Chapter 11 You and Me

2.3K 47 0
                                    

         Nakaleave ng isang linggo si Philip pinaghandaan talaga niya ito dahil gusto niyang sorpresahin niya sa Astrid sa kaarawan nito.Kasabwat pa niya si Enzo sa hinanda niyang sorpresa dito.Dalawang araw silang mananatili sa isang isla na pagmamay-ari ng pamilya ni Enzo.Underdevelop pa ito at bukod tanging silang dalawa lang ni Astrid ang nandun sa buong dalawang araw.May cottage na fully furnished tanging generator ang gamit para mailawan ang cottage.Kasabwat din niya ang pamilya ni Astrid sa sorpresa para dito.

        Katatapos lang ng board meeting.Isa ng ganap na miyembro ng board si Wilfred  Cartagena.Personal itong dumalo sa board meeting kanina.Abala si Astrid sa buong araw marami siyang papeles na pipirmahan.Mayroon ding mga business proposals na irereview.Bababa na sana siya para mananghalian ngunit naunang dumating si Aya na may dalang lunch at galing pa ito sa paborito niyang restaurant.

        ''Hey,tigil muna ang trabaho''

         ''Mukhang masarap yang dala mo''

         ''Ako pa''

       Kaagad siyang tumayo at naghugas ng kamay sa kanyang banyo.Pumunta siya sa receiving area ng kanyang opisina kung saan nandun si Aya.Mula sa sikat na Filipino restaurant ang mga pagkaing tinake-out ni Aya.Natakam siya ng maamoy niya ang masarap na aroma nito.

Pakbet,Bangus belly,Bistek tagalog at Leche flan.Magkasalo sila nina Aya at Fiona na kumain ng tanghalian.

      Matapos ang tanghalian ay nagpatuloy si Astrid sa kanyang trabaho.Maya maya ay may dumating na delivery ng pagkain.Wala siyang naalalang nag-order siya ng pagkain pero sabi ng delivery boy ay para daw talaga sa kanila ang delivery at bayad na daw ito.Nakatanggap siya ng tawag galing kay Philip.

       ''Hello''

        ''Hi,amar''

         ''Amar kumusta''

         ''Eto kompleto na ang araw dahil narinig ko na ang malaanghel mong tinig''

         ''Miss na kita amar''

         ''Miss na din kita,wag kang mag-alala next week nasa Manila na ulit ako''

         ''That's great''

          ''Then I could finally be with you''

           ''I can't wait for that to happen,I love you Phil''

          ''I love you more Astrid''

          ''Ang sweet naman ng boyfriend ko''

          May kumatok sa pinto ng kanyang opisina at pumasok si Philip.Astrid was indeed surprised.Ang buong akala niya ay nasa Zambales si Philip para sa isang project pero nandito pala ito.Sinalubong ni Astrid ng mahigpit na yakap ang nobyo siya na rin ang nagkusang humalik sa mga labi nito.Buong pusong tinugon ni Philip ng makapigil hiningang halik ang nobya.The kiss was so hot and intense.

            ''Akala ko wala ka dito''

            ''I want to surprise you that's why I am here''

            ''I was surrise indeed''

              ''5pm na dapat ay hindi ka na nagtatrabaho''

             ''Opo''

             ''Ako nga pala ang nagpadeliver ng food,gutom na kasi ako hindi pa ako nakapaglunch dahil nagbyahe pa ako galing Zambales''

           ''Eh di magdinner na tayo,wag mo ng uulitin ang magskip ng lunch that's unhealthy''

             ''Yes my love''

Miss High and MightyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon