Ika- Labing Walong Kwento

1.2K 32 0
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~DAX~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Malayo na ang nalalakbay namin ni Hera,patuloy lang kami sa tila walang kapagurang paglalakbay,

at sa bawat lugar na mapuntahan namin, kung ano ano ng klaseng halimaw ang mga nakakasagupa namin, at mas mababagsik at mas matatalas iyon kung para sa mga nauna

ika nga parang naglelevel-up din ang mga ito at talagang mahihirap na rin matalo,

si Hera, sa paglipas ng mga araw mas lalo siyang nagiging bihasa sa paghawak niya ng kanyang palaso, mas lalong nagiging matalas ang kanyang pandama at nahuhulaan na nito ang mga parte na mahina ang kalaban, nagagawa na rin niyang asintahin ang kalaban na nasa malayuan, at laging bullseye ang tama ng mga ito,

 kahanga-hanga talaga ang ipinapakita niyang katapangan sa bawat makakaharap naming mga halimaw, talagang masasabi kong tumaas na ang kanyang antas ng kakayahan sa pakikipaglaban,

pero nandun pa rin ang dati niyang ugali, pagkatapos ng laban parang walang nangyari, talagang di niya maiwasang di mangulit tulad ngayon, kasalukuyan kaming nakaupo sa harap ng ginawa naming von fire, tumigil muna kami sa aming ginagawang paglalakbay para kahit paano makapagpahinga,

" Kaya, siguro madalas akong makatikim ng kutos kay guro kasi sya pala ang tatay ko no Dax. "-Hera

nakatingin lang ako sa kanya, pero siya ang atensyon niya ay nasa apoy at sa stick na hawak niya na idinadarang niya sa apoy,

" nakakatawa lang isiping sa itusra kong toh! isa pala akong prinsesa, prinsesa nman kaya ng ano?...ng apoy!  ano nman kaya yun!hahahaha "

ano bang pinagsasabi nitong babaeng to? seryoso ba siya oh nangungulit lang na nman?

napailing ako

" Eh Dax, may nabanggit ba syo si guro tungkol sa tunay kong ina? "  tanong niya sa akin

matagal akong nagsalita, hindi ko kasi alam ang tamang salitang gagamitin ko upang sabihin sa kanya ang sinapit ng reyna sa kamay ni Juno..

" ui! ang kulit mo nman eh! sa mukha ko ba manggagaling ang sagot ha?! " - Hera

sabay irap niya sa akin, nakatingin na pala ako sa kanya ng di ko namalayan

 may iilang hibla ng buhok ang tumabing sa mukha niya ng yumuko siya kaya hinawi ko iyon at saka inipit sa kanyang tenga

" Malamang kasing ganda mo ang reyna "  sabi ko sa kanya, seryoso ako sa sinabi kong yun

" talaga?! weh?! " - Hera

" Maganda ka Hera, kaso lang kulang ka lang sa ligo "  pabiro kong sagot sa kanya

" Ah ganun! "  - Hera

pinandilatan niya ako dahil sa sinabi ko, pero kahit na pilit niyang ilaki ang pagkakadilat ng mga mata niya eh parang di rin nman siya nagbago ng size kasi nga singkit siya

Ang Fire Phoenix at si Ako!~completed~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon