw, natapos din tayo
Ulap,Ulap,Ulap
Para kang ulap
Hindi na kita maabot
Nakokontento nalang ako sa pagtanaw sayo
Hihiling nalang sa langit
Kahit ilang minuto lang
Na maabot kang muli at makausap
Ulap,Ulap,Ulap
BINABASA MO ANG
Saudade
PoetryIto ang aking koleksyon ng mga tula na aking sinulat noon. Mga tula na naglalarawan saaking damdamin.