BUWAN

7 3 0
                                    

BUWAN ang syang nagbibigay liwanag
Sa gabing ikaw lang ang hinahangad

Napakaganda sa paningin ng iba
Ngunit hindi nakikita ang lungkot nya

Distansya sa buwan  at lupa 
Ganyan kalayo ang agwat nating dalawa

Ako'y mahirap at ika'y mayaman 
Ako'y Iglesha at ika'y Katoliko

Paano ako matatanggap ng pamilya mo? 
Na sa dalawang iyon ay magkasalungat  tayo.

Ako'y mahirap lang na walang alam 
Naghihintay sa isang sulok mapansin mo lamang

Gustuhin man nating wag magkalayo
Gustuhin man nating maging buo

Ngunit papaano
Kung distansya ng Buwan at lupa ang agwat natin sa isat isa?

Mahirap bumitaw 
Ngunit kaylangan

Hindi tayo para sa isa't isa 
Maraming hadlang sating dalawa

Kayat ituturing ka na isang  Buwan
Titingalain  ko't  pagmamasdan

Nagbibigay  liwanag  sa Buhay kong madilim
Maganda  Pero  HINDI  pwedeng  maging  akin.

BUWANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon