Chapter 14 Fast Forward

2.4K 48 0
                                    

        After two years of being together ay napagpasyahan ni Philip na alukin na ng kasal si Astrid.Mahal na mahal niya ang ito higit pa sa buhay niya.Dalawang taon din niyang pinaghadaan at ngayon matapos ang mahabang paghihintay ay magpopropose na siya dito ng kasal.

      Katatapos lang ng konstruksyon ng bago nilang bahay na nasa isang eksklusibong subdibisyon.Sorpresa niya ito kay Astrid.Kompleto na ito ng mga kasangkapan at appliances.Dalawang palapag ito na may 2 master's bedroom with bath,3 bedrooms na may sariling bathrooms,dining room,kitchen at dirty kitchen,home theater,play room,den,2 sala at receiving area.Mayroon ding swimming pool,barbeque area,garden, at garage.Gawa ang bahay sa brick stones. Sana ay magustuhan ito ni Astrid at sana ay tanggapin nito ang alok niyang kasal.

         Isang taon ang nakakaraan ng mapagusapan nila ang tungkol sa paglagay sa tahimik dalamang buwan matapos ang kanilang first year anniversary ay kinausap niya ito.Matapos nilang magdinner ay inaya niya itong mamasyal sa Tagaytay.

         ''You look so serious hon''

          ''I am amar''

         ''What are we going to talk about?''

          Nakaupo silang dalawa sa hood ng sasakyan niya while she was leaning on his left shoulder while his left hand is on her waist.The moon is shining brightly as well as the stars.Overlooking are shining lights of Manila.

           ''About us,amar''

             ''What about us?''

            Kinakabahang napatingin si Astrid kay Philip.

             ''Astrid Zane Teixera gusto kong mapangasawa ka''

            Kung kanina ay napatingin si Astrid ngayon naman ay napaharap siya dito.

              ''Are you serious?''

              ''Seryoso ako amar,pero gusto kung humingi ng isang taong palugit,you see I'm just an ordinary employee pag-iipunan ko pa ang pinansyal na pangangailangan natin please be patient with me amar''

              Astrid looked at Philip the man that made her heart beats faster everytime he's around,the man that she fell inlove with the first time she heared his voice over the telephone.

              ''Yes,maghihintay ako para sa iyo mahal ko''

              Halos lumundag si Philip sa saya ng marinig niya ang pagpayag ni Astrid sa kanyang hiling.Mahal na mahal niya ito.

           Nang magpunta sila sa London makalipas ang tatlong buwan ay bumili na siya doon ng engagement ring.May kamahan ang ang singsing pero para sa babaeng pinakamamahal niya walang katumbas na halaga.Ngayon ang pinakahihintay ng araw.

            Alas dose ng madaling araw ng tumawag si Astrid kay Philip.Kahit inaantok ay nagawa pa ring sagutin ang tawag ng kanyang nobya.

            ''Maligayang bati mahal ko''

            ''Salamat amar,napakaswerto ko talaga at binati ako ng pinakamamahal kong nobya''

            ''Pasensya na at nagising kita''

            ''Walang problema amar basta ikaw''

            ''Dinner tayo mamaya,my treat''

             ''With pleasure amar''

            Sa mismong kaarawan niya magpopropose siya dito.May surprise sa kanya si Astrid pero mas lalo na siya.Magkasama silang nagsimba.Kanina habang nasa simbahan ay nagpasalamat siya sa Poong Maykapal sa lahat ng biyaya at pagpapala nito sa kanya lalo na't kaarawan niya ngayon.

Miss High and MightyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon