P R O L O G U E

3 0 0
                                    


Bakit ba palagi nalang akong talunan? Bakit ba hindi pa rin ako successful? Nakagraduate na ako ng college at sa isang sikat na unibersidad pa pero bakit ganito parin ang buhay ko? Bakit feeling ko palamunin pa rin ako dito sa bahay naming? Nawawalan na ako ng passion ko which is ang pagtuturo. Ilang ulit pa ba ko babagsak sa board exam? Is God punishing me or binibigyan niya lang ako ng isang pagsubok sa buhay para matuto ako sa realidad ng buhay? Lord kung isa man itong pagsubok sa aking buhay, parang susuko na ako. Malalagyan ko rin ba ang pangalan ko ng LPT tulad ng mga kaibigan ko? Para na akong nalulunod sa sarili kong katawan. Ni boyfriend ko o magulang ko, hindi ko masabi ang totoo kong nararamdaman ngayon. 

PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon