~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~HERA~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
inako ni Nero lahat ng ginagawa ko.....dahil nga nakabalot parin ng gasa ang isang kamay ko na nauno ng paltos
hehehehe si Dax ang nagbalot at gumamot ng kamay ko ayiiiii!!!yun yon eh!
" Nero, ok na nman ako eh, kaya ko na yan " suway ko sa kanya
" ano bang kaya sinasabi mo jan, eh kung maimpeksyon yan? " nguso niya sa kamay ko
si Dax nman walang kibo lang na tumutulong din nman sa pagaayos ng ibang gawain...titingin tingin lang ito sa amin ni Nero
napatingin nman ako sa nakasarado pa ring tolda ng tent ni Apong Simon
" ok lang kaya siya? may sakit kaya siya? bakit di pa siya lumalabas mula pa kahapon? "
mahina at sunod sunod kong tanong sa sarili ko
" uu nga! ano kayang ginagawa ni guro sa loob ng kubol niya no?? " sabat nman ni Nero
" wag niyong pakialaman ang ginagawa ng guro! ang asikasuhin niyo yang trabaho nyo! "
masungit na suway sa amin ni DAx
" pare! ano bang problema mo ha! " angil ni Nero kay Dax
tiningnan lang siya ni Dax at itininuloy lang nito ang ginagawa niyang pagsasalansan ng mga kahoy na gagamitin naming pang gatong at pang vonfire ulit...
parang hangin lang na nagdaan sa tenga niya ang sinabi ni Nero
" uy, Nero...."
malambing kong tawag kay Nero na halatang napipikon na sa pinapakitang kagaspangan at kasungitan ni Dax
" putsa! nakakapikon na eh! nakakalalake na! " pikon na talaga si Nero
ngayon ko lang siya nakitang nagsungit ng ganito.....yung kay Dax immune na ako eh..
pero tong si Nero, hindi ako sanay
"lika na nga lang dun, manghuli na lang tayo ng kung anong pwede nating mailuto mamaya "
aya ko kay Nero, ramdam ko kasi any moment biglang may sasabog pag di ko pa inilayo si Nero
sa Dax na masungit na yun.......
"tara na nga! " sabay balibag ni Nero nung hawak niyang malaking putol ng kahoy
BINABASA MO ANG
Ang Fire Phoenix at si Ako!~completed~
FantasíaNoon pa man pangarap na ni Hera ang matuto ng mga paraan ng pakikidigma.... para maipagtanggol niya at mabigyan ng katarungan ang sinapit ng kanyang ama na namatay dahil sa isang mahiwaga at misteryosong apoy na tumupok ng kanilang buong bayan... p...