1

21 1 0
                                        

"Aleeeeeeeexy gumising kana!!! 7:30 na aba at yang katawang lupa mo ay kailangan nang bumangon"

  Gising ni Serenity sa kanyang kaibigan na mahimbing sa pagkakatulog at nakakanganga pa. Tila hindi namamalayan ang oras.

"Hmm."

Ungot ng dalaga sa kanyang kaibigan.

"Anong hmm! Anong hmm! lintek ka malelate na tayo sa klase ng Reyna ng mga bangungot! At kung ayaw mo maging bangungot yang mga magagandang panaginip mo bumangon kajan!"

"Oo na! Eto na babangon na!! Aish!"

   Halos mapatid na ang litid ni Serenity sa pag gising sa kanyang kaibigan mapabangon lang ito. Upang hindi lang sila malate sa klase ng kaisa isahang Professor na tingin nila ay isang bangungot na tila sumisira sa kanilang magagandang panaginip.

   Si Alexy at Serenity ay matalik na magkaibigan simula ng magkakilala sila sa unang taon ng kanilang kolehiyo. Naging matalik na magkaibigan sila dahil halos pareho sila ng estado sa buhay at magkasundong magkasundo sa lahat ng bagay. Lalo na sa nagiisang bagay na parehong pareho sila.

"Serenity?? Nakita moba yung folder ko jan sa sofa kagabi?"

Tanong ni Alexy sa kanyang kaibigan habang bumaba at nakahanda na upang pumasok sa eskwela.

"Ah oo nilagay ko na sa bag mo nung makita kong para kay bruhilda pala yun. Tara na kumain na tayo"

"Ha? Akala koba late na tayo?"

"Charot lang yun gaga! Hahaha! 6:30am palang sinabi kolang yun dahil mahirap kang gisingin"

Sumama agad ang mukha ni Alexy sa sinabi ng kaibigan, dahil kanina'y halos madapa pa siya papuntang banyo nang malamang 7:30 na at trenta minutos nalang ay malelate na sila sa klase.

"Eh kung chinacharot charot ko yang mukha mo? Lintik ka halos gawin kong isang hakbang ang pag punta sa banyo!"

Aambang babatukan ni Alexy ang kaibigan na nag aayos ng kanilang makakain sa lamesa.

"Easy! Ilang araw kana kasi hindi nakakapag almusal ng maayos kaya pinilit kitang gisingin ng maaga!"

"Tss. Sanay naman akong di nag aalmusal pag papasok"

"Hellooooooo, earth to Alexy! Concerned lang naman ang kaibigan mong kalmado sa lahat ng bagay. Hala sige maupo kana! Thankyou sa concern ko ah?"

Inis na sagot ni Serenity sa kaibigan na inirapan lang siya at nagsimula nang kumain.

"Alexy, gagamitin ba natin yung sasakyan mo?"

Tanong ng kaibigan habang papalakad na sila sa labas ng kanilang apartment. Yes, they are both living independently. Bakit? Dahil gusto lang nila.

"Sige ikaw magdrive."

Sabay hagis ng susi sa kaibigan

"Aba lintik taga gising kana, taga luto kapa at wow driver kapa"

Bulong ni serenity sa kaniyang sarili. Na narinig ng kaibigan

"Sige magcommute nalang tayo. Tutal MAAGA pa naman"

"Sinong may sabi sayong maaga pa tara na Alexy, eto naman dina mabiro, sakay kana hehehe"

Nauna nang tumakbo si Serenity sa passenger seat dahil alam niya ang takbo ng ugali ni alexy.

.......

To be continue,

My Abominable Treasure.Where stories live. Discover now