Nameless University

26 2 5
                                    

  Kasalukuyang naglalakad sa hallway ng University ang magkaibigan. Ang University na kanilang pinag aaralan ay isa sa mga sikat na University sa kanilang lugar na kung saan ay mga mayayaman ang mga nag aaral. In short it is a private university. Mga modelo, artista, may ari ng mga kilalang kompanya ang mga magulang  na mga estudyanteng nag aaral dito.

"Oh! girls, look who's here Alexythimia, the so called COOLEST OF ALL THE COOLS here in the university"

Salita ng isang estudyante na kasalukuyang humarang sa kanilang dinadaanan.

Martha Alarcon. sexy, matangkad, mestisa, makinis, maganda. At sopistikada. To make it clear. She is a model. One of the famous model in the University.

"Oh! Greate! What a Goodmorning"

Salita ni serenity sa kanyang sarili matapos nilang mapahinto sa paglalakad ni alexy nang makitang sila Martha at dalawa nitong alalay ang humarang sa kanila

"Hi there! ALEXYTHIMIA"

Salita ni Martha na tila may halong diin sa pagbanggit ng pangalan niya.

"Bakit ba... Pag ikaw ang bumabanggit ng pangalan ko..."

Pabitin na pagkakasabi ni Alexythimia sa kanya at tila umakto na nagiisip ng tamang deskripsiyon sa sasabihin.

"Why? Is it sophisticated hearing me calling your name?"

Taas noong salita ni martha na animoy bilib na bilib sa sarili.

"Nope, That was the creepiest thing I've ever heard. I feel so miserable and unsatisfied."

Tugon ni alexy na umaktong malungkot pa. Animoy inaasar si martha na biglang nalukot ang mukha ng marinig ang kanyang sinabi

"WHAT!? Creepiest??? do I look like a ghost to you??" 

"Oopps! I never said that, you're the one who's thinking that way." 

"Huy Alexy, malelate pa tayo dahil jan sa bruha na yan"

Bulong ni serenity sa kaibagan.

"Uhh, are you done killing me in your mind Martha? May we now excuse ourselves? May klase pa kasi kame na dapat pasukan at mas pagtuunan ng pansin kesa sa walang kwenta mong diskusiyon na alam kong wala naman akong matututunan."

Umirap lang si ito at nagdadabog na lumakad papalayo sa dalawa

"I REALLY HATE THAT GIRL!"

Sigaw pa nito. Na narinig niya

" SO AM I! Hahahaha!"

Sagot niya sabay hila kay serenity na tatawa tawa din dahil nakita nitong parang pinagbagsakan ng langit at lupa na mukha ni martha matapos nila itong malagpasan.

Maaga pa ng makapasok sila sa silid may limang minuto pa bago dumating ang kanilang prof sa Management. Yes, They are taking Business Management. bakit? Dahil isa sila sa mga estudyante na inline sa mga magulang na may kilalang business sa industriya.

"Goodmorning class!"

Pagpasok ng professor.

Ms. Vargas. matandang dalaga at terror na prof sa lahat ng mga prof's ng university. Walang tinitingala. Dahil gusto niya lahat pantay pantay walang mataas walang mababa. Mayaman man ang estudyante o sikat wala siyang pakialam basta pag nasa loob ng klase niya there is only one rule "WE ARE JUST A STUDENT AND PROFESSOR INSIDE MY CLASS"
Alam nitong takot sakanya lahat ng estudyante tuwing makikita siya sa kahit saan.

"Pass your folders!"

Aligagang nagsipag kuhaan ng kaniya kaniyang folder ang bawat estudyante sa loob ng klase sa takot na mahuli sila sa pagpasa.

My Abominable Treasure.Where stories live. Discover now