Academia De PhantasiaPinagtitinginan ako ng mga taong nadadaanan ko. I don't know but I can feel strong energy here. Hindi ko maipaliwanag pero may kakaiba.
Iniisip ko pa din kung paanong napunta ako dito. May nakakita ba sa akin at iniligtas ako? Pero laking pasalamat ko na buhay pa ako. Kung ano man ang nangyari sa akin ay isang misteryong gustong gusto ko na masagot.
Napahawak na lang ako sa labi ko. Naalala ko yung ginawa nung lalaki.
Gusto ko umiyak. Di ko alam kung bakit pero bigla na lang ako nakaramdam na gusto kong umiyak.
Muntik na akong matumba kundi lang ako nahawakan sa braso."Bakit ka umiiyak?" tanong nito. Hinawakan ko naman ang pisngi ko at naramdamang basa nga iyon. Umiiyak na pala ako.
Ngayon lang nagsink in ng maayos sa akin ang lahat. Muntik na ako mamatay dahil sa ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinidnap ng mga lalaking iyon at hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon.
May iba akong pakiramdam sa lugar na ito.
Napatingin ako sa babaeng katabi ko Teka..siya din yung babaeng tumatawa kanina mag isa.
"Ayos ka lang?" Tanong nito.
Napaatras na lang ako bigla. Kulay silver ang mga mga nito. Bakit ganyan ang kulay ng mata niya?
"Bago ka ba dito?" tanong nito pero nakatingin lang ako sa kanyang mga mata.
"I have that eye color since birth" Ngumiti naman ito at hinawakan ang braso ko at hinila papunta sa isang bench para maupo.
"Let me introduce myself. I am Cleo from Caelisia and you are?" Nilahad nito ang kanyang kamay kaya napatingin ako doon.
"Zin...Zintheia"
"Nice to meet you Zintheia, pasensya ka na kay Cypher kanina ah?" Sa pagkakatanda ko ay narinig ko na ang pangalan na iyan kanina sa mga babae kanina.
So, Cypher is his name.
"Yes, that's him" kaagad akong napalingon sa kanya.
"Paanong...."
"Oh, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang magamit sayo ang ability ko" Ha? Anong ability?
"Anong ibig mong sabihin?"
"I can read minds, Zintheia" My jaw dropped. She can what??? Read minds? Totoo ba 'tong naririnig ko?
Sa mga stories ko lang nakikita at nababasa yung mga ganun ah. Pero teka...kung ako nga nakakagawa ng apoy...edi hindi imposible ang sinasabi niya. Maaaring tama nga siya at totoo na mind reader siya. Wow! Pero teka nga, nasaan ba talaga ako?
"Uhmm...Cleo" Napalingon naman ito sa akin.
"Mmm?"
"Anong lugar to?" nanlaki naman ang mata niya na parang di makapaniwala sa tinanong ko. Bakit gulat na gulat yata siya?
"Seryoso?" tanong nito, tumango naman ako. Napa-woah pa siya.
"Nasa academy tayo ng Phantasia" ha? Ano daw? Kunot noo akong tumingin dito. Naguguluhan ako. Gulat din ito sa reaction ko at napatakip pa sa bibig nang may parang marealize.
"What?"
"Wag mo sabihing...taga-ibang mundo ka!?" Ano bang pinagsasabi nito? Taga-ibang mundo? Matatawa na ba ako? Nagjojoke nanaman ba to?? Pinaglololoko yata ako nito eh.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Girl, this is the world of Phantasia. There are different kingdoms here at lahat ng mamamayan ng Phantasia galing sa iba ibang kingdoms ay dito nag aaral. Hindi mo alam yun?" paliwanag nito pero ni isa sa mga sinabi niya, wala akong naintindihan at para bang ayaw iprocess ng utak ko.
YOU ARE READING
Phantasia: The Elemental Kingdoms
FantasyZintheia knew she's not normal from the start since the accident happened. She's different. She got kidnapped and she was able to escape but it is also the start of her life's biggest change. She woke up and found herself beside a handsome man. In...