Secrets

13 0 0
                                    

Hindi alam ng mga estudyante kung paano magrereact matapos nila marinig ang ginawang pagsagot ni alexy kay Ms. Vargas. May mga humanga, natakot, kinabahan at nadismaya.

"Miss Siochi. Let's talk after my class. You may now take your seat."

Hindi makatingin ng derecho si Ms. Vargas kay alexy dahil maski siya ay nagulat sa mga sinabi niya. Muntik na siyang magbitaw ng salitang hinding hindi dapat marinig nang kahit na sino mang estudyante.

"Thankyou. And I'm sorry."

Walang ganang sagot ni alexy. Nagpatuloy sa klase si Ms. Vargas na parang walang nangyare. Habang ang kanyang mga estudyante ay nakinig na lamang nang may halong pagtataka sa ikinilos ng kanilang professor.

"Bakit kaya parang biglang tumiklop si Ms. sa sinabi ni alexy?"

"Hindi ko din alam eh, at ano naman kaya yung pagsisisihan ni Miss? Grabe talaga si alexy ang cool."

Bulungan ng mga estudyante sa likod nila Serenity

"Shh. Baka marinig pa kayo ni Miss nako"

Pagpapatigil ni serenity sa mga ito dahil nakikita niyang kumunot ang noo  ni alexy habang pinakikinggan niya ang mga ito. Wala na sa mood si alexy hanggang sa matapos ang klase ni Miss. Vargas.

"Okay, class dismissed. Miss. Siochi lets talk in the office, come with us Miss. Saavedra,"

Salita ng professor habang kasalukuyang nagliligpit ang dalawa ng gamit. Mamaya pang hapon ulit ang susunod nilang klase kaya wala itong problema. Nabibigla man ay sumunod nalang si Serenity sa sinabi ng professor.

Serenity's POV.

nandito na kame ni alexy sa office ni Miss. Vargas kanina pako hindi mapakali dahil kanina pa hindi kumikibo si alexy, derecho lang lagi ang tingin niya halatang ayaw niya makipag usap. Pag ganitong ugali pa naman ang pinapakita ng babaeng to hindi talaga ako mapakali. Hays.

Umupo na si Miss. Vargas sa kanyang table habang kami ay nasa harapan niya.

"I am really sorry for what I've done to you kanina Miss. Alex hindi ko sinasadya."

Wait! Teka tama ba yung naririnig ko???

"Uhh, Miss? bakit po ganyan yung sinasabi niyo?"

Diko talaga mapigilan ang sarili kong magtanong dahil sa inaakto ni Miss. Vargas.

"It's fine. Just make your mouth shut. And never let your words ruin your life."

Nakacross ang kamay sa dibdib ni alexy habang nakatingin ng derecho sa professor.

Ano daw????

"Huy! Alexy ano kaba bakit ganyan ka magsalita kay Miss. Vargas student lang tayo at prof natin siya."

Bulong ko kay alexy, na animoy hindi man lang kinabahan sa sinabi niya kay Miss. Vargas. Bakit ba ganito tong babae nato. Anong meron at parang nabaliktad ata ang mundo?? Lintik nayan nalilito ako ah!

"Yes, Miss. Alex. And about your folder, give it to me before the day end I'll wait. I am really sorry"

"Ok. It's a warning Miss. Vargas never do THAT again kung hindi kita napigilan ay baka natanggal kana dito ngayon."

Napatanggal????

"Sorry. Hindi na mauulit."

Napapayukong salita ni Miss. Vargas kay alexy.

Ano bang nangyayare??? At bakit bako pinasama pa ni Miss.Vargas dito.

"Ano bang nangyayare sa inyo??? sorry for saying this words Miss.Vargas, pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit parang biglang nagkabaliktad ang sitwasyon?"

My Abominable Treasure.Where stories live. Discover now