Walang Hanggan (Short Story)

174 2 2
                                    

[a/n] this is a story written by my bestfriend, Philip Babilonia, (hi there Bru! hahaha, segway) Project din niya sa Filipino III just like my first story. Request niya post ko daw eh =) I hope you'll like it. Mas senti pa to tska mas makaka-relate kayo.

Minsan, may mga tao talaga na di para sa atin. Yung akala mo siya na yung The One pero nagkamali ka nanaman pala. Yung feeling mo, siya na yung huli mong mamahalin, pero di parin pala. Yung sa lahat ng kabiguan mo, siya yung magsasabing “Sorry kung natagalan ako.” Yung kahit mahal na mahal mo siya, di pwede kasi may mahal siyang iba. Yung tadhana na yung nagsasabing di kayo para sa isa’t isa pero di mo parin makalimutan na minsan nagmahal ka ng isang tulad niya. Siguro inisip natin noon, “Eto na ba talaga yun, yung hinihintay kung tao? Yung magmamahal sakin ng totoo at yung taong ihaharap ko sa altar at sasabihan ko ng I do?” Maraming namamatay sa maling akala, at maraming nabibigo dahil sa mga desisyon na nagawa natin. Parang sugat lang yan. Pag mas lalo mong pinabayaan, lalong hahapdi at sasakit bago mawala. Minsan mag-iiwan pa ng peklat at hindi na mabubura ng paglipas ng panahon.

Ako si Prince. Isa ako dun sa mga taong sinasabing hopeless romantic. Sobra kung magmahal, pero wala namang natatanggap pabalik. Seloso ako, yung tipong wala sa tamang panahon at tao. Isa ako dun sa mga taong bigo sa pag-ibig, na sa lahat na babaeng darating sa buhay ko, nilalampasan na lang ako at di na babalikan. Yung kahit tapat magmahal, di napapansin at laging second choice o di kaya “panakip butas” lang. Masakit man isipin, pero tanggap ko na rin sa sarili ko na di talaga ako maswerte pagdating sa pag-ibig. Di naman ako torpe, pero di ko lang talaga maexpress yung nararamdaman ko sa isang tao, lalo na dun sa mga special sakin. Loner ako, madalas kinikimkim ko sa sarili ko lahat ng sama ng loob meron ako at minsan lang kung magsabi ako sa iba, dun sa mga alam ko lang na makakatulong sakin at dun sa mga kahit kelan di magagawang sabihin sa iba yung mga sikreto ko. Di ako yung sinungaling, mas gusto ko yung sabihin yung totoo kesa makipag-plastikan ako sa iba, ayoko ng ganun. Pag kaharap mo katawanan mo pero yun pala pag talikod mo sinisiraan ka na pala. Di yun ang mga tinatawag na kaibigan.

Naaalala ko pa yung araw kung kalian ko nakilala yung babaeng nagparamdam sa akin kung paano umibig ng lubos. Lahat yun nagsimula nung nagkatinginan kami sa park sa may Makati. Una ko siyang napagmasdan sa kanyang mga matang katulad ng mga bituin sa kalangitan na pumupukaw sa karikitan ng gabi. Mga labing puno ng pag-asa at kasiyahan sa bawat ngiting sasambitin nito, kasama ang puso kong nahuhulog rito. Para bang, sa isang tingin mo pa lang tumitigil ang mundo ko at sabay tutugtog ang musikang nakakahalina sa aking tenga.

            “Excuse me? Bat ka nakatitig sa’kin? May problem ba sa mukha ko?” Sabi niya sakin habang di ko namamalayang naglalaro nanaman ang isipan ko sa sarili kong mundo, sa pagkabighani sa kanya.

            “Ahh? Ehh…. Wala!” Pagkagulat kong sagot sa kanya habang nakatingin parin sa kanya.

            “Sigurado ka? Baka nahihiya ka lang magsabi sa’kin. Sige na, wag ka na mahiya. Di naman ako nangangagat.”Pangiti niyang sinabi sa’kin.“Anong pangalan mo?”

            “Ako si Prince.” Marahan kong sinabi sa kanya. “Ikaw, anong pangalan mo, miss ganda?” Tanong ko sa kanya nang may ngiti sa aking labi.

            “Napakabolero mo naman pala talaga, Prince.”Pabiro niyang sagot sa’kin.“Ako si Ashley.”

            Simula noong araw na yon, araw-araw ko na siyang nakikita at nakakasalubong sa park, kaya di tumagal at kami’y naging magkaibigan, nakuha ko ang number niya at araw-araw ko na rin siyang nakakatext, nakakausap. Kinwento niya sakin ang buhay niya, at kinwento ko rin ang sakin. Naging matalik kaming magkaibigan, at di nagtagal, nahulog ang loob ko sa kanya.

Walang Hanggan (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon