💌two

17 11 0
                                    

Second letter
(Huling El bimbo)

Ilang ulit kong pinanuod ang video noon namin na kumakanta at tumutugtog siya ng huling el bimbo sa gitara. Tinamaan talaga yata ako sa kanya! 

Typically, teen love. Hindi naman sa nag slowmotion, or love at first sight, hindi naman ako naniniwala diyan. Pero talagang, pak na pak ang tama sa akin ni Babs! 

Days have passed. 

Ka chat ko siya palagi, oo, never naputol ang conversation namin after the performance. 

"Ang saya mo kasama," basa ko sa chat niya. 

Napahinga ako ng malalim…

"Masaya ka raw kasama Demy!" 

Hindi mabura ang ngiti ko habang kausap ko siya sa chat, kahit pa madalas si Rena lang ang pinag uusapan namin.

Nagsilbi akong taga payo sa isang hopelesa romantic na tao, hanep diba? I comforted him, inilabas ko na lahat ng talent ko sa pag a-advice. I comforted him without knowing na nasasaktan din ako.

I dunno, if nag i-illusion lang ako, or sobrang assuming ko na talaga! But Babs showing me a hint of motive… parang sinasabi niya na gusto niya rin ako.

Masaya ako, ang kunting pag uusap namin through chat ay ang pansamantalang kasiyahan ko.

Akala ko mawawala rin naman ang nararamdaman ko para kay Babs. But I was wrong, araw-araw akong nahuhulog sa kanya. Hindi ko alam kung paano, pero 'yong kilig na nararamdaman ko, unti unting nagiging sakit. 

Hanggang sa hindi ko na mapigilan, I open up with my bestfriend, Karen. 

"Si Babs?!" Nanlaki ang mga mata niya, at napapailing pa ito.

"O-Oo," pag amin ko.

Never kong pinagsabi kahit kanino ang feelings ko kay Babs. Natatakot ako, natatakot ako na kung malaman niya, iiwasan niya rin ako kagaya ni Earl.

Kung ang tao nag gro-grow, gano'n din ang feelings. Sometimes na tanong ko sa sarili ko, "bakit sobrang affected ka sa kanya, Demy?" 

"Kailan pa?" Nakakunot noong tanong ni Karen.

"First day of school," sagot ko, sabay buntong hininga.

Ikinuwento ko kay Karen ang lahat, simula sa unang beses na inaasar ako ni Babs, dahil sa katabaan ko at ng tinawag ko siyang Kapre dahil sa hieght niya.

Iyon kasi ang naging simula ng conversation namin ni Babs, puro asaran! Mag papa alam nalang minsan na hindi a-attend sa practice, aasarin ka pa! Kaso pikon ang lola niyo!

We share some random thoughts sa chat, at madalas puro siya kalokohan. Somehow, nagpapahiwatig siya na may something, like he was always asking me if kumain na ba ako? At interesado siya sa buhay ko… personal na buhay ko! He even set my nickname in chat into 'Baboy', gumaganti ang tado, lol.

He used to call me Taba, Tabs, Baby, and even his own name ay ginawa niya nang call sign sa 'kin, Babs. He also tell me, I love you, tons of time. But I never replied the exact word, mahirap mag assume… now a days kasi, ang pag sabi ng I love you ng iba ay trip trip na lang! 

Mahirap ng umasa, Babs is a jolly, mahilig mang asar at isa pa, player siya. Malay natin hindi lang pala bola ang pinaglalaruan niya! Kaya hirap na hirap akong magtiwala sa mga sinasabi niya.

Sa classroom, palihim ko siyang pinagmamasadan habang busy siya sa pakikipag asaran sa mga kaibigan niya. Sa totoo lang, kabisado ko na ang physical featured niya. Kahit ang galaw at ang reactions niya… am I obsessed?

Minsan napapayuko na lang ako at naglalagay ng earphones when he is laughing with Rena. Masaya naman siya, pero bakit nasasaktan ako? Sa gabi lang kami magkausap ni Babs, pero sa umaga? Parang hindi kami nag e-exist pareho.

Dear Babs,                     July 19, 2020

I don't know if, hanggang kailan ko itatago ang feelings ko sa iyo. Everyday I fall for you. Nakakahiya man, pero aaminin ko na sana sayo, pero naalala ko… you are waiting for Rena. Ayaw ko naman na maging third party, botong boto pa naman sa inyu ang mga kaklase natin. Pero? Kung sakali ba, pwede kaya tayo? May pag-asa  kaya? Totoo ba ang sweetness mo sa akin sa chat, kung oo, sana akin ka na lang.

Umaasa,
Demy.

Eleven Pages (A short story)Where stories live. Discover now