Chapter 15 The Wedding

2.7K 44 0
                                    

         Kumuha ng wedding planner sila Astrid at Philip para asikasuhin ang kanilang kasal.Fuschia ang motiff na napili nila.Sa Manila Cathedral idadaos ang kanilang kasal.Sa Resorts World naman ang reception.Made of Honor si Aya at Best Man naman si Will.Kasama din sa mga abay sila Enzo at Amina.Ang pinsan niyang si Camilla ang nagdesign ng kanyang wedding gown pati na rin ng mga susuotin ng mga abay.

        ''Hello amar''

        ''Hi mahal ko,napatawag ka?''

         ''Magpapaalam lang ako sa 'yo,stag party ko kasi mamaya kung pwede akong dumalo''

          ''Okay lang na dumalo ka,it's last days as an unmarried man''

          ''Talaga''

          ''Yes,ang kulit talaga''

           ''Salamat mahal ko promise magpapakabait ako''

           ''Alam ko naman na mabait ka at saka may bridal shower din ako''

           ''Sige,bye enjoy ka din sa bridal shower mo''

          ''I will,bye mahal kita''

          ''Mas higit kitang mahal''

         Sa isang hotel ginanap ang stag party.Pagpasok pa lang ni Philip ay hiyawan lahat ng mga kaibigan niya.Isang hugis regalo ang nasa gitna ng kwarto.Nang magsimula ang tugtog ay pinatay ang ilaw sa loob ng kwarto habang isang lampshade ang naiwang nakabukas.Naghiyawan ang lahat ng bumukas ang malaking regalo at lumabas ang babae na nasa loob nito.Tanging manipis na negligee ang suot nito.Nanlaki ang mga mata ni Philip ng makitang sa kanya papunta ang babae.Sumasayaw ito habang papalapit sa kanya.Pakiramdam niya ay naginit ang kanyang paligid.

         Piniringan ang mga mata ni Astrid ng makarating siya sa suite ng isang hotel kung saan gaganapin ang kanyang bridal shower.Nang magsimula ang musika ay narinig niya ang malakas na hiyaw ng mga kaibigan.May lumapit sa kanya at inalis ang piring sa kanyang mga mata.Laking gulat niyang may sumasayaw na lalaki sa gitna malapit sa kanya.Wala itong suot na saplot sa itaas na bahagi ng katawan nito tanging denim jeans lang ang suot nito.Lalo pang lumakas ang sigawan ng akma itong huhubarin ang ang pantalon.Hindi na nakayanan ni Astrid ang kanyang nakikita.Kaagad silang tumayo at mabilis na nilisan ang kwarto.

        Hindi na nagdalawang isip si Philip na umalis sa suite ng hotel.Bago pa may mangyaring hindi maganda walang paalam na tumayo siya at iniwan ang mga kaibigan.Pagkababa sa elevator ay nagmamadali siyang lumabas ng hotel ng may bumangga sa kanya.Buti na lang at nahawakan niya ang nakabanggaan bago ito matumba.Hihingi na sana siya ng paumanhin ng makilala niya ito.

       Dahil sa pagmamadaling makaalis sa hotel hindi napansin ni Astrid na may tao sa kanyang daraanan.Bumangga siya rito at kung hindi siya nahawakan sa kanyang baywang ay malamang bumagsak siya marmol na sahig ng hotel.Nang magkatinginan sila ng nakabangga sa kanya ay laking gulat niya ng makilala ang

nakabangga sa kanya.

      ''Amar''

       ''Mahal''

        ''Ano ang ginagawa mo dito?''

        ''Bridal shower''

          ''Ikaw?''

         ''Stag party''

          ''Bakit ang aga yatang natapos?''

           ''Hindi pa tapos''

Miss High and MightyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon