Chapter 13

42 4 0
                                    

Yunnie notes:

This chapter may contain scenes that are not suitable for young audiences. (Warning: Self-harm)

---

(Two years ago)

"Kieffer! Anong petsa na oh? May balak ka bang paghintayin kami dito hanggang pasko? Gusto ko ng malasap ang Baguio. Dalian mo na!" That was Lianne shouting at me at the phone. 

Ngayon nakaschedule ang bonding trip namin sa Baguio. Since kakagraduate lang namin ng Senior High, may munting regalo si Dia para samin at iyon ang hahayaan niya kaming magstay sa rest house nila sa Baguio. It's been a while since I've been to Baguio. Mukhang hindi na din kami masyadong makakapagkita sa susunod na taon dahil magkakaiba kami ng course. Sigurado na mas magiging busy kami unlike noong senior high.

And as usual, ako ang laging pa-importante. Maliban sa nalate ako ng gising dahil pinatay ko ito agad pagkatunog ay humahanap pa ako ng tsyempo para takasan ang ama ko na ngayon ay may kausap na tao sa may gate. Hindi kasi ako nagpaalam dahil alam ko naman na hindi niya ako papayagan kaya tatakas na lang ako. Ang tanong ay paano? Kung buhay pa sana si mommy, hindi sana ganito kahirap ang buhay ko. 

Pagkatapos ng ilang minuto, pumasok na si daddy sa loob. Dahan-dahan na akong kumilos dala ang aking mga gamit para tumakas. Pumara ako agad ng taxi pagkalabas ko at pumunta sa meeting place namin. 

Pagkarating ko sa Mcdo na meeting place namin. Sabay-sabay nilang ibinaba ang Mcfloat na iniinom nila at tumingin sakin.

"Asan ang sakin?" Tanong ko sa mga kaibigan ko.

Tumayo si Lianne at pinaulanan ng bugbog ang akin kanang braso. 

"Lagi ka na lang ganyan? VIP ka? Buti sana kung malaki bayad mo samin sa paghihintay namin sayo. Taon-taon alarm clock ang regalo ko sayo sa birthday mo at pasko, pero hanggang ngayon hindi ka pa din nagbabago!" Pinapagalitan ako ni Lianne habang panay pa din ang pagbubogbog sakin. Buti na lang at hindi na sumama si Ruby, kundi kawawa naman ako. 

"Chill guys. Ang mahalaga nandito na ko. Saka Lianne, sabihin mo lang na namiss mo talaga ako." Sabi ko at kinindatan si Lianne. Tumabi ako kay Dia at inakbayan siya. "Tignan niyo tong si Dia, tahimik lang." Sabay tingin ko kay Dia na ang sama ng tingin sakin at may pa irap pa. 

"Kelan ba dumaldal yang si Dia?" Lianne said sarcastically.

"Uyy, lima pala ang binili niyo, akin na to ah." Kukunin ko sana ang sobrang Mcfloat.

"Sa driver natin yan. Bumili ka kung gusto mo. Hindi ka boss dito." Sabi ni Dia at pinrotektrahan ng Mcfloat na balak kong agawin. 

"Psst.. Pogi!" Tawag ko kay Rad na nasa tapat ko. "Penge naman niyan." Sabay turo ko sa iniinom niyang Mcfloat. 

"Bahala ka diyan. Akin to eh. Saka ikaw na din ayiee." Pang-aasar ni Rad.

Tumayo ako, nagpunta patungong counter, at umorder ng large Mcfloat. Kala nila diyan ah.

Bumalik na ako sa lamesa namin. "Oh ano pang hinhintay niyo diyan. Tara na at gagabihin na tayo."

"Ang kapal talaga ng mukha niya." Si Ruby iyon. "Talagang gagabihin na tayo. Ang usapan alas-6 tignan mo kung anong oras na Francis. Alas-8 na! Dalawang oras mo kaming pinaghintay dito. Bwiset ka!"

"Tumakas lang kasi iyan. Kawawa naman." Pagtatanggol ni Rad sakin. 

"Sorry." Sabi ko sa kanila.

"Ang panget mo." Ang laging pang-aasar samin ni Ruby.

"Ang gwapo ko kaya." Panglaban ko sa pagaaaar niya.

"Panget ka sa paningin ko."

Sabay kaming nagasaran at nagtawanan. Pumasok nadin kami sa van na pagmamay-ari ng pamilya ni Dia at nagumpisang bumyahe papuntang Baguio. 

Manic Pixie Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon