Ika- labing Anim na Kwento

1.3K 34 0
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~HERA~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

habang tinatahak namin ang daan pabalik sa lugar kung nasan ang aming guro,

pakiramdam ko ba para akong naglalakad sa ulap, ang gaan kasi ng pakiramdam ko lalo na at katabi kong naglalakad si Dax, kami lang dalawa ni Dax hehehee

paminsan-minsan pasimple akong tumitingin sa kanya, kaso nman ang serious serious naman ng mukha niya at ang busy lang ng mga mata niyang para bang laging nakaalerto lagi...

napapangiti na nman ako, kahit na mejo natatakot ako sa kung anong parusa na nman ang naghihintay sa akin dahil sa ginawa kong pag alis ng walang pakundangan..

hamo na...kasalanan ko nman eh, kaya dapat kong tanggapin kung ano't ano man yun magiging parusa sa akin ni guro heheheh

pakiramdam ko hindi ako nakakaramdam ng kahit kaunting pagod, nakasukbit na sa balikat ko ngayon ang palasong binigay sa akin ni guro...

tumigil akong bigla sa paglalakad, kaya napatingin sa akin si Dax at huminto din siya sa paglalakad..

tiningnan ko siya, wala lang may kung anong insekto lang ang biglang pumasok sa utak ko kaya ako huminto sa paglalakad

" Bakit ka huminto? "  may pagtatakang tanong sa akin ni Dax, huminto rin siya ng paglalakad

" Wala lang! naisip ko lang yung kanina "  sagot ko sa kanya

gusto ko lang nman kumpirmahin yung kanina,...yung tungkol sa tibok ng puso niyang narinig ko habang nakayakap siya sa akin,

" Anong kanina? " tanong na nman niya sa akin

tumingin ako sa kanya, umiwas siya ng tingin sa akin na para bang may iniiwasan siyang makita o mabasa ako sa mga mata niya

napangiti na nman ako....alam ko na ang sagot pero mas gusto kong marinig mula sa kanya mismo

" Dax, pwede ko bang malaman ang--- yung ano, kasi kanina kwan eh --- "  may pagdadalawang isip pa sa pagtatanong ko kaya di ko agad mabuo ang sasabihin ko

 kanda buhol na ang dila ko na ewan,

paano kung hindi, paano kung mali lang ako ng akala ?? napayuko ako at bigla ng naglaho yung lakas ng loob ko kanina bago ko siya tanungin..

ano ba kasing kalookohan ang pumasok sa kokote ko? ba't ba kasi naumpisahan ko pang itanong yun?

" Ano ?! "  naiinis na ang tono ng pagtatanong niya sa akin

" Ah wala, heheh kalimutan mo lang yun " sabay tingin ulit ako sa dereksyon ng daan

tapos nagsimula na ulit akong humakbang para ituloy ang paglalakad, pero siya di pa rin kumilos nakatingin lang siya sa akin

mga ilang hakbang na ang layo ko sa kanya....

" haieeee! ano ba kasing kalokohan ang pinagsasabi mo Hera! " sabi ko sa sarili ko

itinaas ko yung isang kamay ko para sana pektusan ang ulo dahil sa mga sinabi ko na yun kay Dax,

kaso bago ko pa magawang pektusan ang ulo ko, may kamay ng nakahawak dun!

at mejo pahatak niyang hinila ang kamay ko..

Ang Fire Phoenix at si Ako!~completed~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon